Video Call "Sigurado ka na ba talaga sa pagpapakasal sa anak ko?" tanong ni Mama sa hindi ko mabilang na pagkakataon. Hanggang sa paalis na si Xaiver ay nagtatanong pa rin siya. "Yes, Ma'am," he courtly answered. "I'm very certain that I want to marry her." Walang sawa ring sinasagot ni Xaiver ang aking ina. He was so patient with her. Bawat pagsagot niya rin sa kanya ay pormal at may respeto. It was really unlike him. “Eh hindi ba talaga masyadong mabilis?” Punong-puno pa rin ng pag-aalala si Mama. “Baka nabibigla lang kayong dalawa. Mas mabuting pag-isipan ninyo muna.” "We had months since we were separated to think about this marriage. I almost lost her before when she resigned. Now that she's back with me and accepted my proposal, I won't let go of her the second time around. I'm

