Allie "Bakit nakasimangot ka?" Nilingon ko si Abby habang nagtatanggal ako ng mga tuyong dahon sa mga halaman ng Ma'am Nyla dito sa garden. "Hindi naman. Normal na ang mukhang ito sa akin, Abby." Napatawa naman siya sa sagot ko. Pero ang totoo ay iniisip ko ang senyorito. Simula kasi nang magkausap kami, dalawang araw na ang nakalipas tungkol doon sa 'tipo' ko na lalake ay pakiramdam ko may nagawa akong mali sa kaniya. Hindi rin kasi ako nito isinama nang umalis noong tanghali, at ang Ma'am Nyla ay sinabi sa akin na ayos lang daw na dumito muna ako sa mansyon. Nakausap naman daw niya ang Uncle Sabian ng senyorito na doon ito pupunta at hindi sa dagat. Mukhang nag-aalala talaga ang Ma'am Nyla, at hanggang ngayon ay iniisip nila na dahil sa sirena kung bakit pabalik-balik ang senyorit

