Abot-abot ang kanya kaba habang pumapasok papasok sa penthouse ng boss nila. Napaigtad siya ng sumara ang pinto sa likuran niya.
Nanatili siya nakatayo sa may pintuan.
"How much do you want?"
Napatingin siya sa kinaroroonan nito. Mataman ito nakatingin sa kanya.
"Uhm,sapat na sakin ang isang buwan na sahod ko..makakakuha na ko ng bago mauupahan ng mura sa bayan..."
Tinungo nito ang silid nito na walang pintuan.
Napasinghap pa siya ng makita na nasa harapan na pala niya ito. Paanong nakalapit ito sa kanya nang ganun kabilis.
"Here.."
Sumulyap siya sa pera na inaabot nito sa kanya.
Nangunot ang noo niya ng makitang maraming thousand yun. Ang alam niya 6 thousand ang starter niya.
Hinintay na abutin niya iyun kaya bahagyang nanginginig na inabot niya ang pera.
Binilang niya ang pera na kukunin niya. Nasa anim na papel na pera lang ang kinuha niya na nasa kamay nito.
"Uhm,sapat na po sakin ito.."
Nakita niya ang pagsalubong ng mga kilay nito.
Agad na nag-iwas siya ng tingin rito. Hindi siya komportable sa klase ng pagkakatitig nito sa kanya. Tila bang tinutunaw siya ng mga titig nito.
Nahigit niya ang hininga ng kunin nito ang kamay niya at nilagay ang pera na hindi niya kinuha.
Natitilihan na napatingin siya rito.
"Ayoko na tinatanggihan ako sa kung ano ang binibigay ko.." matiim nito saad.
"S-Sir...m-malaki po kasi..."
"Pagtatrabuhan mo naman yan.."
Hindi siya nakaimik. Pero ilang buwan naman siya hindi sasahod? Dalawa...Tatlong buwan?
"Ibabawas yan sa sahod mo kaya may sasahurin ka pa.." pagsagot nito sa katanungan na nasa isip niya.
"S-salamat,Sir..pasensya na po sa abala..."
Tumango lang ito.
"Aalis na po ako..salamat po ulit,Sir! Magandang gabi po.." aniya.
Napasinghap siya ng bahagya magtama ang kanila katawan nang abutin nito ang doorknob ng pintuan para pagbuksan siya ng pinto.
Pigil-pigil ang hininga na nag-angat siya ng mukha. Tila huminto ang pagtibok ng kanya puso ng magtama ang kanila mga mata. Napaawang ang bibig niya ng bahagya ng matanto na napakalapit ng mukha nila sa isa't-isa.
Nako-corner siya ng makisig nito pangangatawan kaya ramdam niya ang mainit na singaw ng katawan nito.
"Goodnight,Mandy..." tila paos nito saad.
Doon na siya natauhan. Agad na pumihit siya palabas ng pintuan.
Habol-habol niya ang hininga ng makalabas siya ng pintuan.
Nasapo niya ang kanya dibdib.
Naku,ano ba nangyayari sakin?!
Pinagpapawisan na pinaypayan niya ang sarili gamit ng sarili kamay.
"Bigla ata uminit?" wala sa sarili bulalas niya.
Ang huLing lalaki na dumikit sa kanya ay noong tangkain siya pagsamantalahan ng anak ng mag-asawang Rodriguez.
Agad na binuhusan siya ng malamig ng maalala iyun.
Kung hindi siya agad na nakakuha ng pagkakataon na makalayo sa lalaki malamang nakuha na nito ang iniingatan niya puri.
Naikuyom niya ang mga palad.
Balang-araw,kakarmahin din ang manyak na yun!
Relax,Mandy...kalimutan mo na sila. Nagbabago buhay ka na ngayon.
Tatango-tango na sumakay na siya ng elevator.
Napatitig siya sa perang hawak niya. May ngiti na mabilis na gumuhit sa kanya mukha.
Hindi naman pala ganun kahirap pakiusapan ang may-ari ng Dalia Hotel and Resort.