Chapter 4

1123 Words
Bwisit na lalakeng iyon! manyak! pagkatapos kong iligtas ang buhay niya ay bigla na lang manghahalik? at anong sirena? wala naman napabalita na may sirena dito sa aming lugar! ang gwapo nga niya, manyak naman! sana hindi ko na niligtas ang buhay non! "Nakakainis! nakakainis talaga!" hindi ko sukat akalain na ang iniingatan kong first kiss na dapat sa first boyfriend ko lang ibibigay ay nakuha na ng lalakeng 'yon. At hindi lang basta saglit na halik, pakiramdam ko talaga ay napagsamantalahan niya ako sa parte na halos hindi ako makawala sa mga bisig niya kanina! "Hmm! a-ano bang--" Sinubukan kong kumawala pero ang kapit niya sa batok ko ay mahigpit, ang kamay niya sa bewang ko ay ganoon rin. At pagkakamali ko na nagsalita ako dahil mas pinalalim lang ng lalakeng ito ang halik sa akin. Namilog ang mga mata ko nang maramdaman ko ang pagkagat niya sa pang-ibabang labi ko. Mas idiniin rin niya ang katawan ko na tuluyan nang nakapatong sa kaniya. At nang makaramdam ako ng matigas na bagay sa aking gawing puson ay parang ang lahat ng init sa katawan ko ay umakyat sa aking ulo. Maryosep! "Sweet mary..." Pagkalayo ng mga labi ng lalake sa akin ay hindi na ako nag-aksaya pa ng pagkakataon na makawala. Kinagat ko ang pang-ibabang labi niya ng mariin. "Fck! what did you--acck!" At nang mabitiwan niya ako ay tinuhod ko naman siya na ikinasama ng gwapo niyang mukha. At hindi pa ako don natapos, dahil ninakaw niya ang first kiss ko at pinaramdam niya pa sa akin ang pagkalalake niya ay iniangat ko siya habang hawak ang kwelyo ng damit niya at sinapak ko siya sa mukha. "Para iyan sa pagnakaw ng first kiss ko! at hindi Sweet Mary ang pangalan ko!" Bumagsak siya sa buhanginan pagkabitiw ko, hindi na nagsalita at hindi na rin kumikilos. Nawalan ata ng malay. Kinilabutan ako nang maalala ang mga nangyari pero mabuti na lang talaga at marunong-runong ako depensahan ang sarili ko, kaso huli na rin dahil nakuha na nung lalakeng 'yon ang unang halik ko, tapos yung ano pa niya na mati... ahh! bwisit! ang bastos! Nang makauwi ako ay nakita ko kaagad ang lola na palabas ng bahay, lakad takbo ako pero iniwasan ko na makatinginan siya o mahagip niya ang mukha ko dahil pakiramdam ko hangganng ngayon ay namumula pa rin ako sa nangyari. "Mano po," kinuha ko ang kamay niya pagkalapit ko. Halos inabot ata ako ng dalawa o kulang tatlong oras. "Oh, Allie? ano ang nangyari sa 'yo? palabas na sana ako para sundan ka dahil ang tagal mo. Nakipag-daldalan ka pa siguro sa anak ni Kaloy, 'no?" Umiwas ako kaagad sa lola ng tingin pagkarating ko ng bahay namin. Hawak ko ang supot na naglalaman ng mga pinamili kong seafood kanina kila Karlos. Yun pa, akala ko nga nakauwi na sila, wala na rin sana akong balak na pumunta doon sa kaba na nararamdaman ko dahil sa naganap kanina pero naisip ko na tiyak magdududa ang lola kung wala akong kahit anong dala. Ang sabi ni Karlos kaya inabot na rin sila ng gabi ay marami daw ang may order kaya nagtagal sila sa kubo. Ibinigay na rin lahat ng nakalistang bibilhin ko para daw hindi na maabala bukas na puntahan pa sa palengke. "Ang Mang Kaloy po kasi hindi po kaagad nakabalik sa oras na palagi siyang dumadaong, ang sabi ni Karlos ay maglakad-lakad daw po muna ako sa dagat--" "Pero, sumisid ka?" tanong niya sa akin. "Eh... opo, hindi ko na po namalayan rin ang oras dahil sa page-enjoy." Hindi naman ako nagsinungaling dahil 'yon naman talaga ang nangyari. Kaso nga lang, wala akong balak na sabihin kay lola kung ano pa ang mga naganap pagkatapos non dahil sigurado akong hahanapin niya yung lalake--kahit sa impyerno. "Naku, Allie Carlottha. Hindi kita pinagbabawalan sa pagsisid mo, pero kapag mga ganitong oras naman ay huwag ka nang nagpapaabot sa labas. Alalahanin mo, wala ako, wala kang kasama dito tapos ang dagat malayo iyan sa mga bahay, paano kung may mangyari sa 'yo?" Napabuga ako ng hangin. Nasa likod na ang lola, narinig ko ang tunog ng pagbukas niya ng supot ng seafood. Alam ko naman na nag-aalala lang siya sa akin dahil nga nag-iisang pamilya na lang niya ako tapos babae pa. Nakadagdag alalahanin sa kaniya yung mga nawawalang dalaga dito sa Maraveles. "Hindi naman po, ngayon lang po ginabi." At yun naman ang totoo. Lumapit ako sa lababo at binuksan ang gripo, nag-iinit talaga ang buong mukha ko. Naghilamos ako agad pagkatali ko ng maayos ng buhok ko at nang hindi ako makuntento sa lamig ng tubig ay binuksan ko ang ref at kumuha ako ng yelo doon, tinunaw ko sa palanggana. Hindi ko naman pansin na nakatingin pala ang lola, akala ko ay abala siya doon sa paglalagay sa cooler ng mga seafood na iuuwi niya sa mansyon ng mga Portano bukas. "Ano ba ang nangyari sa 'yo, Allie? hanggang tainga at leeg ay namumula ka. May nakakagat ba sa 'yong insekto sa dagat?" Mahigit ang naging kapit ko sa palanggana nang marinig ang sinnabi ni lola dahil ang unang pumasok sa isipan ko na insekto ay ang ang lalakeng lumapastangan sa virgin lips ko. Umahon muli ang matinding inis sa akin at napahinga ako ng malalim. "Opo, lola. Bwisit na insekto nga po na 'yon, medyo malaki po ang kagat sa akin. Gustong-gusto ko nga pong tirisin." Pagkasabi ko non ay nailapat ko ang mga daliri ko sa pang-ibaba kong labi. Huwag ko lang talaga makita ulit ang lalakeng 'yon, sisingilin ko siya ulit sa ginawa niyang pambabastos sa akin. Ang gwapo, ang amo ng mukha, pero sobrang bastos! "Ay, naku! eh, teka. Mayroon akong ointment dito," mabilis naman na lumabas ang lola sa kusina. Naghilamos na ako ulit ng malamig na tubig. Napapikit ako sa lamig pero sinunod-sunod ko ang pagbuhos lalo sa mukha ko. Niyelo ko rin ang mga labi ko, nang maalala ko 'yung halik ng lalakeng 'yon kanina ay nagtoothbrush rin ako at ginilgil ko talaga ang bibig ko. "Wala na ang first kiss ko..." Usapan pa naman ito ng mga kaklase ko, memorable daw kasi ang first kiss nila. Mararamdaman mo raw na parang biglang magkakaroon ng fireworks kahit umaga. Nakakahilo, para ka daw nakalutang habang mahigpit ang yakap sa 'yo ng kasintahan mo. Sa una daw mangangapa ka sa paraan ng pagtugon pero iba daw yung feeling kapag gina-guide ka ng partner mo. "Bwisit..." At syempre, gusto ko rin na maranasan 'yong first kiss na ganon ang feeling. Pero paano ko naman mararamdaman 'yon? ang kumuha ng unang halik ko ay isang bastos na lalake lang na tinawag pa ako sa pangalan na Sweet Mary! Babaero 'yon! sigurado ako!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD