Allie "Bakit hindi mo sinabi na pupunta ka pala dito, Carina? What time did you arrive?" Nakangiti na tanong ng Ma'am Nyla. Narito sila ngayon sa dining room at nag-aagahan. I was looking at the woman I saw last night. Ang babae na inakala ko na kapatid ni Nnyx dahil sa kamukhang-kamukha nito. Parang girl version nga. Nanay pala. Ngayon curious ako, kung ilang taon siya. Nakasundress ito, nakatali ang mahaba at curvy na buhok sa likod at may nakalaglag sa magkabilang gilid. Ang ganda. Hindi ko talaga mapaniwalaan na nanay ito ni Nnyx. "Gusto ko po surprise, Mama. Hindi ko po talaga ipinaalam," nakangiting sagot nito. And I can't deny that she's a beauty. Ang amo ng mukha nito, at yung paraan ng pagngiti niya ganoon na ganoon ang kay Nnyx. Itong-ito ang nakikita ko sa Ma'am Carina. A

