Magkasabay sila pumasok ni Amore sa Hotel pero hindi niya ulit ito nakita maghapon. Pabalik na siya sa quarter nila ng bigla may humarang sa tinutulak-tulak niya trolley. "Nandito lang pala kita makikita.." Agad na kinalibutan siya ng marinig ang pamilyar na boses iyun. Nanlalaki ang mga mata ng masilayan ang pagmumukha ng anak ng mag-asawang Torres. Nakangisi ito sa kanya. "A-anong g-ginagawa mo dito?"may nginig niya saad. " Kahit saan ka magpunta mahahanap at mahahanap pa din kita,Mandy..." Umatras siya. Wala siya ibang gusto gawin kundi ang lumayo sa baliw na lalaki iyun. Napaigtad siya ng hablutin naman nito ang braso niya. "Saan ka pupunta ha?!"angil niya rito. Malakas na tinulak siya nito sa pader at bago pa man ito makadikit sa kanya malakas na itinulak niya ito. Ngunit

