Dianne's POV
Nakaayos na ako at nagpaalam na rin ako kay mama. Alam niyang si Chase ang makakasama ko kaya pumayag agad siya. She trusts Chase so much kaya nga baka nga si Chase talaga yung anak niya at hindi ako.
I don't know what to wear kaya nag-search pa ako sa google kanina kung ano ba yung dapat na isinusuot kapag pupunta sa bar. I ended up wearing a black bodycon mini dress at nag-heels din ako tapos nagsuot ng kaunting accessories.
"Dianne! Bumaba ka na. Nasa labas na yata yung sundo mo."
"Sige po ma."
Sagot ko at tumingin pa ulit sa salamin bago tuluyang bumaba. Nagsuot ako ng jacket na puti dahil baka pagalitan ako ni mama sa suot ko kapag nakita niya.
"Umuwi ng 1 am ah."
"Opo, babye."
"Ingat."
"Opo."
Humalik ako sa pisngi ni mama pagkatapos ay lumabas na ako ng bahay at isang napakagandang kulay itim na sasakyan naman ang bumungad sa akin.
Nasa labas din si Cloud ng kotse at nag-aantay sa akin.
"You're wearing a jacket?"
Tanong niya habang nakatingin sa akin na parang hinuhusgahan ako kaya medyo nahiya ako. Balak ko pa namang suotin yung jacket this whole night dahil medyo hindi ako komportable sa mahangin na suot.
"Um, no."
Sagot ko at hinubad yung jacket sa harapan niya. Hinawi ko yung buhok ko at inayos ng kaunti dahil medyo nagulo sa pag-alis ko ng jacket.
"Okay lang ba?"
Nahihiyang tanong ko habang hinihila pababa yung suot kong bodycon dress.
"Tara na."
Sagot niya at nauna nang pumasok sa loob ng kotse. Tsk, hindi man lang ako pinagbuksan ng pinto.
Pumasok na ako sa loob ng kotse at nagsimula na rin siyang mag-drive paalis. Sa likod ako nakaupo at hindi sa tabi ng driver's seat. Ginagawa ko lang yun kapag si Chase yung nagmamaneho.
"Where's Chase?"
Tanong ko.
"Bar."
He answered.
Nauna na pala siya. Bakit kaya pinasundo niya pa ako kay Cloud at hindi na lang siya yung sumundo sa akin. He's really acting weird.
Pagkarating namin sa bar ay bumaba kaagad kami ng kotse.
Naiilang ako sa dami ng tao sa labas pa lang. Pagkarating namin sa entrance ay binati kaagad ng guard si Cloud. They know each other because they said each other's name habang ako naman ay hiningian ng ID bago kami makalusot. Nagdala naman ako dahil 'yon ang sabi ni Chase kanina.
"Cloud."
Pagtawag ko kay Cloud na nauunang maglakad sa akin.
"What?"
"Pwede bang humawak sa laylayan ng damit mo?"
Tanong ko at napakunot noo siya.
"Baka mawala ako."
Natatanaw ko yung loob ng bar at napakadilim doon. May mga ilaw naman na gumagalaw sa paligid pero madilim pa rin at parang nakakahilo.
"Are you a kid?"
Tanong niya at sumimangot ako.
Hindi ko maiwasang kabahan at matakot dahil first time ko and this is so outside my comfort zone.
"Tsk, okay fine."
Sagot niya kaya agad akong kumapit sa laylayan ng itim na polong suot niya. Naglakad kami papasok sa bar at sinalubong kami ng maingay na music.
Natanaw ko mula sa malayo si Janine at halata sa mukha niya ang pagkagulat nang makita niya ako.
"Oh my gosh! Pinayagan ka ni tita?"
Pagtili niya. Halatang excited na nandito ako.
"Oo, kasama daw si Chase eh."
"Chase? Eh bakit si Cloud yung kasama mo?"
Tanong niya sabay turo kay Cloud.
"Ah pinasundo kasi ako sa kanya ni Chase. Andito na nga daw siya eh."
"Who?"
Janine asked.
"Chase."
"Huh? Hindi ko pa nakikita si Chase. Andito ba siya?"
Tanong niya kila Burn na kasalukuyang nagkukwentuhan habang nag-iinoman.
"Hindi ko pa siya nakikita."
Burn answered.
Napatingin ako kay Cloud at agad siyang umiwas ng tingin sa akin.
"Asan na si Chase."
Tanong ko sa kaniya.
"Want to grab a drink?"
Pag-iiba niya ng usapan.
"Sabi ko asan..."
"Hey! Lightest shot for her please."
He said to the bartender at hindi ako pinansin.
May inabot sa akin yung bartender na inomin na nakalagay sa maliit na baso. Nag-aalangan akong inomin yun dahil wala pa si Chase.
Baka malasing ako at kung ano-ano ang gawin ko. Nilibot ko ng tingin ang paligid at sinubukang hanapin si Chase pero hindi ko siya matanaw kahit saan.
"Hindi mo ba iinomin yan?"
Cloud asked pointing at my drink.
"I don't want to get drunk."
"It's just one shot and also the lightest shot, you will not get drunk."
Sagot niya.
Kinuha ko yung baso at inamoy yun. Hindi nga amoy matapang.
"A slice of lemon please."
Cloud said to the bartender.
Nakapikit kong ininom yung alak at kahit na sinabi pa ni Cloud na lighest shot yun ay napaitan pa rin ako.
Iminulat ko ang mga mata ko at nagulat ako nang makitang napakalapit ng mukha ni Cloud sa mukha ko. Wala pa limang segundo nang pagmulat ko ay inilagay niya sa labi ko ang isang maliit na slice ng lemon at pinisa niya yun. It's so sour kaya napangiwi ako. Ramdam ko rin ang pagtulo ng kaunting lemon juice sa ibaba ng labi ko.
Bigla akong napaatras nang punasan yun ni Cloud gamit ang daliri niya.
"It's okay. I got it."
I said and took a handkerchief out of my small bag at pinunasan ang paligid ng labi ko.
"Um, I'll just go to the bathroom."
I said and started running to the bathroom. Kinakabahan ako dahil baka maligaw ako pero thankfully may mga sign sa bar na nagtuturo kung nasaan yung bathroom.
Pumasok ako sa loob at naghugas ng kamay. I looked at myself in the mirror at medyo may parts pala ng labi ko yung natanggalan ng lipstick dahil sa pagpunas ni Cloud kanina.
Kinuha ko sa bag ko yung lipstick ko at maingat na nilagyan ang mga labi ko.
Walang ibang tao sa bathroom kaya naisipan ko na munang tumambay dahil ayaw ko pang lumabas.
Kinuha ko yung cellphone ko to call Chase but he's not answering the call again. Parang mali ang kutob ko rito, mukhang pinagtitripan ako ni Cloud.
Makalipas ang halos sampong minuto ay nagdesisyon na akong lumabas ng bathroom. Sa paglabas ko ay bigla kong nakita si Cloud na nakasandal sa labas sa gilid ng bathroom.
"What are you doing here?"
Tanong ko.
"Waiting for you."
"Why?"
"Kasi gusto ko."
Yan nanaman siya sa linyahan niyang "kasi gusto ko". He always say that, kung hindi naman yan, ang sasabihin niya "because I can".
"Asan ba talaga si Chase?"
"Home."
He answered then looked away.
"Huh? Sabi niya nandito siya."
"He didn't say that."
"He did. He messaged me."
Kinuha ko yung cellphone ko at ipinakita sa kanya yung message sa akin ni Chase kanina.
"I'm the one who messaged you."
"What?"
"Pagsinabi ko bang yayayain kita pumunta dito, pupunta ka?"
Tanong niya na parang kasalanan ko pa.
"Sira ulo ka ba?"
I asked and he just sighed.
"I'm going home."
"No, please stay."
"Why would I stay?"
Tanong ko nang bigla kaming nakarinig ng grupo ng mga babaeng parating. Bigla akong hinila ni Cloud papasok sa loob ng bathroom at pumasok kami sa isang cubicle.
Nang makapasok na yung mga babae sa loob ay nagsimula silang magkwentuhan. Cloud locked the door of the cubicle at sumenyas sa akin na 'wag mag-ingay.
Una sa lahat, bakit ba kasi kami nagtago? Ngayon tuloy ay nagsisiksikan kaming dalawa sa loob. Hindi na ako pwedeng lumabas at baka kung anong isipin nung mga babae kapag nakita nila kami ni Cloud na nasa isang cubicle atsaka baka tumili rin yung mga yun kapag nakakita ng lalake sa ladies bathroom.
Ang tagal umalis nung mga babae, parang natripan din ata nilang tumambay muna.
Tiningnan ko si Cloud at nakita kong nakatingin din pala siya sa akin. Instead of looking away ay mas lalo niya pa akong tinitigan. Ako na lang yung nahiya at umiwas ng tingin sa kaniya.
Pinakiramdaman ko ulit yung mga babae at mukhang paalis na sila. Unti-unting humihina yung mga boses nila which means that they are walking away.
"Tara na wala na sila. Baka may makaki..."
Isa... dalawa... tatlo...
Tatlong daang libong paputok ang naramdaman ko sa puso ko nang mabilis na ipinagdikit ni Cloud ang mga labi namin nang walang pasabi.
Hindi ako makagalaw at makapag-isip ng maayos lalo na nang magsimulang gumalaw ang mga labi niya at nagpatuloy na inangkin ang mga labi ko.
Sumisigaw, tumatakbo at nagwawala ang utak ko samantalang ang katawan ko naman ay parang tuluyan nang nilipad ng hangin at nanlambot.
Nakakatunaw ang mabagal na paggalaw ng mga labi niya, para akong nanghihina. Hindi ko siya maitulak at alam ko kung bakit.
Nagugustuhan ko ang ginagawa niya hanggang sa mamalayan ko na lang na tumutugon na pala ako sa mga halik niya.
Hindi ako marunong humalik. I never kissed anyone before pero nadadala ako ng mga labi niya.
Sa paghahalikan namin ay naramdaman ko ang pagdila at pagkagat ni Cloud sa ibabang labi ko.
"Ahh."
I moaned when he suddenly pulled me closer to him. Sobrang lapit namin na halos wala na akong nararamdaman na distansya pa. Ang lambot ng mga labi niya at aminado akong nadadala ako sa mga ginagawa niya.
Nagsimulang lumikot ang mga kamay ni Cloud. Nararamdaman ko ang bawat paghaplos ng kanang kamay niya sa likod ko at pati yun ay nagugustuhan ko.
Sandali siyang tumigil sa paghalik sa akin at diretso akong tiningnan sa mga mata ko nang may kakaibang emosyong hindi ko mabasa. We are looking straight at each other when he slowly pulls down both the strap of my dress.
"Cloud."
Sa dami nang gusto kong sabihin ay para bang pangalan niya lang ang alam kong banggitin.
"Yes, my love."
He whispered and leaned down, and kissed my neck.
Tatlong halik pababa sa collar bone ko ang ginawa niya bago siya bumalik sa mga labi ko.
Sa lahat nang ginagawa niya sa katawan ko ay nahimasmasan lang ako nang tuluyan nang ibaba niya ang dress na suot ko at ipinatong ang isa niyang kamay niya sa dibdib ko.
Agad na malakas ko siyang naitulak at tumunog pa yung cubicle kung saan tumama ang likod niya.
"I... I'm going home."
I said and ran out of the bathroom as fast as I could. Nadaanan ko sila Janine. Narinig kong tinawag niya ako pero hindi ko na siya pinansin ay nagpatuloy sa pagtakbo palabas ng bar.
What the f**k just happened?
Ano yun Dianne? Anong ginawa mo? Nasisiraan na ata talaga ako.
Agad akong pumara ng taxi at sumakay.
"Saan po maam?"
The taxi driver asked.
"Sa ***** po."
Sagot ko at nagsimula na siyang mag maneho.
Habang nasa byahe ay paulit-ulit kong naalala yung nagyari. Ayaw kong maalala pero hindi ko alam kung paano pipigilan. Alam ko na kaagad na hindi ako makakatulog ng maayos mamaya sa kakaisip.
Napahawak ako sa labi ko at bago lang nag-sink in sa utak ko na wala na akong first kiss. Yung first kiss na matagal ko nang binabalak na ibigay kay Chase ay nakuha na ni Cloud ng gano'n lang kadali.
Pagkarating ko sa bahay ay nagmamadali akong pumasok sa loob ng kwarto.
"Bakit ang aga mong umuwi?"
Tanong ni mama.
"Sumakit po ulo ko eh. Hinatid ako ni Chase ma."
Pagsisinungaling ko para makampante siya at hindi na ako tadtarin ng mga tanong.
"Sana pinapasok mo muna sa bahay."
Sabi ni mama at hindi na ako nagsalita pa ulit. Magsisinungaling nanaman ako niyan eh.
Humarap ako sa salamin at bago ko lang nakita ang lipstick na nagkalat sa gilid ng labi ko. Nakaramdam ako ng hiya nang maisip ko yung taxi driver kanina. Malamang ay nakita niya yun.
"s**t! Yung jacket ko."
Naiwan ko yun sa loob ng kotse ni Cloud.
Should I text him? No, wala pala akong number niya.
Natatakot ako na baka sabihin niya yung nangyari sa amin sa bar kay Chase. Alam kong hindi ko kasalanan na pumunta ako sa bar because Cloud tricked me pero yung nangyari sa loob ng bathroom ay kasalanan ko na.
Nag-respond ako sa mga halik na binigay sa akin ni Cloud.
Ang tanga ko, sobra.
Now I know why a lot girls are dying to get close to Cloud. He's not only a good kisser but he's also hot. The way he looked at me kanina ay para akong kinakain ng apoy niya.
Pumasok ako sa loob ng banyo at kinuha yung toothbrush ko.
Mariin akong nagsipilyo at ilang beses ko ring hinugasan ang mga labi ko. Dumiretso na akong maligo pagkatapos ay nag-prepare para matulog.
I checked my phone bago ako matulog at nakatanggap ako ng message from Chase.
"Why are you calling me? Is there a problem? Sorry beautiful, I was busy."
He messaged.
"It's fine. I just missed you."
"Aww I missed you more. I will see you tomorrow. Wag ka nang magpupuyat. Sweet dreams miss. Good night."
"Good night, sweet dreams."
Pagka-reply ko ay binitawan ko na yung cellphone ko at humiga ng maayos. Ipinikit ko ang mga mata ko at labi nanaman ni Cloud ang nakita ko.
Anak ng baboy! Gaano ba katagal ang epekto ng labi ni Cloud? Pag ako talaga napuyat makakatikim sa akin 'yon.