Inaasahan ko nang magugulo ang buhay ko at sasabihin ni Via ang totoo sa Ma'am Nyla pagkatapos ng naging mainit na pag-uusap namin bago siya bumalik sa kanila. Pero wala. Nanatiling hindi alam ng Ma'am Nyla o kahit ng Lola Pacita ang tungkol sa amin ng senyorito. Hinintay ko ng ilang araw pero tahimik siya at hindi niya 'yon sinabi na ikipinagtaka ko. At hindi ako dapat mapanatag. Ang kabaitan na nakita ko kay Via ay peke lang, alam kong hindi 'yon papayag na basta na lang mapasaakin si Nnyx lalo pa't nakita at naramdaman ko talaga na minamahal niya pa rin talaga ito. Sa ilang araw niya dito sinubukan niyang makuha ang atensyon at makasama si Nnyx. Nakaramdam ako ng kirot sa dibdib ko nang maalala naman si Nnyx. I am only doing the work assigned to me. Na magdala lang ng pagkain at hind

