Nang magising ako at idilat ko ang mga mata ko ay napatingin ako sa silid kung nasaan ako. Nagsalubong naman ang mga kilay ko nang may mapansin. Parang may mali... sandali akong natigilan at napaisip kung bakit narito ako sa kwarto ko sa bahay namin sa Maraveles. Hindi ba at nasa mansion ako dapat? Pero nang maalala ko kung ano ang mga nangyari kahapon, ang pagse-celebrate namin dito ng kaarawan ko sa tabing dagat at ang pagdating ni Nnyx kagabi ng biglaan ay napabalikwas akong bigla ng bangon mula sa kama. Tiningnan ko rin ang labas ng bintana at pagkita ko ay maliwanag na. Sht! Maaga nga pala kaming babalik ni Nnyx sa mansion! Hinanap ko agad sa paligid at naaalala si Nnyx. Umuwi na kaya siya? tumayo na ako at naglakad at nang masipat ko ang itsura ko sa salamin ay nagulat pa ako.

