Ngayon ay nasa tapat ako ng pinto ng silid ng Ma'am Nyla. Ilang minuto ba yung itinagal ng kwentuhan namin ng Kuya Lito? pag kasi kaming dalawa na ang nag-usap ay naku nalilimutan ko rin ang oras dahil sa kadaldalan niya. Nawala tuloy sa isipan ko na sabihin sa ma'am na balak umalis ng senyorito. Syempre, 'alaga' ko na yung apo niya, at iniisip ko ngayon kung sa pupuntahan ba nito ay dapat kasama ako. Hindi ko pa nalalaman kung paano ang klase ng trabaho ko ngayong nalaman ko na hindi isang bata ang aalagaan ko. Iba kasi ang kahulugan ng Ma'am Nyla sa pag-aalaga, nang makita niya akong napatumba yung magnanakaw sa palengke ay mukhang naisip niyang kaya ko rin mabantayan at mapigilan ang apo niya. Natuwa pa siya nang makita ang nangyari kanina nang mapatulog ko ang senyorito. Nang muli a

