Chapter 10

2946 Words
Terrified Medyo lutang pa ako habang pabalik sa aking lamesa. Pagkatapos naming mag-usap ni Mrs. Dela Vega, hinatid ko siya sa kanyang sasakyan na naghihintay sa driveway. Hindi ako mapakali habang iniisip ang mga iniuutos niya sa akin. I couldn’t decide if I should actually do what she asked me to or just disregard everything. I was torn, trying to choose what was right. Kaya nga lang, naisip ko rin na kahit gawin ko man ang gusto niya, I would never find an answer right away. Si Xaiver na mismo ang nagsabi na wala pa siyang mapagbibigyan ng kwintas kaya ako muna ang magtatago no’n. Either way, I would still disappoint Mrs. Dela Vega. Wala akong maibibigay sa kanyang sagot. Napabuntonghininga na lamang ako habang patuloy ako sa pagdedesisyon. It was only when I got near my table that I realized Xaiver had occupied my seat. Komportable siyang nakaupo roon at nakatukod ang kaliwang siko sa aking lamesa. His thumb caressed his lips while his eyes were fixed on my graduation photo with my mother. Nang mapansin niya ang pagdating ko’y umayos din siya ng upo at saka inilipat ang tingin sa akin. He pointed to the picture displayed on my table and asked, “Where’s your father?” Iyon ata ang unang beses na nagtanong siya tungkol sa aking pamilya. Although it had been three years since we met, he had never shown curiosity to know more about my personal life. He never asked about my family. He never pried. “Uhm… Matagal na siyang wala,” sagot ko. Agad napakunot ang kanyang noo sa narinig. “Bata pa ako nung namatay siya,” paglilinaw ko. Xaiver’s lips partnered. The creases on his forehead disappeared as his eyes turned gentle, then turned his head slightly. “So, he died, too…” he whispered absentmindedly. Sa sobrang hina ay muntik ko na ‘yong hindi marinig. Ngunit dahil tahimik ang paligid at tanging siya lamang ang nagsalita, I heard his words clear. He died too? “Ha?” Hindi ko alam ang ibig niyang sabihin. Nang matauhan ay gulat siyang nag-angat ng tingin sa akin. Xaiver seemed surprised at himself. Agad nga lang siya nakabawi. He wore his usual expression, then shook his head lightly. “Nothing—I mean—I’m sorry,” he said softly. “Ayos lang. Bata pa ako noon at ilang taon na rin ang nagdaan.” I also didn’t even have any recollection of memories with my biological father kaya hindi ko rin talaga alam kung ano ang mararamdaman. Nodding his head, Xaiver licked his lips and loosened his tie a bit. He then stood up and forced a smile. “Did my mom ask you to work for her?” Hindi na ako nagulat na alam ni Xaiver ang pakay ng kanyang ina sa akin, but my eyes still widened a bit because of uneasiness. I licked my lips and bit the lower one, struggling to come up with an excuse. Pero bago pa ako makasagot ay nagtaas siya ng kilay. “You don’t have to lie for her really,” he added. “I know how her mind works.” “Wala naman akong sasabihin,” agap ko. Xaiver nodded. “I don’t doubt your loyalty, but my mother’s desperation can create miracles.” “You can trust me, Xaiver.” I sternly said, and I surprised myself for not stuttering. A smirk curved on his lips. He nodded again and patted my head gently. Napalunok ako at bahagyang napayuko. “You can continue your work now. I won’t disturb you any longer.” Ibinaba niya ang kanyang kamay at tumalikod na para bumalik sa opisina. Hindi pa nga lang siya nakakalayo ay muli siyang tumigil saka lumingon sa akin. “The next time my mom asks you who’s my lover, just say your name. Tell her you’re my woman.” After dropping the bomb, Xaiver nonchalantly walked back into his office while I was left dumbfounded. Ano raw?! Nanuyo ang aking lalamunan. Kasabay ng pagsara ng pintuan ng kanyang opisina ay narinig ko ang pag-ubo ni Joseph na parang nasamid na naman. I didn’t notice him after sending Mrs. Dela Vega off. Akala ko ay tanging kami lamang ni Xaiver ang nandito. Para siyang hangin sa akin kanina. “Wala akong narinig… Multo ‘yon. Multo lang ‘yon, Joseph. Wala kang narinig.” Tinakpan ni Joseph ang kanyang tainga at saka umiling-iling. “Hindi totoo ‘yon. Guni-guni mo lang ‘yon.” Ngumuso ako at mas lalong nahiya sa ginawa niyang pagpapatay-malisya. I’d rather have him talk to me, so that I could clear things and avoid misunderstandings. Gaya ng sabi ko kay Xaiver, ayokong magkaroon ng rumors tungkol sa aming dalawa na hindi totoo. I didn’t want that to affect my work and our relationship as my employer. Nang mapansin ni Joseph na nakatitig ako sa kanya ay napalingon siya sa akin. That was the trigger. Hindi na niya napigilan ang sarili at nagmadali na siyang lumapit. “Chantal, halika nga rito dali!” Once again, I was dragged into the pantry, but by a different person. Pinaupo ako ni Joseph bago siya humalukipkip at sumandal sa counter. “Iyong totoo, Chantal, ano ang meron sa inyo ni Sir Xaiver?” kritikal niyang tanong. Napabuntonghininga ako at umiling. “Wala.” Naningkit ang kanyang mga mata. “Huwag mo akong mawala-wala diyan! Last week ko pa napapansin. Simula nung bumalik kayo galing US, parang may nag-iba! Nagka-develop-an ba kayo habang nandoon kayo? May nangyari ba sa inyo?” Joseph almost sounded like he was panicking. “Walang gano’ng nangyari, Joseph!” sabi ko, naeeskandalo sa mga iniisip niya. “Walang nangyari sa amin. Hindi kami nagkaka-develop-an. Siguro nape-pressure lang si Xaiver kaya gano’n siya. Ako ang napili niyang pagbalingan dahil secretary niya ako at lagi kaming magkasama.” Nagtaas ng kilay si Joseph. “Excuse me. Secretary niya rin ako,” sabi niya pero agad ding ibinaba ang brasong nakahalukipkip. “Pero I admit naman na hindi ako uubra sa beauty mo.” Napailing ako sa kanyang pagbibiro. Lumapit naman si Joseph saka naupo sa tabi ko. “Pero seryoso, Chantal, hindi naman ako chismosa. I can keep a secret. Gusto ko lang malaman para alam ko na ang aasahan ko araw-araw dahil baka mamatay na ako kakasamid,” sabi niya. “Wala talaga, Joseph…” I said and looked him in the eyes. “Feeling ko pressured lang talaga siya sa Mama niya kaya kung ano-ano ang naiisip niyang gawin.” Itinagilid ni Joseph ang kanyang ulo. “Naiisip niya?” I nodded. “He’s been acting weird… Hindi lang naman ikaw ang nakapansin no’n, ako rin,” sabi ko. “Ewan ko. Siguro napapagod na rin siya sa kaka-arrange ng Mama niya ng mga blind dates. Maybe he wants to settle down.” “Settle down? Xaiver Dela Vega?” nagulantang ulit ni Joseph. “A man so ambitious as him won’t settle down this early. Siya na ang mismong nagsabi sa interview sa kanya dati, ‘di ba? He wants to achieve all his goals after he assumed his father’s position. Sa sobrang dami niyang plano, baka kuwarenta na siya mag-asawa.” Forty?! That would be bad for his future wife, though. Sa pagkakaalam ko ay mahirap na ang magbuntis sa ganoong edad. His mother wouldn’t let that happen for sure. “Pero paalala ko lang, Chantal, ah…” Lumapit si Joseph sa akin nang hinaan niya ang boses. “Maganda ka at matalino. Bagay man kayo ni Sir Xaiver, pero sa tinagal-tagal ko sa ilang taon ko nang nagtatrabaho sa kanya, wala akong narinig na kahit anong rumors na may babae siya. It might sound like a good thing, pero parang mas nakakatakot, ‘di ba?” Nanatili sa aking isipan ang mga sinabi ni Joseph. Nakatulala lamang ako sa lunch na ipinahanda ko para sa aming dalawa ni Xaiver. I had not finished my meal yet, pero busog na ako agad sa kakaisip. Hindi ko naman siya gusto, pero hindi ko alam kung bakit ko pinoproblema ‘yon. I was afraid that his words might be getting into me because I was spending so much time thinking about it. “I told you to ask the chefs to prepare your cravings, right?” Inangat ko ang tingin mula sa plato papunta kay Xaiver. “Uh, oo…” Tinuro ko ‘yong creamy beef mushroom. “Ito ‘yung gusto kong kainin ngayon. Hindi mo ba gusto?” Xaiver tilted his head and nodded on my plate. “I’m already done eating. Ikaw ang hindi pa tapos. It doesn’t seem like you’re liking the food.” “I do, uhm, may iniisip lang ako. Sorry. Kakain na ako,” sabi ko sabay pulot ng kutsara’t tinidor. Tumikhim si Xaiver at huminga nang malalim. Hindi ko na lang siya pinansin. Nagpatuloy lamang ako sa pagkain nang bigla siyang tumayo. Agad akong nag-angat ng tingin sa kanya. “I’ll just head to the lobby. You stay here and finish your lunch. Babalik din ako,” Xaiver simply said, then walked out of his office. Nakaawang ang aking mga labi habang sinusundan siya ng mga mata ko paalis ng opisina. And once he was out of sight, I sighed in relief and rested my back on the chair. I knocked fist on my head to stop myself from thinking about unnecessary thoughts. Masyado akong nagpapaapekto kahit na hindi naman dapat. Although it would be very hard, I should try to put distance between us. Sooner or later, I knew we would attract attention, like how Joseph noticed Xaiver acting differently. I didn’t want any rumor to reach Mrs. Dela Vega, lalo na’t mukhang hindi siya titigil hanggang sa makilala niya ang girlfriend ng anak. I didn’t want her or anyone to misunderstand. Mabilis kong tinapos ang pagkain. I wanted to be done before Xaiver could head back. Niligpit ko na ang aming mga pinagkainan at ibinalik iyon nang maayos sa cart. Dati ay ako pa mismo ang bumababa at umaakyat para sa aming pagkain, but Xaiver told me to just call a cafeteria staff to help me with it. Nakasanayan ko na rin ‘yon kaya pagkatapos kong magligpit, tumawag na ako sa baba. In just a few minutes, narinig ko ang pagbukas ng elevator. I was expecting the staff, but I was surprised to see Xaiver walking ahead. Nangunguna siya at halatang papalapit sa akin. Bumaba agad ang tingin ko sa hawak niyang iced coffee at nanlaki ang mata. Did he go down just to buy me coffee? I swallowed the lump in my throat as my pulse started to race. Iniwas ko ang tingin sa kanya, kunwari ay hindi ko napansin ang hawak. I held the cart and stood up to approach the cafeteria staff on his way to pick it up. “Chantal—” “Hi, Sir!” Ngiti ko sa lalaking staff na nag-aalangang sumulyap kay Xaiver. Natigil si Xaiver sa pagsasalita, ngunit nanatili siyang nakatayo malapit sa akin. “Ito na po ‘yung cart. Thank you.” “A-ah, salamat po, Ma’am,” balik na sabi nito sa akin, nanginginig ang labi. Mabilis niyang kinuha ang cart mula sa akin at tinulak iyon pabalik sa may elevator. Nang mawala siya ay saka ko lamang binigyan ng pansin si Xaiver. “Oh, Xaiver, nag-reply na sa email ko ‘yung Entrepreneur team. They are all ready for the meeting later. May iba ka pa bang ipapasabi sa kanila?” sabi ko kanya. Tahimik siyang umiling habang nakakunot ang noo. Hindi niya sinagot ang tanong ko at inangat ang hawak na iced coffee kasabay ng pagkuha niya sa kamay ko. The warmth of his hand on mine caused my heart to beat even faster. Luckily, it was immediately covered by the coldness of the coffee when he passed me the cup. “I bought you coffee,” sabi niya na para bang hindi pa obvious ‘yon. “I don’t know what’s on your mind, but I hope it’ll make you feel better.” My lips parted at his words. He didn’t say another word and went back to his office after giving me the coffee and leaving words to make me go crazy. Now how will I stop thinking about him? Buong maghapon ata ako problema hanggang sa dumating na ang Entrepreneur team. I was with Xaiver the whole time they discussed the set of questions. I was shocked that he didn’t order them to remove most personal questions that he would usually forbid the media to ask. Ang mga interview niya noon ay purely about business lamang. If there were personal questions included, mga basic information lamang ‘yon tungkol sa kanya. “Thank you very much for giving us time despite your busy schedule. We’ll see you during our shoot.” The editorial team leader shook hands with Xaiver. “No problem. My secretary will see you out,” Xaiver said, then turned to Joseph whom he called a minute ago. “Joseph, please do.” Tumango si Joseph at nilingon ang dalawang bisita. Agad din silang lumabas habang ako’y nagtataka kung bakit si Joseph pa ang inutusan niya kung nandoon naman ako. It was also a part of my job. “Fix your things now. Uuwi na tayo,” sabi naman ni Xaiver nang makaalis na ang lahat sa opisina. Nanlaki ang aking mga mata saka sumulyap sa orasan. I couldn’t believe he was going home straight right after the interview. Ang akala ko’y may tatapusin pa siyang mga trabaho. It seemed like he was already done for the day. “Okay. I’ll wait for you outside.” Gaya ng utos ni Xaiver ay lumabas na ako para ayusin ang mga gamit. Good thing I already tidied everything up before the meeting kaya wala na ako masyadong gagawin. Agad din namang sumunod si Xaiver palabas matapos ang tatlong minuto. He had his coat removed already. Nakasabit na lang ‘yon sa kanyang braso. He unfastened the first three buttons of his white button-down shirt and rolled the sleeves to his elbow. Mukhang handang-handa na talaga siyang umuwi. “Let’s go,” aya niya kaya walang pag-aalinlangan akong tumayo. As soon as we entered the elevator, Xaiver pressed the basement parking instead of the ground floor. Doon ko lamang naalala na siya nga pala ang nagmaneho sa aming dalawa kanina at mukhang wala pa rin siyang driver. “Nasaan si Manong?” hindi ko na napigilan ang sarili na magtanong. Napaayos ng tayo si Xaiver. “He’s sick.” “Hala! Ano raw ang sakit?” I couldn’t help but feel worried. “Flu.” Ngumuso ako. “Kawawa naman si Manong. Sana gumaling siya agad.” “Yeah… Sana nga.” Bakit parang napilitan lang siya? I shut my mouth and didn’t question his genuineness any further. Tahimik lamang akong sumunod sa kanya papunta sa sasakyan. Unlike that morning, Xaiver took the liberty to open the door for me. Hinintay niya akong makapasok bago isinara ang pinto at lumipat sa driver’s seat. It wasn’t long after he started the engine and drove off to take me home. The sun had already started to set when we got out of the basement. From soulless blue, the setting sun painted the sky with a blush of pink and a touch of lilac. And just a few minutes later, the white fluffy clouds became a silhouette as the skies turned scarlet red before it was consumed by darkness. Pagkatapos panoorin ang pag-iba-iba ng kulay ng langit, wala sa sarili akong napalingon sa aking katabi. Xaiver looked anxious while he was driving. Hindi ko maiwasan ang pagkunot ng aking noo at paniningkit ng mga mata nang makita ko siyang parang wala sa sarili. Trying to focus more on driving, Xaiver bit his lower lip. Mahigpit ang hawak niya sa manibela at medyo hindi mapakali ang mga daliri. He kept moving them, adjusting his tight hold on the steering wheel. The lights from the cars speeding ahead of us flickered on his face. Napansin ko ang unti-unting namumuong pawis sa kanyang noo. Kunot na kunot din ang kanyang noo. Hindi naman siya ganyan kaninang umaga… “Xaiver…” simpleng tawag ko sa kanya. I was worried about how he was acting. Sa sobrang gulat ni Xaiver sa marahan kong pagtawag ay marahas siyang tumapak sa preno. Parang nayanig ang mundo ko. The force almost threw me off my seat. Mabuti na lang nakasuot ako ng seatbelt. Bukod pa roon, mabilis na hinarang ni Xaiver ang katawan. He extended his body from his seat para sa kanya lang ako tumama. My eyes were wide open, staring dumbfoundedly in his eyes. Nakaawang ang kanyang mga labi. I could feel and smell his hot, minty breath sa sobrang lapit ng mukha niya sa akin. Nakahawak siya nang mahigpit sa gilid ng headrest. I was locked in between his long and muscular arms. Dahil nakatiklop ang kanyang sleeves, kitang-kita ko ang galit niyang mga ugat. He was so scared… terrified. Mas lalo kong nakita ang pawis niya na tuluyan nang tumulo mula sa gilid ng kanyang noo. The man in front of me looked like a stranger yet familiar. “X-Xaiver…” Nanginig ang aking labi. “Okay ka—” “Are you okay?” Before I could finish my question, naunahan niya ako sa kabila ng matinding takot. His hoarse voice resounded in my ear. Ibabalik ko pa lang sana ang tanong sa kanya, ngunit bago ako makapagsalita ay napatigil ako sa malakas na busina galing sa sasakyan sa aming likuran.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD