Allie Ang sabi ni Nnyx bago siya umalis ay kinabukasan uuwi na rin ang Sir Nicholas pero ito at tatlong araw na ay narito pa rin sa mansion ang kaniyang ama! At ramdam ko na hindi pa rin talaga ito naniniwala na hindi ako isa sa mga babae ng anak niya. Kahit wala dito si Nnyx ay ramdam ko na pinanonood ng sir ang mga kilos ko. Nakakawala lang ako kapag narito ako sa garden. Dito na ako nagpipinta ng mga paso na iniutos ng Ma'am Nyla at patapos na rin ako. Hindi ito pumupunta dito dahil napaka-obvious naman, 'di ba? pero nararamdaman ko na gusto pa rin akong kausapin ng Sir Nicholas tungkol sa amin ni Nnyx. Yung kaming dalawa lang. Ganoon ba kalala dati si Nnyx sa mga kasambahay nila dito sa mansion? Nakaramdam ako ng inis. Alam ko naman yung consequences ng pakikipagrelasyon sa kaniy

