Nahihiya siya. Hindi siya makatingin sa binata pagkatapos niya basain ang harapan ng damit nito dahiL sa pag-iyak niya. "Mandy..." Agad na nag-angat siya ng mukha sa pagtawag nito sa kanya. "Uhm,pasensya na..nakakahiya ang ginawa ko kanina..." napapahiya saad niya. "It's alright,wag mo na ikahiya iyun..." masuyo nito saad. Nahihiyang tumango siya rito. Hindi niya magawang titigan ito ng deretso. Magkasalikop ang mga kamay na tumayo siya para magpaalam na. Napaigtad siya ng abutin nito ang magkasalikop niya mga kamay. Napaangat siya ng tingin rito. "No one can hurt you now,Mandy..."matiim nito saad. " B-bakit?" "I will do that because I want to...I like you,Mandy..." matapat nito saad. Napasinghap siya sa sinabi nito. Para siya mauubusan ng oxygen sa katawan ng marinig niya iyun.

