Nagtataka siya na sinilid niya sa kanya bag ang uniporme niya na labahin na para masuot naman niya sa susunod na araw. Buong maghapon na hindi niya nakita si Amore. Kahit maraming pasikot-sikot sa buong resort magsasalubong at magsasalubong sila pero hindi niya na ito makita mula ng umalis ito kanina sa locker. Ni hindi nga ito nakauniporme eh. Palabas na siya ng quarters nila nang sumulpot naman ito. Agad na nginitian siya nito at tinugon naman niya ng isang ngiti din ito. "Uwi ka na?" sita nito. Tumango siya. "Uh,Oo.." "Hmm..saan ka nakatira?" "Uhm,nangungupahan ako sa bayan.." "Nilalakad mo?" Tumango siya. "Uhm,Oo.." "Alam mo may bahay ako malapit lang dito sa resort..." Napatingin siya rito. Kaya ba hindi niya nakita buo maghapon ito dahil umuwi ito ng bahay na malapit lan

