Ako na ulit ang nagdadala ng pagkain ng senyorito at nag-aasikaso ng mga kailangan niya na ikinainis na naman ni Rana. At kahit nga isang linggo na ang nakalipas ay patuloy ang tanong niya sa akin kung ano ang ginawa ko dahil biglaan naman daw at walang pasabi sa kaniya na ako na muli ang gagawa ng trabaho na una naman na naging akin. Sa inis ko sa kaniya ay pasalamat nga siya hindi siya nakatikim. Ang dami niyang gawa-gawa na kwento tungkol sa senyorito. Na gustong-gusto siyang makita nito at iba kung tumingin. Ang feeling. "That maid is pestering you again, Allie? I can kick her out of this mansion just tell me." Kadadala ko lang ng pagkain ng senyorito ngayong tanghalian. Palagi siyang kumakain sa silid at hindi sa dining room dahil nga hindi naman niya ako makakausap doon. Limitado

