*JEON SUE's POV*
--
Nandito kami ngayon sa mall iniwan ko sa parlor si kys nakakainis kasi yong mga bakla don kong makatingin akala parang hinuhubaran na ako.
Nakakapang gigil pa naman sila kahit tinitignan kona ng masama todo tingin parin sila.
"Sir kukunin nyo po ba yang dress kanina nyo pa kaseng hawak?" Nagpapacute na tanong ng babae tinignan ko lang sya.
Ano namang problema ng babaeng to
"Bagay ba to sa asawa ko?" Nakangising tanong ko sakanya nawala naman yong ngiti nya sa labi psh! napaga halatang malandi.
"Bakit hindi nyo po ipasukat sa kanya hindi yong sakin nyo pa itatanong" Pilosopo tong babaeng to gusto atang mawalan ng trabaho tinignan ko lang sya ng masama.
"Kong ipapasukat ko to sa kanya edi malalaman nya ng may ireregalo ako sa kanya" Sagot ko habang nakatingin sa dress na hawak ko halatang naiinis na sya binitawan kona yong dress nahulog ito sa sahig bahala syang mamulot dyan total trabaho mo naman yan.
Nagntingin ulit ako sa kabila mas gusto kong yong pulang yon mas bagay sa kanya.
"Babae kunin ko yang dress" Sabi ko don sa babae kanina nakasimangot nyang kinuha yung dress.
Napatingin ako sa relo ko siguro naman tapus na syang ayusan.
Lumakad na ako papunta sa cashier para bayaran yon nakasunod lang sya sakin
Inilabas kobna ang wallet ko sa may bulsa ko kinuha ko yong dalawang libo ibinigay koto sa may babae.
"Kape the change" Malamig kong sabi mga babae nga naman maka kita lang ng lalaking gwapo ang lagkit ng tumingin kinuha kona yong paper bag lumakad na ako palabas.
Nakatingin lang sila sakin tiningnan ko lang sila ng malamig ng tingin.
Pagkarating ko sa parlor inaayusan pa sya takti ang tagal naman ata sinabi ko namang simple lang eh.
"Hindi pa ba tapus?" Tanong ko pagpasok ko napatingin naman sakin ang nag aayos sa kanya.
"Patapus na sir" Nakangiting sagot ng bakla napabuntong hininga nalang ako.
"Diba sabi ko gusto ko simple lang" Naiirita ko ng sabi sakanya nakangiti lang sya sakin.
"Simpleng simple lang naman sir look oh" Sabi nya sabay pinaharap sakin si kys.
Ang ganda nya parang gusto kong iuwi nalang sya para masolo sya.
"Isuot mo to" Sabi ko sa kanya sabay tapon sa kanya yong paper bar tinignan nya naman ako ng masama.
"Pwede namang iabot ng maayos!" Pabulong niyang sabi tsaka tumayo sa pag kakaupo.
Hirap na hirap pa sya sa paglalakad napangisi nalang ako.
"Sasamahan na kita madam" Sabi ng bakla sumingkit naman yung mata ko.
"Sino nag sabi na samahan mo sya dito ka lang baka mamaya bosohan mo ang asawa ko!" Inis kong sabi sa bakla walang siyang magawa kundi antaying lumabas si kys mula sa fitting room.
Maya-maya pa ay bumukas na iyong pintuan ng feeting room.
Nakangiti siyang lumabas don.
"Wow madam bagay na bagay sayo yang damit" Masayang sabi ng bakla.
Napatayo naman ako sa pagkakaupo ko hindi ako nag ka mali saktong sakto sa kanya.
Sinalubong ko siya pagkalapit nya sakin siniil ko agad sya ng halik nagulat naman sya samantalang yong mga bakla kinikilig.
Hinawakan ko yong kamay nya ng maghiwalay na yong mga labi namin.
Hawak kamay kameng nag lakad palabas ng parlor.
"Sana lagi tayong ganito" Sabi nya napatingin naman ako sa kanya ngumiti naman sya.
"Saan ba tayo pupunta?" Tanong niya napataas naman ako kilay.
"Uuwi na tayo" Sagot ko sakanya nalungkot naman yong mukha nya napanguso sya
"Bakit sa akala mo magdadate tayo?" Tumango tango sya pero nanatiling nakasimangot.
Ngumisi nalang ako hinila kona sya palabas ng mall kasabay ng pagkawala naming dalawa.
---
"Nasan tayo?" Tanong nya sakin habang nakatingin sa paligid umaliwalas yong mukha nya.
"Nasa taas tayo ng bundok kung saan makikita mo ang buong lugar natin tignan mo ang view" Sagot ko sa kanya habang nakatingin sa kanya manghang mangha sya sa mga nakikita nya.
"Wow ang ganda ng view matagal mo na bang pinupuntahan to?" Tanong nya sakin kita ko sa mga mata niya kung gaano siya nasisiyahan
"Oo matagal na andito ako tuwing may problema ako or gustong mapag isa" Sagot ko sa kanya na patingin naman sya sakin
"Ehh bakit tayo nandito may problema ka ba?" Nag aalala na tanong niya sakin "Kamusta pala yong laban nyo ni venezia?" Muling tanong niya ngumiti lang ako sa kanya ayuko na munang pag usapan ang mga yan.
"Meron" Seryoso kong sagot nanatili siyang nakatingin sakin naging seryoso na din yung mukha nya.
"Ano namang problema mo?" Tanong niya ulit sakin.
Bumuntong hininga ako bago magsalita tumingin ako sa paligid nanatiling nakatingin sya sakin
"Problema ko itong nararamdaman ko kapag kasama kita hindi ko mapigilang maging masaya gusto ko lagi kitang nakikita gusto ko sakin lang ang atensyon mo ang gulo" Seryosong pag amin ko ng nararamdaman ko sa kanya hindi ko na maitatagong gusto ko siya kahit lagi kaming nag aaway.
Tumingin ako sa kanya nakangiti na siya ngayon ngiting nakakaloka sumingkit yong mata ko hindi ko alam kong tama bang sinabi ko yung nararamdaman ko sa kanya.
"Ikaw ah inlove kana sakin hmm" Panunukso nya sakin inirapan ko lang siya rinig kong tumawa sya ng mahina.
Tumingin ako sa relo ko alas otso na ng gabi siguro naman naayos na nila yong tambayan kinuha ko yong panyo ko sa may bulsa ko .
"Talikod ka" Utos ko sa kanya napakunot naman yong noo nya
"Hah bakit?" Nagugulohan nyang tanong sakin
"Basta" Medyo naiinis kong sagot sa kanya kahit kailan ang dami niyang tanong tinakpan ko na yong mata nya.
"Ano ang ginagawa mo?" Tanong nya hindi ko sya sinagot.
-----
*AYAME's POV*
--
Salubong ang kilay habang nakaupo sa upo gabi na pero walang sue kahit tumawag manlang!!
"Ano na ayame inaantok na ako wala pa ba sila?" Tanong ni kiva hindi ko siya sinagot kainis ka sue hindi mo sinabi na gabi pala para kameng ninja kanina kong makipag ayos ang bilis bilis tapus aarrgghh nakakainis ka!!.
"Wala na atang darating hindi ko na maaasar si sue" Inaantok na sabi ni ford subukan nya lang sayang ang effort namin!.
"Hindi ko na mavivideo yong first date ni sue" Nakasimangot din sabi ni kiko habang pinipilit wag pumikit yong mata nya.
Nasan na ba yong sue na yon ang tagal naman ata.
Excited na excited pa naman kame dahil ngayon lang sya may idadate babae.
"Na ayos kona background song nila" Nakangiting sabi ni sunny sabay upo sa sofa parelax relax lang ang isang ito.
"Naluto ko na rin yung dinner nila" Sabi naman ni adelisa habang kumakain ng chocolate.
Tumingin ako sa orasan na nakasabit sa wall ng tambayan namin lalo lang nag init ang ulo ko.
"Nasan ba tayo bakit kailangan mo pang takpan tong mata ko!" Napatingin kameng lahat sa may pintuan ng marinig namin yung boses ni kys.
"ANDYAN NA SILA!" Sigaw ni ford na akala mo nabuhayan na.
Nag si ayus na kame ng tayo inayos na namin yong suot namin.
"Iplay muna yong camera kiko" Utos ni max sa kanya.
Para namang kidlat si kiko dali dali itong pumunta sa garden para iplay yong camera.
Inayos nanamin yong sarili namin nakadamit kame ng pang waitress kame ang bahala ngayon sa kanila.
Suportado kame para sa first date ni sue.
Pumasok na sila sa tambayan nakadress ng pula si kys suminyas na si sue na pumunta na kame sa pwesto namin.
Nang malapit na sila sa garden nagstart na yong background song nila. (With a smile by: Eraserheads)
Kasabay ng pag alis ng takip sa mata nya.
Sabay sabay namang umilaw ang kandila at ang hugis puso na inayus nila mavi kanina.
Manghang mangha ito sa nakita nya inayos kasi namin ng mabuti nong alam naming hindi na sila darating napakaswerte mo kys ang swerte din sayo ni sue.
---
*KYS EUNA's POV*
--
Namangha ako sa nakita ko ang ganda ngayon lang ako nakakita ng ganito.
Halos mapatakip ako ng bibig ko gamit ang kamay ko dahil sa ganda halatang pinag handaan nila.
Tumingin ako sa paligid nakatayo silang lahat habang nakasuot ng pang waitress anong pakulo nila may nalalaman pa silang ganito.
Ngiting-ngiti silang nakatingin samin hindi ko naman maiwasang hindi mapaiyak pero pinigilan ko sayang make up ko no.
"This way ma'am sir" Nakangiting sabi ni mavi sabay lakad.
"Let's go" Aya naman sakin ni sue tumingin ako sa kanya ngumiti ako.
"Anong pakulo to? Ang ganda nagustuhan ko " Tanong ko sa kanya hindi sya umimik hinawakan nya na yong kamay ko sabay kaming naglalakad papunta sa pinaka gitna ng garden may lamesa at dalawang upuan don may flowers sa gitna may dalawang kandila sa magkabilang gilid nya pagkarating namin don kinuha ni sue yong tatlong roses sa may gilid ng lamesa.
"Flowers for you" Nakangiti niyang sabi napangiti nalang ako for the first time nakita ko syang ngumiti.
"Thankyou" Halos maiyak na ako dahil sa sobrang saya.
"This is our first date mrs parker" Sabi nya sakin napatawa naman ako pinunasan nya yong luha ko gamit ang hinlalaki nya.
"Good evening Mr & Mrs Parker enjoy your date" Nakangiting sabi ni ford napatingin naman ako sa kanya
Hinila naman ni ford yong upoan ngumiti ito sakin ningitian ko nalang din sya bago ako umupo.
"Agaw eksena ka talaga ford" Malamig naman na sabi ni sue tinawanan lang sya ni ford.
Binuksan naman ni max yung pagkain namin hmmm mukhang masarap tong niluto nila.
"Mag pakabusog kayong mag asawa" Nakangising sabi nya bago lumakad papunta sa pwesto nila ayame
"Let's eat" Sabi niya nag umpisa na kaming kumain
"Nagustuhan mo ba sabihin mo lang kapag hindi pwede ko na silang paslangin?" Tanong nya sakin natawa naman ako
"Oo sobrang nagustuhan ko hindi ko iniexpect tong gabing to" Masayang sagot ko nagulat ako hawak niya ang kamay ko
"Kaya kong gawin lahat sayo sa mga hindi ko nagagawa sa ibang babae dahil special ka sakin" Seryosong sabi nya sakin parang may humaplos naman sa puso ko.
"Maraming salamat dito hindi mo alam kung gaano mo ko napasaya ngayon lang to nangyari sa buong buhay ko" Masaya kong sabi sa kanya ngumiti siya sakin.
Parang ibang sue yong kaharap ko ngayon gosh.
"Pwede ba kitang maisayaw?" Tanong nya sakin tumango tango naman agad ako tumayo na sya at lumapit sakin kinuha niya ang kamay ko.
Inilagay nya yong kamay nya sa may balikat nya hinapit nya ako sa bewang ko nakatingin lang kami sa isa't-isa habang nag umpisa na ang background music namin (I need you by: Mark bautista)
Nagpapasalamat ako sa itaas sa dahil sa dinami dami ng lalaki sa mundo sya ang ibigay nya sakin kahit na para kameng asot pusong dalawa hindi niya pa rin ako iniiwan.
Sana ganito na lang lagi yung tipo na walang away walang gulo dapat masaya lang lagi yung tipong wala ka ng problemang dapat pang isipin pa.
Yong lahat ng tao ay mali lahat ng bampira ay magkaayos na wala ng gulong mangyayari pa.
Yong tipong wala na dapat mag buwis ng buhay para lang maisakatuparan ang kanya kanya nila na layunin kung iisipin parang pang sarili lang nila ang iniisip nila sana magkaayos na ang lahat.
Para kahit papano ay lahat masaya at sama sama.
"Ang lalim ata ng iniisip mo" Sita nya sakin natauhan naman ako ngumiti ako sa kanya.
"Masaya lang ako may tinatago ka palang sweet side" Pang aasar ko sa kanya ngumisi naman sya.
"First time ko tong ginawa sayo palang" Kinilig naman ako don sa sinabi nya hindi ko alam na ako palang akala ko marami ng babae.
Hay nako sue lagi mo akong ginugulat ngayong araw na to hmmm.
"Gusto mo mag honeymoon ulit tayo?" Nakangising tanong nya tinignan ko naman sya ng masama.
"Tigilan mo ako mokong baka hindi na talaga ako makalakad!" Sagot ko sa kanya sabay hampas sa braso niya.
"Just kidding kalabitin mo lang ako kapag gusto mo" Nakangisi paring sabi nya inirapan ko lang sya.
Hindi ako sumagot niyakap ko nalang sya habang sumasayaw kame.
Halatang nagulat siya sa ginawa ko niyakap niya na lang din ako.
"SANA ALL!!" Sigaw nila at nag palakpakan naman sila ayame habang ngiting ngiti silang ng nakatingin samin.
"I love you kys" Malambing nyang bulong sakin.
"I love you too jeon" Bulong ko din sa kanya
Kumalas sya sa pagkakayakap sa sakin hinaplos nta yong mukha ko habang nakatingin kame ss isat-isa at unti-unti nyang inilalapit yong mukha nya sa mukha ko hanggang sa nag lapat na ang labi naming dalawa.