Maaga siya nagising kinabukasan. Ang sarap ng tulog niya. Ngayon lang siya nakatuLog na maayos na walang pangamba. Hindi pa rin siya makapaniwala na nandito talaga siya sa bahay ng bago niya kaibigan si Amore. Malaki ang bahay at malinis ng paligid. Sumulyap siya sa malaking salamin na dingding kung saan tanaw na tanaw niya ang karagatan at sa isang banda ang Hotel ay kita din. Ilang metro lang ang layo ng bahay nito roon. Nakikita niya lagi ang bahay nito kapag nasa labas siya ng hotel. Si Amore pala ang nakatira dito. Pero ang pinagtataka niya bakit ito nagtatrabaho sa hotel? Hindi magkakaroon ng ganito malaki at maganda bahay ang isang tulad nila na housekeeper lang. Hindi kanya hindi naman talaga empleyado roon si Amore? She sighed. Hindi niya dapat pinagdududahan si Amore. Kaib

