Dianne's POV Hindi ko alam kung ano ang mangyayari ngayong araw. Specifically, if how I will enteract with Chase and Cloud. Hindi ko alam kung anong napag-usapan nila. Sobrang aga ko ngayon pumasok. Nagpahatid din ako kay Dad sa takot na baka sunduin ako ng isa sa kanila o kaya naman sabay. I don't want to assume but there's a possibility. Ako ang unang tao sa classroom. Tumingin ako sa relong suot ko at mayroon pang kalahating oras bago magsimula ang klase. Nagdesisyon akong umalis muna dala-dala ang bag ko. Hindi ko pa sigurado kung saan ako pupunta pero gagawin ko lahat maiwasan lang muna sila Chase at Cloud. Papasok na lang ako mamaya kapag nagsisimula na 'yong klase. I end up going at the canteen. Bumili ako ng lomi dahil mahaba pa naman ang oras ko. Limang students lang ang kuma

