Naghahanda na siya para magtrabaho ng bumukas ang pintuan ng penthouse niya. "Sana'a...?" supresa niya bulalas. Mabilis ito humalik sa pisngi niya. "Why are you here? Kasama mo ba sila dad?"pagtatanong niya rito. "Nope..hindi ako nagpaalam na pupunta ako dito," paghalukipkip nito turan. "What? Hindi yan magugustuhan ni Dad kapag nalaman niya yang ginawa mo.." Sumimangot ito. "Naiinis kasi ko!" Nagtataka napatitig siya sa kapatid. "Bakit?" "Yung Chloe na yun,kulang na lang sa bahay siya tumira..." Natigilan siya sa sinabi ng kakambal. "What?" Marahas ito bumuga. "Iyun ang pinunta ko dito...bakit kami ang inaabala niya hindi ikaw?"nakabusangot nito turan at pabagsak na umupo sa sofa. Kung ganun hindi pala tumigil ang babae iyun. "Naghahanap lang yun ng kakampi sa inyo. Nag-usap

