Chapter 8 Game Jenan's POV Naramdaman kong gumapang ang labi niya mula tenga ko pababa kaya pinigilan ko siya at inilayo ang ulo niya sa akin. "Subukan mo lang na gapangin ako...putol talaga 'yang," pagbabanta ko sabay tingin sa nakaumbok sa pantalon niya. "Alaga mo,"dagdag ko. Napataas ang kilay niya sa sinabi ko at kalaunan ay sumilay ang isang nakakalokong ngisi sa kanyang mga labi, na tila ba hindi man lang siya natinag sa sinabi ko. "Jenan, babae ang siyang gumagapang sa akin," pagmamayabang niyang turan. Wow. Talaga lang ha? "Tama nga ang PAG-ASA ngayon dadating ang bagyo, malakas na hangin nga lang 'yong nauna kesa sa ulan," sabi ko sa kanya. Napatawa naman siya habang napapailing-iling na binubuksan ang pintuan ng silid niya. Pumasok ako’t ganon din siya. Umupo ako sa g

