"Kinakabahan naman ako para sa senyorito. Ano kaya ngayon yung pinag-uusapan nila ng Sir Nicholas? akalain mo kasi sa tinagal-tagal, sa ilang taon na hindi umuwi dito ay ang senyorito kaagad ang hinanap niya." "Oo nga. Ako rin ay kinakabahan. Mararamdaman mo rin na parang hindi mapakali ang Ma'am Nyla dahil pagkababa ng sasakyan ng Sir Nicholas eh ang hinanap kaagad ay ang anak niya. Hindi kaya nalaman nang dito nakatira ang senyorito?" "Eh, bakit, hindi ba alam? 'yan rin kasi ang problema kay Sir Nicholas, parang pinabayaan na ang senyorito at ang mahalaga na lang ay ang Senyorito Nygel at Nyzon." Napabuntong hininga ako nang marinig ang mga pinag-uusapan nila Kuya Lito at ng iba pang mga kasambahay tungkol kay Nnyx at sa ama nito na kadarating lang. Kahit ako kanina ay nabigla, umahon

