"saan ka pupunta ?" tanong sakin ni papi ng makita niya na nakabihis din ako.. well sinasabi ko naman sa kanya hindi ako mapapapigil . sasabit ako at sasabit sa kanya. "sasama ako sayo duh .. nakalimutan mo na ba?" aba sumimangot ang gago.. pinagpipilitan niya kasi na wag akong sumama . well siyempre matigas ang ulo ko kaya hindi ako nakinig sa kanya ..at kahit pa pigilan niya ako hindi ako makakapayag . aba.. hindi ako susuko sa laban na ito no lalong lalo na at tungkol sa lodi ko ang gera na papasukin ko ngayon. kung kailangan kong dalhin ang isang batalyong armadong lakas ng pilipinas gagawin ko! para kay lodi !! paking syet ! lalaban ako ! "sabi ko sayo diba dito ka lang sa bahay ? mainit na doon dahil hangang ngayon hindi padin nakikita ang anak nila at ayoko na madamay

