Continuation... MARTIN Patuloy ang panonood niya sa CCTV ng biglang mag ring ang telepono niya. It’s an international call and he immediately picked it up. Si Toby iyon, mabilis lang ang tawag ngunit sapat na upang magpabilis ng t***k ng dibdib niya. Halos manindig naman ang balahibo niya sa sunod na nakita sa CCTV. Hindi lamang isa ngunit hanggang tatlong plastic bag ang inililibing ni Miles sa hardin. May namumuong kutob sa dibdib niya ngunit ayaw na niya iyong isipin. Agad niyang tinawagan ang imbestigador upang gumawa ng aksyon. Ipapahalughog niya sa pulisya ang buong bahay ngayon. Kalahating oras lang ay napapaligiran na ng mga pulis ang bahay nila, humihiyaw si Miles nang pagbuksan ang pinto. Nakita ang iilang buhok at tuyong dugo sa banyo nito. Hindi

