Chapter 10 : Trouble Jenan's POV Nakatitig lamang ako sa mukha niya habang nakalaglag ang panga. Is he really asking me to be his freaking girlfriend? For real? But wait! Parang may mali! "Gusto m-mo lang a-kong maging girlfriend kasi gusto mo akong mahalikan!" sabi ko nang nauutal. Nakita ko ang unti-unting pagsilay ng ngisi sa kanyang mga labi bago siya napatawa nang bahagya. “I almost got you there. Akala ko talaga papayag ka na, saying,” sabi niya habang umiiling. Pagkatapos ay umalis siya sa harapan ko’t naupo na lamang sa upuan bago nilantakan ang mga pancakes. Napabuntong-hininga na lang ako habang nakatingin sa kanya. He’s really different today. Although I know that he’s merely playing with my feelings pero hindi siya ganon umatake eh. Nag-iba na naman ba ang strategy niya

