Kynne's POV
6:00 am
tuduttt zzzzz tudutt zzzzzz
tuduttt zzzzz tudutt zzzzzz
tuduttt zzzzz tudutt zzzzzz
(again alarm clock po yan →_→)
tuduttt zzzzz tudutt zzzzzz
tuduttt zzzzz tudutt zzzzzz
tuduttt zzzzz tudutt zzzzzz
Psssh andito nanaman po ako sa pagharap ko sa pang araw araw kong pagsubok during school days. ANG GUMISING NG MAAGA.
"Bessssssstttttttttttttttttttt gising naaaaaa"
at nandito nanaman po ang bestfriend kong may built in megaphone
"bilis na bumangon ka na jan para di tayo malate. First day of school kaya dapat lang maaga tayo para the rest of the school year di tayo late." sabi nya ng may pakumpas kumpas pa sa kamay
yong totoo nag bebeat ba tong bestfriend ko ng lupang hinirang ngayon?
psshhh "san mo naman nakuha yang ideyang yan?" ako
"hmmmmmm rinig ko sa mga matatanda"
Bumangon na ko at tumungo na sa banyo "wait for me downstairs" i said before closing the door .
****
Bhebs's POV
Pababa na ko ng hagdan ng magring ang phone ko
"hello tita" sagot ko sa mom ni Kynne
"ikaw na bahala kay Kynne sa school ha Bhebs , alam mo naman ang sitwasyon ngayon nyang bestfriend mo"
"yes tita , worry not I'm always here for her"
"thanks dear, bye for now"
"alright tita bye"
"Si Clarisse ba yun apo?" tukoy ni lola sa mom ni Kynne
"Opo la"
"Asan na si Kynne? baka malate na kayo sa pasok nyo"
"pababa na po yun la, pinuntahan ko na bago ako bumaba"
"o sya sige tulungan mo nalang ako sa kusina muna at malapit ng maluto ang niluluto ko"
"sige po"
pancake, bacon and egg na yung nakahain sa mesa
"ano pa po ang niluluto nyo la?"
"steamed crab, alam mo namang paborito ni Kynne yun, di kasi sya naghapunan kagabi".
*****
Kynne's POV
"Goodmorning yaya , hi best"
bati ko ng madatnan ko sila sa dining table
napanganga silang pareho ng makita ako .
"anyare sayo? ba't ganyang hitsura mo?"
sabi sakin ni best habang tinitingnan ako mula ulo hanggang paa.
"bakit? masama na bang magchange ng taste sa looks ko?"
naka jeans kasi ako at hello kitty white shirt, with nerdy fashion eye glass big enough to cover my almost healed wound on my forehead, with side bangs.
"Ito ang pormang nababagay na sakin kaya wag mo ng icriticise"
after kumain hinatid na kami sa school ng bagong driver namin na tatay ng katulong namin sa manila. Mabait si tatay Rubin at palabiro.
Pagpasok namin sa school , kahit na galing kami ng manila at sa isang sikat ding school, di namin naiwasang mamangha din sa laki at gara ng new school namin, kompleto sa hi-tech facilities from the computerize gate, up to the school buildings.
"wow to the highest level best"
sabi ni Bhebs while lookin around the school campus
"well it's more than on what I expected it would be best, sulit din naman pala ang transfer natin" sabi ko.
On our way to our assigned room sa first subject namin i noticed that napapatingin samin ang mga studyanteng madadaanan namin. Well im aware na maganda kami ng bestfriend ko, well rephrase that sobrang ganda infact ,,,,
NOON.
Dahil NGAYON SYA nalang. ;(
Bhebs's POV
Pinagtitinginan kami ni best habang naglalakad sa hallway ng new school namin. Well di na ako nagtataka , kasama ko lang naman ang dyosa ng kagandahan na sa mga panahong ito ay di na sya aware.
"Sino kaya ang mga yan?"
"Ewan baka transferee di naka uniform eh"
"imposible namang freshmen sila, kasi mukhang ka age lang natin"
"ang ganda nung naka dress, pero ang kasama mukhang engot na ewan"
"maganda? san banda?"
yan ang naririnig kong bulong bulongan sa tabi tabi na malamang sa malamang patungkol samin.
"tsk tsk best nakakairita" sabi ko
"practice the art of letting go best, PASOK SA ISANG TENGA AT LABAS SA KABILA" sabi nya habang deretso lang ang tingin sa dinaraanan namin .
"sabi ko nga" at nagpatuloy na kami papuntang classroom namin since may pamplet namang binigay samin kong saan andun ang dereksyon papunta sa iba't ibang buildings ng school.
*****
Kynne's POV
Pumasok na kami agad ng makita namin ang room ng 4th year Einstein Class. 1st section ng 4th year.
Marami ng nasa loob ng pumasok kami. Yung upuan nalang sa may likod ang may mga vacant seats. Pinili namin ni best yung sa may pinaka dulo near the window.
Dahil sa busy yung mga new classmates namin sa pakikipag kamustahan di nila kami napansin hanggang sa makaupo na kami ng may magsalita
"Ahemm Goodmorning class"
napatingin ako ng diretso sa nagsalita, and to my surprise he's a very handsome young man wearing a yellow polo shirt and black fitted slacks pants, bigla namang nakuha nya ang attention ng buong klase .
"I am Mr. Johanne Ty your English teacher. And since it's our first day of classes , you may introduce yourselves first infront. Okay miss" turo nya dun sa girl sa unahan "let's starts with you"
"ang gwapo ni sir yaaaaaaay"
"grabeee nakaka inlove ang mata"
"gaganahan na kong pumasok araw araw nito"
mga reaction ng classmates naming babae. Si sir naman parang wala lang narinig.
Hi im Ellah Sison , i know you know me because i know you already too sabay smile.
tawanan naman mga classmates namin.
"Cris Lu here , hello classmates."
At isa isa na ngang nagpakilala ang mga classmates namin .
"ang ganda ganda nya parin"
"the best parin porma nya pang model parin"
"crush na crush ko talaga yan"
"super chix pare"
napatingin ako dun sa babaeng naglalakad papuntang front tulad namin di rin sya naka uniform at ang ganda nya .
"Hi im Genielle Loise Grey your school campus muse since freshmen" sabay beauty queen wave and smile.
napansin kong tumaas ang kilay ni best. Kaya napasmile nalang ako sa reaction nya.
"next" narinig kong sabi ni sir, nagmartsa na papuntang unahan si best.
"wow bagong chix dre "
"bago? ngayon ko lang nakita"
rinig kong sabi sabi sa unahan
"Hello Im Bhebs Moreno, transferee from Northwest Academy, Manila 16 years of age."
"So ikaw pala ang isa sa dalawang transferee ng Einstein section this year" sir
"yes sir"
pagkaupo ni best sa tabi ko , it's my turn now so naglakad na ko papuntang unahan.
*****
Bhebs's POV
tinitingnan ko si best walking gracefully papuntang unahan , kahit anong pagbabago pa ang gagawin nya sa sarili nya, ang kanyang naturalisa ay di parin maitatago malakas parin ang dating.
"bago rin ba yang nerdy na yan?"
"so plain and baduy naman nya"
"ganda na sana ng lakad, waley lang sa porma at face value"
haaaays kong alam nyo lang, baka kainin nyo yang pinagsasabi nyo, sabi ko sa sarili ko
"Pinkynne Xye Meyer Lopez here , 16 transferee from Northwest Academy."
"Nice to s...."
sabi ni sir
ng biglang bumukas ang pinto,
lahat napalingon dun...