“Xy, kumain ka na, please,” Selena was still encouraging me to eat. Tanaw-tanaw ko ang matatayog na gusali rito sa veranda ng aking unit. Nakapikit lamang ako habang pinapakiramdaman ang pag-ihip ng tamang lamig at init ng hangin. Ang aking kamay ay paulit-ulit na hinihimas ang aking sinapupunan kung saan una’t huling namuhay ang aking nawalang anak. It had been only a week since that incident but everything still felt so vivid. Damang-dama ko pa rin ang sakit nang dahil sa pagkawala ng anak ko. Alam mo ‘yong masakit? Iyon ay ‘yong halos wala pang isang araw kong alam na nagdadalang tao ako at agad na siyang binawi sa akin. Ni hindi ko man lang naranasang maghirap ng dahil sa kanya katulad ng naranasan ng iba. I wanted to feel the pain they felt just to keep their babies living and

