"Aaahh! sa wakas! pagkatapos ng tatlong araw nakayari rin tayo sa pag-lilinis." Pagod na pagod nang tumabi sa akin sa mahabang kahoy na upuan si Abby. Alas-kwatro mahigit na ng hapon at nandito kaming dalawa sa back garden. Buti nga at mahangin, malamig rin at nakakarelax. Tamang-tama. "Akala ko ay aabutin tayo ng sampung araw, eh." "Hindi naman..." mahina kong sagot, guilty. Sa dami kasi ng mga kasambahay, pati na ang mga manggagawa ng pamilya Portano ay inabot kami ng isang linggo para lang masiguro na malinis at walang kahit anong tambak sa buong mansyon. At... hindi naman rin ako makapagreklamo dahil ako ang may kagagawan ng lahat ng ito. "Uminom ka muna ng tubig," sabi ko sa kaniya at inabot ko ang mineral bottle na hawak ko. Nag-ikot-ikot kanina si Kuya Lito dahil nagpapamigay

