Namamangha na pinagmasdan niya ang mga ilaw sa paligid. Hindi siya makapaniwala na sa Manila pa siya dinala ng binata para sa date nila. Pati na ang pagkain ,sobrang sarap. Ngayon lang siya sa buong buhay niya na nakakain ng pagkain na may sahog ng petals mula sa mga rosas. Nakakabilib. Huminto sila sa isang mataas na gusali. "Bukas na tayo bumalik satin,dito na tayo magpalipas ng gabi.." Hindi siya nakaimik. Wala sa sarili na bumaba siya sa sasakyan ng pagbuksan siya ng binata ng pintuan. "Ang hotel na ito pag-aari naman ng Tito Kian ko asawa ni Tita Gabbie..dad ni Gian.." anito. Tumango siya ng sabihin iyun ng binata. Okay,alam naman niya mayaman naman talaga si Jamiel pero nakakatulala pa rin na talagang mayaman ang pamilya na pinanggalingan nito. "Let's go para makapagpahinga ka

