Mariin niya pinindot ang doorbell ng silid na inookupa ng lalaking baliw na nanakit kay Mandy. Kung hindi niya agad na narinig mula sa malayo ang nanginginig na boses ni Mandy baka malamang natuloy na ang balak ng lalaki na gawan ng masama ang dalaga. Bumukas ang pintuan at madilim ang mukha ng lalaki dahil sa pang-iistorbo niya rito. Gumuhit ang isang ngisi sa mga labi niya. Agad na nakilala siya nito. "I-Ikaw? Anong ginagawa mo dito?! Ikaw ang tumulak sakin kanina ah!" angil nito sa kanya. Nalukot ang ilong niya nang makaamoy siya ng hindi niya gusto maamoy. "Alam mo bang pwede kita isuplong sa mga pulis yang paggagamit mo ng pinagbabawal na gamot dito sa hotel?" Nanlaki ang mga namumula na nito mga mata. Lumaki ang pagngisi niya sa panghuhuli niya rito. "Wala kang patunay! Uma

