1

1132 Words
Kabanata 1 Pussy "Curly Fold!" Masaya kong niyakap ang pusa ko nang ibigay siya ng isang tauhan ni John. "Bes, thank you ha!" Hinila ko ang lalaki at niyakap din. Mula sa gilid ng aking tingin ay nakita ko si John na nagkunot ng noo, "what the f**k?!" Siningkitan niya ng mata ang tauhan niya na niyakap ko, "Lastrel! Ano sa tingin mo ang ginagawa mo?" Kumawala ang tauhan na may pangalang Lastrel at yumuko, "Young Master, bigla na lang niya akong niyakap." Sabay turo sa akin. "I can see that!" Kumuyom ang kamao ni John, tumingin siya kay papa, "I'm taking her now." Seryosong anunsyo sabay turo sa akin... teka, sinundan ko ang direksyon ng kanyang daliri at tumigil ang aking tingin sa aking p***y. I gasped. "Papa! Huwag kang pumayag!" Mariin kong niyakap si Curly Fold na biglang umangil, tila hindi na makahinga kaya naman niluwagan ko ang yapos ko sa kanya. Huwag kang mag-alala, Curly Fold. Hindi kita hahayaan na kunin na lang nitong gwapong ito! Hindi pwede! Nanlaki ang mata ni papa, "Signore John, maaari ba natin itong pag-usapan? She's too young to be your wife." Napaawang ang labi ko. Ano? Papakasalan niya si Curly Fold? Hindi pwede! Isang taon pa lang siya! Masyado pa siyang bata gaya ng pasya ni papa. Hindi ako papayag na ikasal si p***y sa lalaking ito! No way! Magkakamatayan muna! "Are you defying me, Don Olliver?" Lumamig ang tono ni John, hinaplos ko ang balahibo ni Curly Fold habang siya'y ngumingiyaw, ano na ang gagawin ko? Mawawala na si Curly Fold sa akin. Ikakasal na siya sa lalaking ito. At mukhang walang magagawa si papa dito. Kailangan kong alamin kung magiging tapat bang asawa si John kay Curly Fold. Ayokong masaktan si Curly Fold, masyado pa siyang bata para makaranas ng heartbreak. Titignan ko na lang kung pasa ba sa panlasa ko si John sa pamamagitan ng panayam! Saka lang ako matatahimik kapag makompirma ko na magiging mabuti siyang asawa! "Ehem. Ehem." Tumingin ang lahat ng tao sa silid sa akin nang pumeke ako ng ubo, "bago kita hayaan na pakasalan ang p***y ko, gusto kitang tanungin para malaman kung karapat-dapat ka ba sa kanya." Kumunot ang noo ni John kasabay ng pag-alik-ik ng mga tao sa silid, tinignan ko si Curly Fold, huwag kang mag-alala, hindi kita hahayaan na ikasal nang hindi nalalaman na aalagahan ka ng mabuti. "Unang tanong, handa ka bang pakainin at busugin ang p***y ko? Nangangako ka ba na hindi mo gugutumin ang p***y ko?" Tinaasan ko siya ng kilay. "Sagot bes!" "Woman, what are you f*****g saying-" "Gaga! Yes or no lang ang sagot!" Umirap ako sa kanya, "ano na? Yes or no?!" Humalakhak muli ang mga tao sa paligid, "shut the f**k up!" May halong galit sa baritonong tinig ni John dahilan upang tumahimik agad ang mga kalakihan. Si papa naman ay napasampal sa sariling mukha. "Ano na?" Inip na tanong ko kay John ngunit hindi siya umimik, "silence means yes!" Muli kong hinagod ang balahibo ni Curly Fold. "Pangalawang tanong, aalagaan mo ba ang p***y ko? Nangangako ka ba na hindi mo siya sasaktan?" Hinilot ni John ang sentido niya habang namumula ang pisngi. "Sagot! Dali!" "Woman, you're crazy." Umiiling na aniya. Tumingin siya kay papa, "Don Olliver, tell your men to pack her things, I don't have all the time in the world for this bullshit." Utos niya. Yumuko naman si papa at tumingin sa mga tauhan para utusan sila. Mabilis naman silang lumabas sa kwarto para iempake na ang mga gamit ni Curly Fold, oh no! Malapit na kaming magkahiwalay ng pusa ko! Ikakasal na siya! Hindi ko kaya! I cannot! It hurts! "Curly Fold, this is a goodbye." Lumabi ako at saka ko siya hinalikan sa kanyang ilong, "sana busugin ka at alagaan ni John gaya ng pag-aalaga ko sa iyo, sana mahalin ka niya gaya ng pagmamahal ko sa iyo." Nagsimula akong maging luhaan. Hindi ko alam ang gagawin ko, mahihiwalay na si Curly Fold sa akin, ang sakit lang isipin na isang taon lang kami nagkasama. Ang sakit isipin na ikakasal na siya habang ako nganga. "John!" Tawag ko sa pangalan niya. Nangunot naman ang noo niya, "don't call me that." "Johnny!" Mas lalong kumunot ang noo niya, "what the f**k did you just call me?" "Johnny, ayaw mo ng John e. Kaya Johnny na lang." Ngumiti ako sa kanya, kailangan kong makipagplastikan sa karibal kong ito, kailangan kong maipakita kay papa ngayon na hindi siya deserving for Curly Fold. Baka magbago pa ang isip niya. Ang pusa, dapat sa pusa lang kinakasal! Hindi sa tao! "Don Olliver, did you raise her like this?" Tanong niya kay papa. "Ano?" Dismayadong singit ko, "allergic si papa sa p***y ko! Ako ang nagpalaki sa kanya! Ako ang nagpakahirap sa kanya! Tapos ikaw, bigla na lang darating tapos kukunin mo siya! Tapos maiiwan ako! Don't me! Ha! Don't me!" Naiinis na ako! Pigilan mo ako, Curly Fold! Baka mahampas ko siya nang wala sa oras! "Lissana." May banta sa tono ng boses ni papa, I zipped my mouth na. Mukhang galit na si papa kasi sinabi ko ang totoo, tama naman ako na ako ang nagpalaki kay Curly Fold, ha? Ngumiti siya kay Johnny na tila humihingi ng simpatya, "please have patience to her." Tumingin si Johnny kay Lastrel, "ano'ng oras na?" "Quarter to seven, Young Master." "I see." Tumayo na siya, "I must take my leave now, say your goodbyes, I'll be giving one minute, maghihintay ako sa labas." Kasabay ng paglisan niya sa silid ay ang pag-alis din ng mga tauhan niya. Naiwan na lang ako kasama si papa at ang kanyang mga tauhan. "Lissana, I know na hindi ako naging mabuting ama." Malungkot na saad ni papa. "Mabuti alam mo, pa. Hehehe." Ngumiti siya, hinalikan niya ako sa aking noo, "you remind me so much of your mother, alam mo ba?" "Kakaalam lang, pa." "You'll be much safer with Signore John. Mas delikado kapag manatili ka dito, our mafia is growing weaker and weaker, this is for your own sake, for our mafia, with a powerful mafia on our side, we will become strong too." "Ha? Pa? Ano ang pinagsasabi mo? Hindi ba si Curly Fold ang ikakasal kay Johnny?" Tumingin siya sa pusa ko kasabay ng paghatsing niya, agad siyang lumayo para dumistansya, "what are you saying? It's you, silly!" Umiling-iling si papa. "Saan mo naman nakuha ang ideya na iyon? A cat can never marry a man." Suminghap ako, "oh, my gosh! Papa! Please, huwag! Ayokong ikasal kay Johnny! Mas meant to be sila ni Curly Fold!" "I'm sorry, anak." Saktong iyon ay bumukas ang pinto, bumungad si Lastrel. "Don Olliver, she's coming with us now. Naiinip na si Young Master." "Papa!" Sa halip na pansinin niya ang hinaing ko ay tumango siya, "Lissana, leave." "Papa!" "I said leave!" Pagtataas niya ng tono dahilan upang matigilan ako, ngumiyaw si Curly Fold. No. Hindi ako papayag na mawalay sa iyo. Hindi ko kakayanin. I cannot take it anymore! "Papa! Ayokong umalis! Dapat kasama si Curly Fold!" "Fine! Leave with that pussycat of yours!" "Yay!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD