Chapter One

2589 Words
The POV's (Point of Views) ay nagra-run back and forth between the leads, bale if kina-cut ko by asterisks, it means, nagpalit na ng POV from bidang girl to bidang guy, anyway, maiintindihan niyo naman as you read through the story well.  ************************** Sandy SA ISANG MAGARANG SILID, habang isinusuot at inaayos sa isang dalagita ang kulay bughaw na silk gown, at ini-he-hairpin ang mga hibla ng sadya nitong ikinulot na buhok ay nasa gilid naman ng isang sofa ang isang maliit na dalagitang may labing-tatlo ang edad, nakasalampak ito doon, may suot ring maliit na white casual at balloon skirt na pinares sa ballerina flats. May tastas na ang skirt balloon nito at mukhang lumublob ito kanina sa putikan. "Sandy, don't you ever, ever go down in the hall with that state of yours. Sayang lang ang pag-aayos sa iyo ni yaya!" napairap ang ate nitong si Belle na nasa harap ng salamin ngayon. "I think you should be locked instead in your room, baka ano pang gawin mo sa party ko, ang sabi ko naman kay papa, huwag ka ng ayusan. Remember what you did to one of my tea parties?!" Debut ng ate niya ngayon, at habang nagsasalita ito ay ginagaya naman ng labi niya ang pag-iinarte ng nakakatandang kapatid. Alam na niya ang susunod na linya ng evil spoiled brat niyang ate: "Gosh Sandy!I couldn't afford to imagine what you would be like if you were the same age as me!" But she was thirteen, First year High school at walang ginusto kundi kumalap ng listahan ng ma-ba-black eye pa niyang bastos na kaklase sa eskwela at ang lumebel-up sa laro niya sa PSP. Bukod sa isinasabuhay to the full max ni Belle ang buhay socialite bilang isang Valencia ay nakadagdag sa 'awesomeness factor' ng ate niya ang pagiging runway model at T.V ad model ng shampoo at sikat na facial wash. Bumukas ang pinto at pumasok naman ang bestfriend s***h alalay ng kanyang ate, si Lace. "Re-really? They're already here? The Palanca's are here?! Si-sila Tita Marie?" usal ni Belle na halos mangisay. NA-BORED SA PSP NA HAWAK ay napalabas na ng kuwartong iyon si Sandy, like a ghost, animo'y kaluluwa siyang lumabas sa kuwarto, garnering no recognition lalo na't immersed na sa pagtsi-tsika ang ate niya kay Lace. 'Palanca', pamilyar sa kanya ang apelidong iyon. In one of their dinners kung saan mirakulo'y nakakasama nila ang ama nila, ay binanggit nito kay Belle ang planong pagpapakilala nito sa nakatatandang anak nga ng business partner ng kompanya nila na mga Palanca. Bagong kasosyo ng kompanya nila ang pamilya at siyang sumagip sa ama nila ng halos malugi na ang kompanya noong nakaraang taon. Nagmamay-ari ng isang malaking chain ng hotels ang pamilya nila at kakumpitensya nila noon ang mas malaking kompanya ng mga Palanca. Not until later, when the two families signed a joint deal. Napa-dive sa kama niya si Sandy, walang pakialam sa pagsisimula ng animo'y kasiyahan sa ibaba ng mansiyon nila.Wala si Toby kaya't wala siyang kalaro, ang bestfriend niyang kasinlaki ni Jolibee at kapitbahay nila na kuya naman si Tristan, ang matalik na mortal archenemy ng ate niya. Isa sa mga nagpapaulbo ng dandruff ni Belle sa kanya ay ang pakikipagkaibigan rin niya sa mga Rodriguez, na sa hindi niya malamang history ay kinasusuklaman ng ate niya. I-blinink niya ang mga mata niya, hindi alam ang gagawin. Gusto na niyang hubarin ang suot niya pero baka kasi hanapin siya ng papa niya. Di bale na, busy naman ang lahat diba? Napalukso siya ng kama, napatakbo sa gilid ng bintana upang sumilip sa mga kotseng nakaparada sa espasyo sa labas ng gate nila. Marami-rami ng kotse ang naroon. Sa ilalim naman ng bintana niya, naroon ang isang mayabong na puno ng mangga, yun ang subok na niyang exit way mula sa kwarto niya. Ibinukas pa niya ng mas malaki ang bintana niya, sapat lamang upang maya't-maya ay makalusot ang petite niyang katawan doon, in a second, she started to crawl outside the tiny window glass. Kinapit niya ang matataas na braso sa isang sangang nakalawit lamang sa gilid ng bintanang iyon. Naglambitin siya ng iilan pang segundo hanggang nai-twirl ang katawan upang mapaupo sa isang mas malaking sangang natatabunan pa ng iilang sanga at dahon ng mangga. Ang plano niya, tatakas siya at sa halip ay bibisitahin niya ang may lagnat na si Toby na sigurado niyang nakaratay sa kama ngayon at nanonood ng Star Wars movie collection nito. Medyo tago ang bahaging iyon ng bahay nila, kahit nakikita ng bintana niya ang harapan, sa gilid nakaposisyon ang puno at natatabunan ng bungad ng isang malaking garden. She stayed there for awhile, napakapit sa sanga at aaksyong gagapang at lulukso na sana ng pababa ng mamataan niya ang paglapit ng isang bulto sa lilim ng mismong punong iyon! Inilisto niya ang sarili, a shrewd smile planted in her lips. Tineloskopyo ng mata niya ang bultong iyon.      In her amazement, isang estranghero ang papalapit sa punong iyon... ********************************** NAGMAMADALING NAPALAKAD ANG MAY BENTE-DOS ANYOS NA SI Martin sa na spot-an niyang punong mangga. Jeez! Ihing-ihi na talaga siya at kanina pa niya pinipigil sa gray sports sedan niya . Kanina pa siya ini-imbyerna ng mga magulang na pumunta na nga raw siya sa tahanan ng mga Valencia, kasali pa naman siya sa eighteen roses ng debutante. Kagagaling lang niya sa isang bar, nakipag-meet-up sa kanya ang iilang mga kabarkada. Nasa Amerika pa siya ay halos italak na ng mama niya na kelangan niyang umuwi ngayong break niya. May dalawang taon na lang at tapos na siya sa kurso niyang Business Ad sa UCLA. Napalingon siya, siniguradong walang tao. Kapapasok lang niya ng gate at imbes na dumiretso sa entrada ng malaking bahay ay napasegway siya ng lakad. Punong-puno na ata itong puson niya, bakit naman kasi hindi niya naisip na mag C.R sa bar! Alam rin niyang hindi na siya aabot sa entrada, lalo na't marami pang mga pagpapakilalang magaganap. Pumwesto siya sa likod ng puno. He unzipped his pants. He shivered. Animo'y isang pagsirit na mula sa isang hose ng tubig ang nadinig matapos ng isang segundo. He whistled a lively tune as relief cascaded in his body. Nagpalinga-linga siya at saglit na itinaas ang tingin. Binawi niya ang tingin, isasarado na sana ang zipper ng biglang mapatigil. Ibinalik niya ang tingin sa taas. Nagpalabas siya ng isang impit na sigaw sa maputing batang kapre na nakatunghay pababa sa kanya! *********************************** MATINIS NA NAPASIGAW SI SANDY, yung mas masahol pa sa tili ni Moaning Myrtle, sa kabiglaaan ay halos hindi na niya alam na nai-slide ng reflex niya ang isang hita. Kanina, halos matutop niya ang bibig sa nasaksihan, napagdesisyunan niyang huwag ng sumigaw at hayaan na lang ang pananamantala ng estrangherong iyon sa pinakamamahal niyang puno, minus pang halos ma-trauma ang inosente niyang mata sa nakita! Halos mahulog siya, ng listo niyang maikapit ang isang kamay sa isang manipis na sanga, naramdaman niya ang animo'y pagtama sa pisngi niya ng isa pang matulis na maliit na sanga, napairing siya at ng hindi na makaya ang bigat ng sariling katawan ay tuluyan na siyang napasigaw. Diretso sa lupa ang puwetan niya! *********************************** Martin NAPATAYO PAHARAP SA KANYA ANG aparisyong iyon, in his horror, titig na titig ang mabibilog na matang iyon at nakabuka parin ang bibig nito na na napadapo sa slacks niya, napatili na naman ito at itinabon ang dalawang kamay sa mga mata! Naningkit ang mata niya at bago pa man mapapitik sa reflex niya na tumalikod ay kasingbilis pa ni Lightning Flash na nakatakbo ang bulto. Nahimasmasan siya at napapalahaw ng isira ang zipper. In his most unspeakable horror, he realized that a disheveled small child in a balloon skirt just dropped from the tree, captured his most embarrassing moment and ran away! "OH, HIJO, HERE YOU ARE-"malaking flash ng ngiti ang isinambulat ng mommy niya sa bungad ng hall, pink and sky blue balloons surrounded the venue. "You came right in time-" Pumainlinlang sa hangin ang pinagsamang violin and cello rendition ng kantang 'She' ni Elvis Costello na pamoso sa pelikulang 'Notting Hill', it wafed through the air, na nagpatigil sa mga taong nakapalibot sa hall na iyon, at hinihimok ang lahat na mapataas ng tingin sa nakasentrong mataas na hagdan. Naitigil ni Martin ang balisang pagsuri sa paligid at naitaas narin ang tingin. Lumuwa sa hagdan na iyon ang isang mukha. Si Belle. "I...KINDA SEARCHED FOR YOU IN THIS new Friendster thing, but I didn't find you. I never thought you were this handsome..." lumakbay ang tinging iyon ng dalagita sa kanya and he was caught off-guard. Nagpakawala siya ng isang masiglang tawa habang animo'y nagsla-slide sila sa ma-espasyong sahig. Nasulyapan niya ang mommy niyang todo snap ng litrato nila, his mom was a fashion photographer by profession, siguro't kaya't hangang-hanga ito kay Belle na isang modelo. Panay kuwento ito sa kanya. And he must admit, Belle was really, really lovely. Kumikinang ang kaputian nito, she possessed a very sweet and finely chiseled face, at flawless ang complexion nito. "I'm surprised seeing how beautiful you are too, in person..." bitiw niya, "My mom always talks about you..." "Oh, si tita?" napangiti ito. "Napakabait ng pamilya mo, I mean, our family could be in rags now, thanks to your father. Your mother is the sweetest thing too, she likes to photograph me." "Because, your worth capturing..." he said it with sincerity. They ended up staring at each other. May biglang pumitik sa bumbunan niya. "Wa-wait, do you happen to have a little sister?" Napakunot ang dalaga, animo'y may nalasahang mapait sa biglang pagpapalit niya ng topic. "W-why did you ask?" Napatanga siya, hindi rin alam ang isasagot. Biglang nag-replay sa kanya ang nangyari kanina. "I do-"mabilis na dagdag ng dalaga, bumawi ng ngiti ulit, "but she's not around, locked somewhere. She's a small brat named Sandy." Hindi na siya muling nagtanong pa, maaaring guni-guni niya lamang iyong kanina, isang bangungot. Teka lang, baka naman na-open niya ng hindi sinasadya ang third eye niya?! ********************************* Sandy NAKATUTOK ANG MGA MATA NILANG iyon ni Toby sa malaking flat screen sa kuwarto nito. Nakaratay sa kama si Toby at may bimpo sa noo nito na hawak niya habang nag re-reflect naman sa makapal na salamin nito ang eksena sa Star Wars. Kanina, lumusot siya sa nakatiwangwang na bakod sa likuran ng bahay ng kaibigan na naka-adjoint lang sa garden nila. "Toby, ganyan ba talaga kayong mga lalaki, umiihi ba talaga kayo sa puno?" Inayos nito ang makapal na salamin at napatutok sa kanya. "Depende. Ako, umihi na ako minsan sa pader ng mural painting ni Moon," anito na tinutukoy ang crush nitong kaklase nila. "Yaks!" panririndi niya. "First place yung mural paint na yun ah! Bakit ginagawa niyo yan? Bakit hindi kayo tumulad samin? Sa C.R naman kami, ako, tumigil ako sa pag-ihi sa garden namin nung Grade Two ako!" "Tumigil ka nun, dahil nakita ka ni kuya! Tinukso ka!" napatawa ito, animo'y walang sakit. Napahatsing itong bigla, sabay ng pag-ekis ng balikat niya sa dibdib. "Umiihi naman ako sa C.R ah, hindi ko lang talaga kaya minsan!" pahabol nito. Naningkit ang mata niya. Sasabihin ba niya sa kaibigan ang karumal-dumal na tagpo sa buhay niya?! "Siyanga pala, Sandy, alam mo ba? May secret akong sasabihin sayo, pero ipangako mong secret lang natin to!" sumigla ang kaibigan, iniwaksi ang mata sa pinapanood nila. Napapostura na lang siya. "Okay, promise," kibit-balikat niya at inilapit ang tenga dito. Nilapit ni Toby ang malulusog na mga kamay nito at may ibinulong. "Na-nanligaw ang ate mo sa kuya ko noong Grade six sila!" mukhang hindi bulong iyon sa lakas ng pagkakasambit ni Toby. Nanlaki ang mata niya. "Ka-kay kuya Tristan?!" maang niya. Mabilis na napatango-tango ang kaibigan at napatayo, may hinablot ito sa likod ng unan nito at ng ipakita sa kanya ay isang lumang stationery. Binuksan niya at sa mangha nga niya ay nakasulat nga ang pangalan ng ate niya matapos ng closing line na 'Lovingly Yours'. Napakapangit ng handwriting sa sulat! "Huwag mo tong ipagkakalat ha! Nagnakaw ako noong isang linggo ng mga VCD tapes sa tokador ni kuya! Sa kagagalaw ko ay may nahulog na isa pang box sa taas ng tokador, bukod sa X-rated-"namutla ito sa nasambit, at napakamot ng ulo, "Ah wala! Basta! Nakita ko yan! Hoy Sandy, pagagalitan talaga ako ni kuya nito pag nalaman nun, kaya secret lang ha?" paninigurado nito. Sabay silang nag-apir. SIMULA NGA NG GABING iyon, marami ng nagbago kinalaunan. Ilang araw ng i-anunsiyo ni Belle ang paghingi ni Miguel ng numero dito, natuwa ang ama sa pagkakamabutihan ng dalawa. Hindi na nakita ni Sandy si Martin dahil matapos ng gabi ng debut na iyon, lumuwas na ulit si Martin patungong Amerika. Naghintay pa ang ate niya ng dalawang taon bago tuluyang grumadweyt si Martin sa kurso nito doon, at ng makabalik ito ulit sa Pilipinas, doon na tuluyang nagkamabutihan ang dalawa. Full-time model na rin si Belle nung mga panahong sinagot na nito si Martin. Naging abala narin sila ni Toby sa pag-aaral, at nalimutan narin niya ang sulat na nadiskubre nila ng bestfriend niya isang gabi. Sa halip, pinuno ang oras niya ng pang-aabog sa mga manliligaw niya at ang pagkawili sa sports. Bukod sa captain siya sa baseball team nila ay iilang medalya narin ang naiuwi niya sa taekwondo. Sportsbuff rin ang ama nila kaya't sinusuportahan narin siya sa mga gusto niya, ang tanging ipinag-aalala lang komo nito ay wala daw itong tagapagmanang lalaki na magma-manage ng kompanya. Buti na lang, mukhang mamanugangin nito si Martin. Nang ipakilala ng ate Belle niya ang naririnig niyang Martin Palanca na kasintahan na nga nito, at ng iprisinta ito sa isang family dinner, ay muntik na niyang maibuga ang tubig na lulon niya noon. Klarong-klaro pa sa memorya niya ang mukha ng lalaki, at kung anong idinungis nito sa inosente niyang mata, isang gabi sa punong mangga! After how many years... ********************************* "TOBY NAMAN!" NAKABUSANGOT NA sinaksak-saksak ng tinidor ni Sandy ang leche flan na nakahain sa table ng canteen nila. "Wala akong escort sa Senior's ball na yan dahil ang akala ko partners tayo!" "Sandy naman, intindihin mo na matagal ko ng gusto si Moon. Sino bang mag-aaakala na lalapitan niya ko kanina?!" Sa paglipas ng tatlong taon ay malaki na ang ipinagbago ni Toby, payat na payat na ito. "Yeah, yeah, whatever!" irap niya, Sandy's feminine features has boosted too pero nanatili parin ang kaliksihan at kaastigan nito dahil narin sa pagkawili sa sports, she had this angsty rather than gentle demeanor. "Piktyuran mo na lang ang sarili mo kasama si Moon!" "Sandy naman..." kamot ni Toby sa batok nito. "No, this is fine. Hindi ko naman talaga gusto ang um-attend sa ball, I don't have this thing for fancy stuffs," kibit-balikat niya. "Pero sinabi mong hindi ka rin magde-debut, kaya ka mag se-Senior's ball hindi ba? Look-"ayos nito ng salamin, "Kontakin ko kaya si kuya mula Cebu, hindi naman yun busy sa farm niya dun!" She blew the wisps if her hair in reply, nag-iisip kung papayag... On the other hand ang ate ni Sandy na si Belle... "Martin, CAN I ASK YOU a favor? Could you give a bit of your time to escort my little sweet sister in her ball? Kawawa, walang partner!" The voice call radiated in Martin's room. Napakunot siya. "Puh-leeaase?" pahabol ni Belle na kasintahan niya. Ibinaba ni Lucas ang binabasang business book, it was a rather weird request. Well, anyway, why not for his future sister-in-law?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD