“Sels, dinner is ready,” tawag ko kay Selena nang matapos kong ihain ang pagkain sa hapag kainan. I cooked many nutritious foods and dishes for her and her baby. I even blended a fresh fruit shake for her with lots of milk. “You should’ve really let me help in cooking our dinner,” nahihiyang sabi naman ni Selena habang nililibot ang tingin sa mga nakahain sa lamesa. “Nakakahiya ng sobra, Xy...” Bahagya naman akong napatawa habang tinitingnan siyang parang nag-aalangan pang kainin ang mga putaheng niluto ko. “Sels, napakatagal ko na kayong pinagluluto ni Deia at lagi kayong kumakain dito. Ngayon ka pa ba mahihiya?” Natatawa kong sabi sa kanya. She pouted and sat in her usual chair whenever she and Deia ate at home with me. “Iba na kasi sitwasyon ngayon,” katwiran niya. “Nakikitira na

