Dianne's POV Kakapasok lang ni Sir Piliano sa classroom at kaagad niyang nilibot ang tingin niya sa buong classroom na parang may hinahanap. "Chase." "Yes, Sir?" "I thought I made it clear to your cousin, Cloud, to come to my class today." Sir Piliano said. "Ah, Cloud is in the clinic, Sir. He's not feeling well. Nilalagnat po yata." Napalingon ako sa upuan ni Cloud. Akala ko late lang siya 'yon pala ay hindi siya papasok. Nilalagnat siya? Hindi kaya naabutan siya ng ulan kahapon. Makulimlim at mahangin kasi kahapon nong umalis siya. Nagsimula ring umulan maya-maya pagkatapos niya akong maihatid sa bahay. "You made sure of that?" Pagdududa ni Sir Piliano. "Yes, Sir." "Well, then, okay. Let's start the class." Nagsimula ang klase pero lumilipad ang utak ko papunta sa clinic. I'm

