"Bakit hindi mo sinabi na may girlfriend kana?" Tanong ko Kay Josh nang makalabas kami ng Bahay nila.
"Ayoko eh. Tsaka alam ko na hindi sila boto Kay Mia." Sagot nito sa'kin.
Napaupo ako sa damuhan siya naman ay tumabi sa'kin. "Mukhang hindi naman mapili Yung parents mo." Saad ko.
"Hindi naman talaga sila mapili. Ayaw lang daw nila sa ugali ni Mia."
Napatingin ako sakanya. Ano bang ugali ni Mia? Well friends din Naman kami. Medj maarte nga siya, hindi naman Namin siya level in short may kaya lang ang family nila pero kung umarte mas maarte pa sa'kin. "Well maarte nga siya tsaka mataray." Bulong ko habang napatingin sa malayo.
"May sinasabi ka?" Tanong sa'kin ni Josh. Napailing ako bigla.
"Wala."
"Parang may sinasabi ka eh."
"Kung may sinasabi ako edi Sana narinig mo na."
Iniwan ko siya sa garden at pumasok na ng Bahay. Nakita ko sina mommy at daddy na nagpapaalam na. Well I guess... We're going home.
"Thanks for the dinner." Saad ni daddy.
"Wala 'yon next time dinner ulit kayo dito." Sagot naman ni Tito John.
Mahinang natawa si daddy. "Mukhang mapapadalas ang pagd-dinner natin."
Mapapadalas? What does he mean? Baka gawing kusina or dining area ni daddy Ang Bahay nila Josh. Kidding.
"Oh, pano ba 'yan una na kami mare. Gabi na'rin." Saad Naman ni mommy.
"Sige, ingat kayo." Sagot ni tita Claire.
"Bye po, tita." Saad ko at sumunod Kila mommy na lumabas.
"Sige"
------
Pagkarating Namin sa bahay ay dumiretso na kami sa kanya kanya naming kuwarto.
"Sabrina." Saad ni mommy na ngayon ay nakatayo sa pintuan.
Lumapit siya sa'kin at umupo katabi ko. "What do you think of Josh?" Kaagad niyong tanong. Huh? Bat naman nagtatanong si mommy, may gusto siya Kay Josh?! Joke lang.
"Ahm, he's good. Medyo masungit minsan pero I think na he's a good son." Sagot ko.
"And he's also good for for you."
"Huh?"
"I'll tell you tomorrow hija. Goodnight." Sabay halik sa noon at umalis na siya.
Ang weird ni mommy. Anong he's also good for you? "Makatulog na nga." Pinatay ko na ang lampshade at natulog na ako.
Pagkagising ko ay agad akong bumaba. Naabutan ko sila mommy and daddy na kumakain na.
"Upo kana Sabrina. Sumabay kana sa'min ng daddy mo."
Umupo naman ako at sumabay kumain. "Good morning mommy, good morning daddy." Saad ko habang kumukuha ng kanin.
"Btw, Sabrina I have something to tell you." Saad ni daddy dahilan Kaya napakunot ang noon ko.
"What dad? Is it about work?"
"No, It's about you and Josh."
"What about us?"
Nagkatinginan Sina mommy at daddy bago magsalita. "You're going to marry him." Nanlaki ang mga Mata ko dahil sa narinig. Magpaokasal kami?
"Wait, alam na Niya ba 'to?" Tanong ko.
"Maybe sinabi na ng parents Niya sakanya." Sagot ni mommy.
"Teka why would I marry him?"
"It's for the sake of both companies. Hindi Naman pwede Yung kuya mo Kasi he's already married and parehas silang lalaki." Natawa ako sa parehas silang lalaki... Pero papayag Kaya si Josh? I mean kung ako okay lang sa'kin Hindi Naman big deal 'yon. Besides I like him Naman. Pero pano si Mia?
-----
"Really?!" Pasigaw na saad ni Ashley.
"Ano ka ba hindi pa nga sigirado at tsaka arranged marriage ang tawag don." Saad ko.
Tumabi siya ng upo sa'kin. "Pero magpapakasal pa'rin kayo."
"Yeah, pero pano naman yung girlfriend niya? Pano si Mia?"
"And besides..."
"Besides what?" Tanong nito nang Hindi ko tinuloy Ang sasabihin ko.
"He doesn't love me."
"Malay mo matutunan Karin niyang mahalin." Saad ni Ashley. Pwede, pero di ako sigurado. Yes pwede mong matutunan mahalin ang isang Tao. Pero mahirap Rin magmahal ng Tao na Hindi pa tapos magmahal ng iba...
Napabuntong hininga ako. "Hindi naman pwede na Sarili ko Lang Ang iniisip ko. And marriage 'yon noh. Hindi Naman yon laro na kung pagod or ayaw mo na. Pwede Kang mag quit anytime you want."
"Hay Hindi mo Naman pwedeng suwayin Yung parents mo di'ba?" Yes hindi pwede... Pero kung ano Ang magiging desisyon ni Josh dun ako.
Nauna nalang ako maglakad. Iniwan ko si Ashley kasi kung ano ano na Yung pinagsasabi niya.
-------
Papasok ako sa office nang makasalibong ko si Josh sa Daan. "Hi." Saad ko.
"Alam mo na ba?" Tanong niya. Biglang pumasok sa isip ko Yung kasal.
"About sa kasal ba? Alam mo Kung hindi ka papayag I'll talk to my parents para ma settle na."
"Hindi na kailangan Sab. Pumayag na ako it's for the sake of both companies. Win win situation Tayo dito."
Natigil ako sa sinabi niya. Pumayag siya? "How about Mia? Pano siya?"
"Nakausap ko na siya. Ang Sabi okay lang daw." Cold niyang sagot. Siguro nagka problema sila.
"Bakit ka nga pala pumayag?" Tanong ko.
"Para sa company. Kukunin ni dad lahat ng meron ako pag hindi ako pumayag." Sagot nito. Ouch, Akala ko pumayag siya Kasi may gusto siya sa'kin kahit konti. Feelingera talaga ako hayst..
"Ikaw bakit ka pumayag?" Tanong niya. Nanlaki Ang mga Mata ko. Kasi may nararamdaman ako para sa'yo Josh. Joke ayokong umamin Noh. Alam Kong Wala siyang feelings for me. Nakakahiya.
"Sab okay ka Lang?"
Napatingin ako sakanya. "Uh- ano kasi katulad Nung sa'yo. Oo katulad Nung dahilan mo."
"Ahh same reason pala Tayo. Akala ko Kasi you like me." Napatigil ako sa sinabi niya. Masyado bang halata na gusto ko siya?
"Joke lang."
"Ha-ha HAHAHAHA." Marunong pala 'tong mag joke.
"Sige una na ako." Paalam niya.
"Take care."
Tiningnan ko Muna siya habang papalayo.
"Oh kamusta future husband mo?" Saad ni kuya na nasa tabi ko na pala.
"What?"
"Sabi ni daddy ikakasal na raw kayo ni Josh."
"Do you know about Mia?"
Tinitigan Muna ako ni kuya bago sumagot. "Oo alam ko nililigawan siya ni Josh. Bakit mo natanong?"
"Actually sila na nga. Iniisip ko Lang kung pano na Yung relationship nila."
"Hayaan mo na 'yon. Hi di mo na 'yon problema. Ayw mo bang makasal sa taong gusto mo?" Pagbibiro ni kuya. Kahit kailan talaga.
#WagMagmahalNgTaoNaHindiPaTaposMagmahalNgIba
- glaizz9 -