*MAVI's POV*
_____
Nakaupo kameng lahat dito sa sofa habang hinihintay si sue dahil nag patawag nanaman ito hindi namin alam kong anong balak nya.
"Nasan na ba si sue?" Tanong ni ayame
"Malay ko bigla bigla nalang nag papatawag" Nababagot ng sagot ni max.
"Pwede namang itext nalang hindi yong biglaang nagpatawag may date pa kame ng chix na nakilala ko" Inis na inis na pag rereklamo ni steven.
"Buti naman nandito kayong lahat" Seryosong sabi ni sue na biglang lumitaw sa haparan namin.
"Ano bang kailangan mo sue?" Tanong ni kiva ako nanatili na tahimik lang dahil nanggagalaiti pa ako sa galit.
Alam kong oras na mag salita ako dito mag aaway na naman kaming dalawa na hindi naman bago samin yon parang normal na lang yon kumbaga naging routine na namin.
"Wag kayong titigil hanggang hindi nyo nahahanap si kys kailangan bago kami ikasal ni rosemary ay nahanap nyo na sya ayukong magulo ang kasal ko" Seryosong sabi nito napataas naman ako ng kilay dahil sa sinabi niyang yon.
"Sa tingin mo guguluhin ni kys ang kasal mo? Hindi kasing kitid ng utak mo ang utak nya para ganyan sya mag isip" Malamig kung sagot sa kanya tsaka ko sya tinignan ng masama.
"Wala din akong pakialam kahit ikasal ka ng maraming beses sa rosemary na yan walang pumipigil sayo sue" Dagdag ko nakatingin lang sya ng masama sakin.
"Ano? For sure kapag buhay si tito at ganito ang ginawa mo nakatikim kana ng sampal sa kanya baka hindi sampal baka inumpog payang ulo ng matauhan ka!!" Mas pina lamig na sabi ko sa kanya kapag ayoko sa isa bampira ayoko talaga hindi ko kailangan makipag plastikan sa kanya kung alam kong nasa loob ng kolo ng sinasabi nilang nasa propesiya.
"I'm sorry i'm late" Sabi ni rosemary na kakapasok lang ng tambayan namin hindi kame nagtangkang tignan sya.
"It's okay hon nasabi ko naman na sa kanila" Sabi ni sue tsaka nya hinapit sa bewang ang babae napairap na lang ako habang nakatingin sa kanila.
"Si adelisa pala patay na" Seryosong sabi ni kiva kita ko ang pagkagulat nong rosemary napatingin naman si sue kay kiva.
"Paano? Saan mo nalaman? Sinong pumatay sa kanya?" Sunod sunod na tanong ni sue.
"Si kys" Tipid nyang sagot ako naman ang napatingin sa kanya anong binabalak ng babaeng to bakit niya sinabi!.
"Sinugod daw ni adelisa si kys kase may nag uutos kay adelisa na patayin si kys kong hindi daw nya mapatay si kys sya ang papatayin sinundan ko sya isang beses may nakita akong babae ng kausap nya" Seryosong kwento nya muli akong napa tingin kay rosemary sumingkit ang mata ko.
"Nakita mo ba kong sinong kasama nya?" Tanong ko sa kanya habang nakatingin pa rin kay rosemary.
"Hindi hindi ko maintindihan ang usapan nila kase malayo ako sa kanila" Sagot nya.
"Yan ang sinasabi ko sainyo dapat nyo ng mahanap si kys mamatay tayong lahat!" Malamig na sabi ni sue.
"Hon natatakot ako baka patayin nya din kase ako yong nasa propesiya" Mangiyak ngiyak nyang sabi "Akala ko mabait ang sinasabi nyong kys bakit pinatay nya ang kaibigan nya" Dagdag nito na lalong nakapag painit ng ulo ko susugorin kona sana sya kaso hinawakan ni ayame ang kamay ko.
Napatingin naman ako sa kanya umiling iling sya tinignan ko sya ng masama.
"Hanapin nyo si kys wag kayong titigil!" Utos niya samin bago sila nawala na dalawa.
"Anong gagawin natin?" Tanong ni ford.
"Tuloy ang plano kailangan nating gawin to para sa mag-ina!" Seryosong sabi ni kiva.
"Gusto kong makausap si rosalva para sa naiisip kong plano kailangang gumawa tayo ng paraan para lumabas ang totoong ugali ng rosemary nayan" Sabi ko sa kanila kailangan ko ang kalandian mo ngayon rosalva
"Bakit parang ang bilis naman ng pagpapakasal nila? Mag reredmoon ba ulit?" Tanong ni ford.
"Pwede ng magpakasal si sue kahit anong oras dahil bampira naman ang babaeng yon" Sagot ni steven.
"Pupunta ba kayo sa kasal nya?" Tanong ni kiko nagkibit balikat ako ganun din sila.
"Kailangan pa rin mag ingat sa rosemary na yan hindi natin alam ang tunay na kulay nya kong ako noon nagdududa pa kay kys iba ang pakiramdam ko sa babaeng yan" Seryosong sabi ko sa kanila.
"Kailangan ko ng umuwi" Paalam ni ayame.
"Wag mo syang pababayaan ayame kapag may masamang mangyayari tawagan mo agad kame" Seryosong sabi ni ford tumango naman sya at agad nawala.
"Aalis na ako may kailangan pa akong kausapin" Paalam ko sakanila hindi kona sila hinintay na magsalita pa agad akong nawala sa harapan nila.
Nakatingin lang ako sa bahay kong saan nakatira si rosalva ang bampirang patay na patay kay sue kailangan kong makausap tong babaeng to.
Napa ngisi ako ng bumukas ang pintuan nila halatang nagulat sya ng makita ako.
"Rosalva kailangan nating mag usap" Seryoso kong sabi sa kanya napataas naman sya ng kilay.
"Mukhang importante ang sasabihin mo at ikaw pa mismo ang pumunta dito" Mataray niyang sabi sakin inirapan ko lang sya.
"Tungkol ito kay sue" Kita ko ang pagbabago ng reaksyon ng mukha nya psh bakit ba patay na patay kayo don napaka pangit naman.
"Pumasok ka" Sabi nya sakin pero umiling ako.
"Hindi ako magtatagal gusto ko lang sabihin sayo na may iba ng kinahuhumalingan ang sue mo hindi na si kys kundi ang babaeng sinasabi nilang nasa propesiya kaya kong ako sayo gawin mo ang lahat para mapaghiwalay ang dalawa kung hindi tuluyan nang mawala sayo si sue" Seryoso kong sabi sa kanya alam kong hindi ka papayag rosalva alam ko ang kahibangan mo sa pinsan kong gonggong na yon.
"Paano? Inalis nya na ako sa trabaho" Problemadang sabi nya sakin.
"Pumasok ka bilang katulong sa bahay nya akong bahala sayo doon ako titira ikaw ang maninilbihan sa akin kung gusto mo lang" Taas kilay kong sabi sa kanya.
"Pag isipan mong mabuti" Pagkasabi ko yon ay umalis na ako.
__________
WOFL~
*FILTIARN's POV*
______
Tahimik akong nakatingin sa mga kasama ko habang hinihintay ang pagbabalik ni botolf ang inutosan kong hanapin ang nawawalang anak kong matagal ng panahong nawawala.
Umaasa parin akong buhay sya kahit malabo na dahil sunog na sunog lahat ang bahay kong saan nakatira ang asawa ko wala akong nagawa upang iligtas ang mag-ina ko.
"Ilang taon na tayong naghihintay sa wala filtiarn" Seryosong sabi sakin ni Rollin isa sa mga ginagalang dito sa mundo namin.
"Buhay ang anak ko rollin ramdam ko ang kapangyarihan niya noong nakaraang araw siguraduhin ko yan sayo" Malamig na sagot sa kanya bumuntong hininga ito tsaka sumandal sa upuan.
"Panginoon nandito na po si botolf" Magalang na sabi ni Rieka ang isa sa mga pinagkakatiwalaan ko dito.
Napatingin kameng lahat ng bumukas ang pintuan ng silid kung saan kami naghihintay sa pagbabalik nya seryoso ang mukha nitong nakatingin samin.
Umaasa akong maganda ang balita nya sakin ngayon noong nakaraang linggo sinabi niya sakin na may minamanman siyang isang dalaga na kamukha ng aking asawa kaya inutosan ko syang bantayan lahat ng kilos nya.
"Maligayang pagbabalik botolf" Serysong bati ko sa kanya yumuko ito sa harapan namin.
"Anong balita botolf?" Tanong ni Ernouf ang isa sa pinaka malakas na lobo.
"Nahanap muna ang nawawalang anak ni filtiarn kong hindi ay ihinto muna yan" Malamig na sabi ni rollin.
"Pwede bang tumahimik ka rollin wala kang naitutulong!" Sita naman sa kanya ni Fenris ang halimaw na lobo na kinakatakotan ng karamihan.
Suminyas ako kay botolf na magsalita na nanatili syang nakatayo sa harapan namin inilapag nya ang mga dala nya sa lamesa.
May kinuha ito sa brown envelop nyang hawak para akong nanigas sa nakita kong larawang inilapag nya.
May inilapag ulit siya mga picture ng mga babae at lalaki sino naman tong mga to napako ang tingin ko sa huling inilapag nya.
"Jeon sue!" Malamig kong tawag sa pangalan nya "Ang hari ng mga bampira" Dagdag ko.
Napatingin ulit ako sa inilapag nyang isa pang picture.
"Sya ang babaeng sinasabi nilang nasa propesiya sya si Rosemary ang kinakasama ngayon ni sue sya ang anak ni rosalinda ang mata at utak ng mga bampira" Paliwanag nito.
"Akala ko na nahanap na? Bakit iba na naman? Naguguluhan tanong ni fenris maski ako ay naguguluhan narinig ko ang balitang yon noon.
"Masasagot ang iyong katanong maya maya prince fenris" Magalang na sabi ni botolf.
"Itong mga lalaking to ay mga mga kaibigan ni sue na naging kaibigan din ng anak mo panginoon at itong mga babaeng ito sya ngayon ang kasama ng anak mo sa bahay ni ayame itong babaeng ito" Seryosong sabi nya sabay pakita samin ang larawan ng nagngangalang ayame.
"Ayon sa pagma-manman ko sa kanila may hindi magandang nangyari buntis ang iyong anak panginoon" Balita nya sakin pero seryoso parin sya nakaramdam ako ng tuwa dahil sa nalaman ko mag kakaapo na ako.
"Gumawa ng dahilan si sue para lumayo ang anak nyo kanya may ginamit siyang babae para masira silang dalawa ng anak mo dahil natatakot ito sa pwedeng mangyari dahil sa nakita ni adelisa (pinakita niya ang larawan ng isang babae) ang bampirang ito ay nakikita ang future nakita nya sa palad ni kys na hindi sya ang tunay na nasa propesiya (pinakita niya sa amin ang unang larawan nilapag niya kanina) siya daw ang uubos sa kanila at ang batang nasa tyan ng iyong anak ay ang papatay kau sue kaya ngayon ay pinaghahanap na ang anak nyo upang patayin sila ng magiging apo mo" Mahabang paliwanag nya samin.
"Kailangan natin iligtas ang anak nyo panginoon" Seryosong sabi ni ernouf.
"Wala dapat kayong ikabahala nasa mabuting kamay si Kys Euna Sebastian itinatago sya ng mga kaibigan nya" Agad niyang sagot.
"Paano ka nakakasiguro na siya ang anak ni filtiarn?" Tanong ni rollin.
Ngumisi sya bago ulit may kinuha sa envelop at nilapag sa lamesa.
Nagulat ako sa nakita ko walang dudang sya ang anak ko dahil parihas na parihas sila ng kanyang ina hindi lang sa magkamukha kundi nakuha nya ang kapangyarihang meron ang aking asawa.
Anong dahilan bakit nila tinatago ang anak ko alam na ba nilang lobo sya pero imposible pwede ding maaraming alam nila kase naipakita nya na ang isang kapangyarihan ng kanyang ina.
"Si queen ulrica lamang ang may kapangyarihan na ganyan rollin at namamana ito ng magiging anak nya sa ngayon pinaghahanap parin ni sue si kys sa nakikita ko sa inyong anak ay labis syang nasaktan dahil sa nangyari sa kanila ni sue sa tingin ko ay mahal na mahal nya ang bampirang yon" Seryosong sabi nya.
"Aalamin ko pa kong sino ang nasa likod ng pagsisinungaling ng adelisa na yon" Dagdag nya nakatingin lang sya sakin alam kong may sasabihin ito.
Hindi ako nag salita sumandal ako sa upuan ko isa lang ang masasabi ko sa mga nalaman ko ngayon kailangan kong unahin si sue na kunin ang anak ko kong hindi ay mamatay sya pati narin ang magiging apo ko hindi ako makakapayag na mangyari yon.
Oras na ginawa niya yun hindi ako magdadalawang isip na sugorin silang mga bampira buhay ang kinuha nila sa akin buhay din dapat ang kapalit nito.
Ang kapal ng mukha nyang saktan ang anak ko hindi muna ulit makukuha ang anak ko kahit na anong mangyari sisiguraduhin kong mag sisisi ka sue darating ang araw na ikaw mismo ang lalapit sa anak ko hindi pa sa ngayon hindi mopa alam ang mga susunod na mangyayari.
"Wag kang tumigil sa pagbabantay sa anak ko botolf" Seryosong sabi ko sa kanya ayoko ng mawalan ng mahalaga sa akin hindi ko man na protektahan ang asawa ko kailangan kong protektahan ang anak ko.
"Ipapatawag ko ulit kayo ernouf at fenris kapag may hindi magandang nangyari makakaalis na kayo botofl maiwan ka" Nag sitayoan na sila nanatiling nakatayo si botolf hinintay ko na munang nakalabas ang lahat bago ako nagsalita.
"Nahanap kona po ang isang mata ng mga bampirang si zarahi hinihintay na po kayo sa inyong silid" Magalang niyang sabi sakin.
Ipinahanap ko talaga ang isa pang mata ng mga bampira para malaman ang totoo dahil naguguluhan na ako sa nangyari.
"Sige mag pahinga kana at sasamahan mo ako bukas sa akin anak" Utos ko sa kanya nagbow na ito sakin at lumakad palabas tumayo na din ako sa pagkakaupo at lumakad na ding palabas.
Tumingin muna ako sa paligid bago ako pumasok sakin silid.
Pagpasok ko palang ay may nakita na akong dalaga na nakaupo sa isang sofa.
"Nagagalak akong makita ka muli panginoong filtiarn alam ko kung bakit nyo ako pina hahanap" Magalang nyang sabi sakin habang nakangiti.
"Sino ang totoong nasa propesiya?"
_________