"Jam." Napatingin ako kay Aaron na tila nag-aalangan na lumapit sakin. Napapikit ako at huminga ng malalim. Hindi ko na alam kung ano ba ang dapat kong isipin o maramdaman. Muli akong napatingin sa kaniya, kung tutuusin ay dapat masaya ako dahil si Aaron ang mahal ko, si Aaron dapat ang mahal ko...pero wala talaga akong maramdaman. "Jam, listen to me," hinawakan niya ang kamay ko at hinaplos ang pisngi ko. "I'm adopted... wala akong choice kundi gawin ang katarantaduhan na pinapagawa ni Zareya, wala ako sa lugar tumanggi dahil sampid lang ako. Ayaw kitang saktan, gano'n din naman si Shark... parehas lang kaming mahina at walang magawa. Hindi namin kaya na may mawalan ng buhay dahil sa amin. Pero maniwala ka sakin, hindi ko ginusto na saktan ka. Mahal na mahal-" Natigilan siya nang pu

