I got scared. Simula pa lang nang makita ko si Nnyx na blangko ang mukha na nakatingin sa akin kanina malayo pa lang ako sa dagat ay umahon na ang kaba sa akin. Nasaktan na ako agad nang hindi niya pansinin, umahon ang kaba at natakot ako nang pagtaasan na niya ako ng boses. Nang tingnan niya ako ng may galit sa mga mata. Pero hindi ko siya masisisi. Kagalit-galit rin na hindi ko sinabi sa kaniya ang totoo. Napakarami ko rin pagkakataon para umamin sa kaniya pero hindi ko ginawa. At nang akala ko ay matatapos ang kaarawan ko ng hindi kami nagkakaayos ay nagkakamali pala ako. I held on his nape after Nnyx pulled me closer. Ang higpit ng yakap ng mga kamay niya sa baywang ko habang patuloy kaming dalawa sa paghahalikan. After he called me baby again, kahit sinabi niyang galit siya ay naram

