*THIRD PERSON's POV*
Nakatingin lang ang lahat kay mavi at kys na hanggang ngayon ay hindi pa rin nagigising dalawang araw ng lumipas matapos ang labanang nangyari kila adelisa mavi at kys.
Dalawang araw nading nakabantay sa kanila ang mga kasamahan nila natatakot na ulit na baka may sumugod nanaman.
"Sa tingin nyo sino ang kasabwat ni adelisa sino ang nag-uutos sa kanya?" Seryosong tanong ni kiva habang nakatingin kila kys.
"Yon ang dapat nating malaman lalo na ngayon wala na si adelisa hindi natin kilala ang isa pang kalaban" Seryosong sagot ni steven.
Ayaw na nilang maging kampanti dahil hindi nila alam kong ano ang takbo ng utak nang iba nilang kalaban.
"Yong pag iiba ng anya ni kys napansin nyo ba yong naging puti ang buhok nya at maging ang isang mata nya ay puti parac syang lobo" Hindi parin makapaniwalang sabi ni sunny hindi sya pwedeng magkamali sa nakita nya.
"Habang tumatagal lalong nagiging misteryoso si kys maski ako hindi ako makapaniwala ng makita ko sya at wala syang kahirap hirap na ginawang abo si adelisa" Seryosong sabi ni ford.
"Kung sakali ngang hindi si kys ang nasa propesiya sino siya? Bakit sobrang lakas nya hindi pangkaraniwang tao ang may ganong kalakas na kapangyarihan" Sabi naman ni kiko.
Sa mga nangyayari lalo silang nagugulohan maraming katanungan sa kanilang isipan na hindi nila alam ang sagot.
"Isa lang ang kilala kong may ganun kapangyarihan ang gawin abo ang isang pambira ang reyna ng mga lobo ang kaibigan ng ama ni sue matagal na akong walang balita don hindi ko nga alam kong buhay pa sya" Nakatingin sa kawalang sabi ni ayame.
"Maaaring isang lobo si kys dahil noong araw na naging bampira sya kita ng dalawang mata ko ang pagbabago nya kong paano maglaban ang pula at puting mata nya ramdam ko ang lakas ng kapangyarihan niya nung araw na yon posibleng yung araw na naging pula ang buwan yun din ang araw na pagiging lobo nya naghalo ang lakas nilang dalawa ni sue kaya ang dinadalang bata ni kys ay ang batang bantay" Seryosong sabi ni mavi na kagigising lang napatingin silang lahat sa kanya umayos ng upo ang dalaga kahit mahina pa ang katawan nito.
"Kamusta ang pakiramdam mo?" Nagaalalang tanong ni ayame ng makalapit sya sa kaibigan nya.
Imbis na sumagot si mavi ay sinampal niya si ayame na ikinagulat ng dalaga.
"Saan ka galing? Kong hindi kopa sinundan si adelisa baka patay na si kys at ang anak nya!!" Sigaw niya dito naiiiyak naman si ayame.
"Sa susunod kapag aalis ka sabihin mo sa akin para ako ang nagbabantay sa kanya" Seryosong sabi nya sa dalaga. "Kailangan natin mahanap ang mata ng bampirang si zarahi sya lang ang makakasagot sa mga katanungan natin!" Napaka seryosong sabi nito sa mga kasama niya si zarahi nalang ang naiisip nyang makakatulong sa kanila dahil alam lahat ni zarahi hindi alam ng dalaga kong nasan na ito.
Matagal ng hindi nagpaparamdam sa kanila ang dalaga sana buhay pa ito.
"Paano natin mahahanap si zarahi ni hindi ko sya nararamdaman" Nag aalala na sabi ni kiva.
"Huwag niyong sasabihin kay sue ang tungkol dito aasahan kung umasta kayong wala kayong alam kong nasan si kys hanggat hindi natin nalalaman kong sino si kys mananatiling tahimik lang tayo" Napatango ang mga kasamahan ni mavi kilala nya naman ang ito dahil matagal na silang mag kakasama bago sila nagsasabi kau sue ay sigurado na wala ng problema pero ibang usapan ngayon.
Hindi nila alam kung hanggang kailan niya kayang ilihim kay sue ang tungkol dito bukod sa buntis si kys ay kailangan nya ang binata kailangan nya ang dugo ni sue para mapanatiling malakas ang katawan nya.
"Pwede na kayong umalis baka makahalata si sue sundan pa kayo sasabihan namin kayo kapag may naging problema" Sabi ulit ni mavi sa mga kasamahan nilang mga binata.
"Sasabihan din namin kayo kapag may naging problema" Sabi ni ford tumango lang silang tatlo maya-maya pa ay nawala na sila nagkatinginan silang tatlo.
"Paano natin sasabihin kay kys ang tungkol sa nalaman nya?" Tanong ni kiva sakanila napabuntong hininga si mavi tsaka ito napatingin kay kys.
"Sabihin na natin sakanya alam nya na din lang nasabi sa kanya ni ade hindi ko sya napigilan dahil mahina na ang katawan ko" Naka yukong sagot ni mavi napa kuyom ang palad niya dahil sa galit.
"Totoo ngang hindi ako ang nasa propesiya?" Napatingin silang tatlo kay kys ng magsalita ito gising na ito pulang pula ang mga mata nya at napapalibutan ng kulay dilaw ang gilid ng bilog nyang mata
"Wala pang kasiguraduhan kys dahil hinahanap ang totoong magulang mo totoo bang hindi ka tunay na anak ni rosalinda?" Tanong ni mavi sa kanya umiling iling si kys.
"Hindi nya ako tunay na anak ampon nya lang ako kong hindi ako ang nasa propesiya bakit nangyayari sakin to? Sino ako? Bakit ang gulo?" Sunod sunod na tanong ng dalaga hindi nya na maiwasang hindi maiyak hindi nya alam ang nararamdaman niya ngayon dahil sa nalaman nya.
Dapat masaya sya dahil hindi sya ang nasa propesiya pero may lungkot pa rin siyang nararamdaman dahil hindi sya paano na si sue paano na ang anak nila.
Mas lalong nasaktan pa sya ngayon dahil sa nalaman nyang sinadya ni sue ang lahat para layuan nya ang lalaki.
Ganyan ka na ba ka walang pakialam sakin wala na ba talaga akong kwenta sayo dahil hindi ako ang babaeng nasa propesiya.
Aniya sakanyang isipan napakuyom sya ng palad dahil sa galit na nararamdaman nya.
"Kahit sinasabi nilang hindi ikaw ang nasa propesiya nandito pa rin kami para sayo hindi ka naman hahayaan tutulungan ka naming matuksalan kong sino ka at anong tunay na ikaw" Seryosong sabi ni ayame pero mas nangingibabaw ang pag aalala nya sa kaibigan nya.
"Dapat hinayaan niyo nalang ako wala na akong kwenta isang basahan nalang ako para kay sue" Umiiyak nyang sabi napahagulgol na ito dahil sa bigat at sakit na nararamdaman nya.
"Wag mong isipin yan kys sya ang walang kwenta dito dahil mas pinaniniwalaan niya ang kasinungalingan ni adelisa!" Sabi ni mavi sa kanya habang pinupunasan ang luha nya.
"Sino ang nasa propesiya? Kong hindi ako? Ang tunay na anak ba ni mama?" Tumungo ang magkaibigan habang nakatingin sa kanya lalo siyang naiyak.
"May iba akong nararamdaman nang ginawa kong abo si adelisa hindi ko alam kung bakit nagawa ko yon kong ano yong nasa isip ko yon ang nangyari sobrang lakas ko ibang iba yon nong naging bampira ako hindi ko maipaliwanag ang lakas kong yon" Paliwanag ni kys sa kanila muling nagkatinginan silang tatlo.
"May napanaginipan din ako isang babae puti ang buhok hinahabol nya ako dahil sa takot ako sa kanya patuloy ko syang tinatakbuhan at tinatawag nya akong rudina" Nanlaki ang mata nilang tatlo dahil sa huling sinabi ni kys.
Rudina ang legendary wolf.
"Wag mo munang isipan ang mga bagay na yan kys magpahinga ka muna nag pahanda na din ako ng pagkain mo alam kung gutom kana" Sabi ni ayame sa kanya.
"Nagugutom na nga ako baka nagrereklamo na tong baby ko at hindi pa ako kumakain" Nakangiting sabi ni kys na akala mo wala syang dinaramdam na sama ng loob.
"Kumain ka hangat gusto mo marami akong pinaluto" Nakangiti naring sabi ni ayame maya maya pa ay pumasok na ang dalawang katulong niyang may dalang pagkaen.
Nakatingin lang ang tatlong magkaibigan habang masayang kumakain si kys napangiti sila kase kahit papano ay masaya parin ang dalaga kahit alam nilang marami mga problema ang dalaga.
"Kamusta si sue?" Tanong ni kys sa kanila nagkatinginan naman sila.
"Nakita nyo ba yung nasa propesiya? Maganda ba sya?" Muling tanong niya sa mga kaibigan nya.
"Kys" Tawag nila sa kanya ngumiti ng pilit ang dalaga.
"Pwede ba akong humingi ng favor sainyo? Gusto ko sanang makausap si sue gusto ko lang malinawan" Seryosong sabi nya sa tatlo tsaka ulit sumubo.
"Pina pahanap ka ni sue samin" Seryosong sabi ni mavi sakanya napatigil sya sa pag nguya at napatingin sakanila.
"Alam mo bang gusto kang patayin ni sue at ang magiging anak nyo" Nanigas si kys sa kina uupoan nya nag uunahan na yong mga luha nyang lumabas sa mata nya.
"Tinatago ka naman sa kanya kys kaya kung pwede sana wag ka ng mag aksaya ng panahon para kay sue mag fucos ka nalang sa magiging anak mo" Mangiyak ngiyak na sabi ni ayame napaiwas sya ng tingin dahil naawa sya sa kaibigan nya.
Napaka walang puso mo sue pati ang batang walang pa sa mundo at walang kamuwang muwang dinadamay mo bago mo mapatay ang anak ko kailangan mo munang patayin ako.
________
Samantala ang grupo naman ni ford ay nakabalik na sa kanilang tambayan gulong gulo parin sila sa mga nangyari.
Tahimik at nakatingin silang lima sa malayo halata sa kanilang mga problemado sila kailangan nilang umaktong hindi pa nila nahahanap si kys kundi malalagot sila sa tatlong dalaga.
Hindi lang yon malalagot din silang lahat kay sue kong nag katanong.
"Saan natin hahanapin si zarahi?" Seryosong tanong ni max saka mga kaibigan nya.
"Saan ba sya nakatira? Ni minsan hindi pa tayo nakapunta sa bahay nya" Problemadong sabi ni ford.
"Kailangan natin mahanap agad si zara para malaman natin kong ano ng totoo" Halos mapahilot na sa sentido si steven dahil sa mga nangyayari.
"Diba may kapatid ba si zara? Nag aaral siya dito" Tila nabuhay na sabi ni kiko.
"Tama si zena dapat natin siyang tanungin" Pagsang ayon naman ni sunny.
"Sana alam nya" Umaasang sabi ni ford.
Muli silang napabuntong hininga.
Sabay sabay silang napatingin sa may pintuan ng tambayan nila ng bumukas ito walang iba kundi si sue seryosong nakatingin sa kanila.
"Any updated? Nahanap nyo na sya?" Tanong sa kanila ng binata sabay sabay silang umiling tas bumalik sa pagkakaingin sa malayo.
"Wag kayong tumigil sa pag hahanap kailangang mahanap natin sya!" Galit na sigaw sa kanila ni sue.
"Hindi naman sya ang yong nasa propesiya bakit pa natin sya hahanapin!" May pagkainis na sagot ni kiko.
"Dahil oras na isinilang ang anak namin sya ang tatapus sakin! Kailangan mahanap nyo sya!" Muling sigaw niya sa mga kasama nya.
Napailing nalang sila habang nakatingin kay sue na problemado ngayon aligaga syang mahanap si kys.
"Sue" Napatingin sila sa tumawag sa binata si jacob seryoso ang mukha.
"Nahanap muna siya? Nahanap muna ba ang nasa propesiya?" Sunod sunod na tanong ni sue sa kanang kamay nya.
Ngumiti lang si jacob nag tataka naman ang mga kaibigan ni sue habang nakatingin kay jacob.
"Nahanap kona sue at kasama kona sya ngayon" Nakangiting balita ni jacob nagkatinginan ang limang binata.
"Ms Rosemary come here" Tawag ni jacob sa dalagang nasa labas ng tambayan napatingin ulit ang sila doon hinihintay nila ang babaeng pumasok sa loob.
Taas noo na naglalakad papasok sa loob ng tambayan nila ang dalagang si rosemary nang makapasok na sya ay ngumiti sya sa mga binatang nasa harapan nya.
Napatingin din sya sa lalaking nakatayo at nakatingin sa kanya.
Nagulat naman ang lima ng makita nila ang nasa propesiya para itong modelo isang matangkad na babae magandang ang hubog ng katawan makikita mong may maipagmamalaki at mahaba ang buhok maputi ang makinis ang balat may maliit na mukha na kung titignan mo ay mataray talaga sya at sa tayo nya ay hindi mo masasabing isa siyang babaeng basta-basta babae.
"Sya ang totoong anak ni rosalinda ang mata ng mga bampira ms rosemary sya si jeon sue parker ang iyong mapapangasawa ikaw ang nakatakda para sa kanya" Pagpapakilala ni jacob sa dalaga kay jeon.
"Natutuwa ako at nakilala na kita mahal kong hari matagal na panahon na akong naghihintay hindi nga ako nagkakamali isa kang gwapong bampira hayaan nyo sana akong maging mabuting asawa at paglilingkuran ka handa din akong bigyan ka ng mga maraming supling tulad ng sinabi sakin ni mr jacob" Magalang na sabi ng dalaga tsaka ito ngumiti ng malawak.
Nanatili na tahimik ang lima habang nakatingin sa kanya napa tingin sa kanila ang dalaga.
"Sila lang ba ang mga kasama mo mahal kong hari?" Mahinhin na tanong nito hindi sumagot ang binata nanatili lang siyang nakatingin sa dalagang nasa harapan nya.
"Nasaan sila mavi? Bakit wala sila dito?" Tanong ni jacob sa kanila.
"Hinahanap si kys sila muna ang pumalit samin" Agad na sagot ni max dahil mukhang walang mga balak mag salita ang mga kaibigan nya.
"Sinong kys?" Takang tanong ng dalaga.
"Ang ampon ng iyong ina na akala namin ikaw" Sagot ni jacob.
"Wag kayong tumigil sa paghahanap sa kanya" Seryosong sabi ni sue bago lumapit sa dalaga ngumiti naman ulit si rosemary sakanya.
"Tara na sa bahay pag usapan natin ang tungkol satin" Seryosong sabi ni sue nawala na sila jacob.
"Kailangang malaman nila mavi to"