Continuation… MALUPIT ANG TADHANA para sa iilan na tulad niya, tagaktak ang pawis, hapo ang pangangatawan at kumakalam ang sikmura sa bawat araw na nagdaan, tiniis niya ‘yun bilang bata ni Oscar, ang pinuno ng napasukan nilang sindikato at naglalaki ng ipinagbabawal na droga. Blood Diamond, yun ang pangalan ng noo’y organisasyon ni Oscar. Ginamit silang mga transporter at mensahero, maging tagapaghatid ng materyal, may nakabantay at naka-antabay sa bawat galaw kanila. Hindi naman nga talaga kahina-hinala kung silang mga musmos lang ang naglalakad sa daan, hindi sila paghihinalaan. Ngunit minsan ay malupit ang panahon, may isang buwan lang simula ng madakip si Choi. Nasa kulungan ito dahil nahulihan ito habang dala-dala ang shabu. Ngayon, ang may labing-apat n

