Pinakikiramdaman ko lang si Olivia sa kabilang linya. Mukhang tinakasan na naman siya ng boses sa gulat. Umurong na rin ata ang dila. Anong akala niya sa akin? porke disinwebe anyos lang ako ay makakaya-kaya niya? "May ipapasabi ka pa po ba, Ma'am Olivia?" "Give the phone to Nnyx right now!" Nang magsalita na itong muli ay ramdam ko ang gigil nito. Nang tingnan ko naman si Nnyx sa harapan ko ay takip-takip nito ang bibig ng isang kamay at namumula ang mukha at magkabilang tainga. Nagsalubong ang mga kilay ko sa nakita kong reaksyon niya. Anong nangyayari sa kaniya? "Allie, give the cellphone to me," sabi niya. Huminga siya ng malalim. Iniabot ko naman na ang cellphone niya at akala ko ay kakausapin niya si Olivia pero pagkahawak na pagkahawak niya ay pinatay niya 'yon at nilapitan ako.

