NAKABUO na ng desisyon si Belle. Pinili niyang manatili na lang sa Maynila para mas malapit siya sa kanyang pamilya. After all, feeling naman niya ay okay na siya. Mali siya ng akala na mapuputol na talaga ang relasyon nila ni Jace. Ang kailangan lang naman pala niya ay mag-reach out rito. Sapat na kay Belle ang magkaroon ng communication sa lalaki. Masaya na siya roon. Kagaya man ng relasyon nila noon na wala pa rin na kasiguraduhan, okay na siya sa isiping hindi pa rin naman siya nito iiwan. He was not there physically, yes. But he made her feel that he can always be there for her... "How was the day?" Pagkauwi pa lang ni Belle ay tanong na kaagad sa kanya ni Jace. Tumawag ito sa kanya. Ina-update rin naman ni Belle si Jace sa buhay niya. Kagaya nga ngayon. Alam ni Jace na

