Natigilan siya ng madatnan si Mandy na nakasalampak sa sahig sa gilid ng pintuan niya gaya ng unang nakita niya ito naghihintay rin sa kanya. Inalis niya ang pagkakataklob ng hood ng jacket niya sa kanya ulo. Naisipan niya magjogging ilang araw na siya hindi nakakapagjogging dahil naging abala siya nitong mga nakaraan linggo. Agad na nag-angat ng mukha ang dalaga mula sa pagkakayukyok. Mabilis ito tumayo mula sa pag-kakaupo sa sahig. "Sir..." Tinaasan niya ito ng kilay. "Uhm,Jamiel.."pagbawi nito sa unang sinabi. " Hinihintay mo ako.."he's stated. "Uhm,Oo..m-may gusto sana ako itanong.." "Sa loob na tayo mag-usap..." Agad naman ito sumunod sa kanya. "Be seated.."saad niya. Atubili naman ito sumunod sa kanya. "What is it?" pagtatanong nya ,nararamdaman niya kasi na maligalig i

