Nagtataka hinanap niya sa locker's room ang kanya sweater. Nagpalit lang siya saglit ng uniporme kaya hinubad muna niya ang suot na sweater at ngayon hindi niya mahanap. Wala pa naman siya dala extra. Hindi maaari na wala siya suot niyun. Hindi na niya alam ang gagawin niya. Kailangan pa naman niya pumunta sa penthouse ng boss nila pero hindi sinabi kung bakit. Nakakahiya kung makikita nito ang tinatago niya. "Hindi mo dapat pinaghihintay ang boss natin,baguhan.." Natigil siya sa paghahalungkat sa loob ng locker niya. Nilingon niya ang nagsalita at nakangisi ang tatlong babae na katrabaho niya. Napatingin siya sa hawak ni Cora. "Pwede ko bang makuha yang hawak mo?" aniya. "Ohmygod! What's that?" gilalas na bulalas ng isang babae nakatitig ito sa braso niya agad na itinago niya iyun

