CHAPTER TEN

2400 Words
“OH MY, GOD! Totoo ba? Apat na taon lang ang nakalipas pero biglang kayo na? Ang layo ng Canada sa Australia, ha! Paano nangyari iyon?” Naiiling pero nangingiti kong sabi kina Samantha at Rupert nang magkita-kita kami sa isang kilalang coffee shop dito sa Pilipinas. Nagtataka talaga ako kung bakit sabay ang date ng pag-uwi ng dalawa kong kaibigan na ito, iyon naman pala ay sasabihin nilang sila na. Dalawang taon na raw ang kanilang relasyon. Bago umuwi si Samantha ay may sinabi ito sa akin na surprise at ito na pala iyon. Well, mukha naman silang masaya at in love na in love sa isa’t isa. Nakikita ko iyon sa mukha nila at sa way na magtinginan silang dalawa. Naisip ko tuloy ngayon na baka phase lang ang nangyari noon kay Rupert kaya nagkagusto siya sa akin. Si Samantha lang pala ang magiging way para maging straight ito, e. “Iyan ang nagagawa ng power ng internet, Jak!” sagot ni Samantha. “At paglandi!” Mabilis niyang dugtong na ikinatawa ko. “Oo na! Naniniwala na ako na kayo na nga. Nawindang lang talaga ako sa mga pangyayari dahil noong high school tayo ay hindi ko man lang naramdaman na mangyayari ito. Pero, I’m happy for you, guys… And I missed you a lot!” “We missed you too, Jak. Kaya nga kahit kaka-graduate lang namin ay dumiretso na kami dito just to see you… Look at you, ang laki na ng pinagbago mo. May pabalbas ka na ring nalalaman, ha!” ani Rupert. Hinimas ko ang mumunting balahibo sa aking baba at ngumiti. “Mabuti pa nga kayo at graduate na. Ako, isang taon pa ang gugugulin ko sa engineering course ko. Mahirap pero kaya ko naman at nag-e-enjoy naman ako.” “Good for you! Don’t worry, sa graduation mo ay uuwi ulit kami ni Rupert,” ani Samantha. “Aba! Dapat lang, `no! Hindi pwedeng wala kayo sa graduation ko next year!” “Eh, kumusta naman ang puso mo? I mean… si… si…” Napatawa ako nang hindi maituloy ni Rupert ang sasabihin niya. “Si Marco…” Ako na ang nagtuloy para sa kanya. “Yes. Siya nga. Okay lang ba na magkwento ka about him? Ano na ang nangyari sa inyo after mong malaman na siya pala ang killer na pumatay sa daddy mo noon?” “Hon, hindi mo dapat tinatanong si Jak ng ganiyang questions! Baka hindi pa siya ready na magkwento sa atin,” sita ni Samantha sa boyfriend nito. “No, Samantha. Okay lang. Besides, four years ago na rin naman ang nakakalipas. `Ayon nga, na-ospital ako dahil nadaplisan ng bala ng baril ang ulo ko. Mabuti na lang at inawat ako noon ni Marco. Kung hindi, hindi niyo na ako kaharap dito. Baka namatay na ako!” Bahagya pa akong natawa sabay higop sa kape at ipinagpatuloy ang pagsasalita. “One month akong coma at nang magising ako ay umalis na daw si Marco sa apartment. Hindi ko na lang sinabi kay Mama Chang ang totoo… Ang sabi ko na lang ay aksidente kong nakalabit ang baril. At hanggang ngayon ay hindi na nagpakita pa si Marco sa akin. Siguro, nahiya na rin siya dahil alam ko na ang totoo… na siya ang pumatay kay daddy. Pero, may tanong lang ako. Bakit niya ginawa iyon? Ano ang ginawa ng daddy ko para gawin niya iyon?” “What if, magkita kayong bigla ni Marco?” tanong ni Samantha. “To be honest, hindi ko alam kung ano ang magiging reaksiyon ko kapag nag-krus ulit ang landas namin… Pero, hindi na naman ako galit sa kanya.” Hanggang ngayon kasi ay malinaw pa rin ang sinabi sa akin ng daddy ko sa aking panaginip o kung panaginip man talaga iyon. Hindi ko alam. Bigla akong napatingin ng walang dahilan sa labas ng coffee shop. Natigilan ako bigla nang may makita akong babae na nakatayo sa kabilang side ng kalsada. Parang naghihintay ito ng masasakyan roon. Medyo malayo ang babae pero hindi ako pwedeng magkamali. Kilala ko ang babaeng iyon! “M-mommy…” Kusang lumabas iyon sa bibig ko habang nakatulalang nakatingin sa babae. “Ha? Anong mommy?” Nagtatakang tanong ni Rupert. “S-si mommy…” sabi ko sabay tayo. “Guys, wait lang, ha!” “Jak, saan ka pupunta—“ “Basta!” At nagmamadali na lumabas ako ng coffee shop. Mabilis akong tumawid sa kabilang side ng kalsada at nilapitan ang babae. Rumehistro ang gulat sa mukha niya nang makita niya ako. Alam kong pamilyar sa kanya ang mukha ko. Siguro naman ay nakikilala niya pa rin ako kahit twelve years na kaming hindi nagkikita. “Mommy… Ako ito. Si Jak…” Nabasag ang boses ko dahil napapaiyak na ako. Tumanda nang bahagya ang mukha ni mommy pero alam kong siya iyon. Sa bihis ng damit niya ay nakikita ko na simple na lang ang pamumuhay na meron siya. “J-jak? Anak?” Nangingilid ang luha na turan niya. Tumango ako sabay ng paglaglag ng mga luha namin. Agad niya akong ikinulong sa mga bisig niya. After ng maraming taon ay muli kong naramdaman ang mainit niyang yakap. Na-miss ko ito. Kahit naman bigla na lang siyang nawala noon sa hindi malaman na dahilan ay hindi naman ako nagtanim ng sama ng loob sa kanya. Hindi ko naman kasi alam ang reason niya kung bakit niya iyon ginawa kaya wala akong karapatan na husgahan siya. Isa pa, nanay ko siya. Siya ang nagluwal at nagbigay ng buhay sa akin. “Bakit ngayon ka lang nagpakita, mommy? Miss na miss na po kita, e! Si daddy, wala na po siya… Iniwan na tayo…” Parang bata na nagsusumbong na sabi ko. Bahagya siyang lumayo sa akin para alisin ang luha sa mukha ko. Dinala ko siya sa loob ng coffee shop para magkausap kami ng maayos. Ipinakilala ko sa kanya sina Samantha at Rupert. Nagpaalam na rin silang dalawa para daw makapag-usap kami ng maayos na mag-ina. Pagkaupo naming dalawa ay agad ko siyang tinanong ng tanong na matagal nang gumugulo sa isip ko. “Mommy, bakit ka ba nawala? Bakit bigla mo na lang kaming iniwan?” Sandali siyang natahimik na para bang nag-iipon ng lakas ng loob para magsalita. “Anak, siguro ay dapat mo na itong malaman… Malaki ka na at alam kong mauunawaan mo na ako. Sana ay maunawaan mo ako…” Naiiyak nitong sabi. Pagkasabi niya no’n ay inihanda ko na agad ang aking sarili sa mga sasabihin niya. Ipinangako ko sa aking sarili na tatanggapin ko pa rin siya kahit anuman ang dahilan niya. “Bata ka pa noon kaya siguro hindi mo napapansin na hindi kami okay ng daddy mo. Six years old ka pa lang nang mahuli ko siya na may ibang babae. Dahil doon ay nagkaroon na ng lamat ang relasyon namin. Nagsasama na lang kami dahil sa’yo… Ikaw na lang ang naging dahilan ko para kumapit. Umabot sa punto na sinasaktan na niya ako ng pisikal kapag pinipigilan ko siyang makipagkita sa babae niya. Nakilala ko si Mario… Umibig ako sa kanya. Gusto na naming magsama ni Mario pero hindi pwede dahil sa daddy mo. Umabot sa punto na… nagdesisyon akong ipapatay ang daddy mo, Jak!” Naiyak muli sa mommy at isinubsob niya ang kanyang mukha sa dalawang palad. “Pinagsisisihan ko na ang desisyon kong iyon! Dapat ay umalis na lang kami ni Mario! Sana ay hindi ko na lang siya pinapatay…” “Ikaw ang utak sa pagpatay kay daddy?” Wala nang luha na lumabas sa mata ko. Sobrang nashock lang ako sa nalaman ko. Sarili kong ina ang utak sa pagpatay sa daddy ko? “Patawarin mo ako, Jak… Napaka-bayolente kasi ng daddy mo sa akin noon. Sinasaktan niya ako samantalang siya itong naunang nagtaksil. Iyon na lang ang paraang alam ko para matakasan siya. Pinapatay ko siya kay Mario…” “Mario? H-hindi si Marco ang pumatay kay daddy?” “Kilala mo si Marco?” “Kilala niyo si Marco?” Nagtatakang ibinalik ko ang tanong niya. “Si Marco ay ang nag-iisang anak ni Mario sa una nitong asawa… At hindi si Marco ang pumatay sa daddy mo kundi si Mario. Mahigit apat na taon na rin ang nakakalipas nang mamatay si Mario. Natamaan ito ng ligaw na bala habang naglalakad ito…” Sa pagkikitang iyon namin ng mommy ko ay para akong pinasabugan ng bomba at nagkalasog-lasog ang katawan ko. Nagkapira-piraso. Kung totoo ang sinasabi ni mommy, isa lang ang ibig sabihin no’n… Hindi si Marco ang pumatay kay daddy. Pero bakit siya may tattoo ng katulad ng pumatay kay daddy? At bakit nito sinabi sa kanya na ito nga ang killer na hinahanap ko? Naghiwalay kami ni mommy ng araw na iyon nang maayos. Gaya nang ipinangako ko sa sarili ko ay tatanggapin ko ang anumang sasabihin niya. Ayoko na ng problema. Gusto ko nang mabuhay nang tahimik at hindi komplikado. Gusto ko sana na sa bahay na lang tumira si mommy pero tumanggi siya. May anak kasi sila ni Mario at kuntento na raw siya sa buhay niya ngayon. Pwede pa naman daw kaming magkita kaya nagpalitan na lang kami ng cellphone number. Inalam ko rin sa kanya kung saan nakalibing si Mario dahil gusto kong dalawin ito. Gusto ko siyang puntahan para patawarin dahil ang sabi ni mommy ay maging ito ay pinagsisisihan ang pagpatay kay daddy. Aalisin ko na lahat ng galit at mga negatibong bagay sa puso ko at sisimulan ko iyon sa pagpapatawad. Isang bagay lang ang gusto kong mangyari sa ngayon… Ang muling makita si Marco. NANG sumunod na araw ay pumunta ako sa sementeryo kung saan nakalibing si Mario. Nagdala ako ng isang dosenang white rose. Ipinagtanong ko sa tao na nasa sementeryo kung saan nakalibing si Mario Servando at itinuro naman niya iyon sa akin. Habang naglalakad ako palapit sa puntod na pupuntahan ko ay biglang bumilis ang t***k ng aking puso nang may makita akong lalaki na nakatayo sa puntod na pupuntahan ko. “M-marco…” Sigurado ako. Si Marco iyon. Nanginig ang buong katawan ko. Hindi ko alam kung lalapitan ko ba siya o aalis na lang. Pero, `di ba, ito ang gusto kong mangyari? Ang magkita kaming muli. Bakit ako aalis? Paano kung hindi na ulit kami magkita? Tama. Lalapitan ko siya. At marahan akong naglakad papunta sa kanya. Ngunit hindi pa man ako nakakalapit sa kanya nang bigla siyang humarap sa akin at nagulat siya nang makita ako. Napatigil tuloy ako sa paglalakad at pinagmasdan ko na lang ang mukha niya. Apat na taon na hindi ko nasilayan ang mukhang iyon… s**t! Na-miss ko siya! Gusto ko siyang sugurin ng yakap tapos halikan sa labi! “J-jak? A-anong ginagawa mo dito?” Hindi makapaniwalang tanong niya. Naglakad na ulit ako papunta sa puntod at inilagay sa tabi ng lapida ang bulaklak na dala ko. “Pinupuntahan ko ang taong pumatay kay daddy para sabihin na pinapatawad ko na siya…” tugon ko. “Marco, bakit ka nagsinungaling sa akin? Nagkita kami ni mommy at sinabi niyang hindi ikaw ang pumatay kay daddy. Bakit, Marco?” “Jak…” Para bang nakikiusap siya na kung maaari ay huwag na niyang sagutin ang tanong ko. “`Wag kang puro Jak, Marco. Sagutin mo ang tanong ko at ipaliwanag mo kung bakit may tattoo ka na katulad ng sa taong pumatay kay daddy?” Sandaling natahimik muna si Marco bago ito nagsalita. “Tama ang sinabi ng mommy mo. Ang mommy mo at ang tatay ko ay may relasyon noon. At si tatay ang pumatay sa daddy mo. Four years ago, namatay si tatay. At para maramdaman kong buhay siya sa katawan ko ay pina-tattoo ko sa likod ko ang tattoo na meron siya. Hindi ko na lang sinabi sa iyo noon na nagpa-tattoo ako dahil hindi naman iyon big deal… Ilang buwan na siguro ang relasyon natin nang magpalagay ako ng tattoo.” Ah, kaya pala. Ngayon ko lang nalaman na kaya pala wala siyang tattoo sa likod nang makita ko siyang nakahubad… Nagpatuloy si Marco sa pagsasalita. “Sinabi ko rin sa’yo na ako ang pumatay sa daddy mo dahil ayokong kamuhian mo si tatay dahil patay na siya. Ayokong wala na nga siya ay may taong galit na galit pa rin sa kanya. Nalaman ko na siya ang pumatay sa daddy mo dahil siya lang naman ang alam kong may tattoo no’ng katulad ng sinasabi mo. Jak, patawarin mo ako kung nagsinungaling ako sa’yo. Patawarin mo ako kung ipinagkait ko sa’yo ang katotohanan at patawarin mo ako kung nawala na lang ako bigla. Hindi ko na kasi alam kung paano ka haharapin oras na magising ka at—“ Hindi ko na siya pinatapos sa pagsasalita. Kinabig ko siya sa kanyang batok at hinalikan ang kanyang labi. Sabik na sabik na sinakop ng bibig ko ang bibig niya. Kapwa kami napapikit at nilasap ang tamis ng halik na iyon. Nang maghiwalay ang aming mga labi ay kapwa kami hinihingal. “Anong ibig sabihin no’n, Jak?” tanong niya. “Na mahal pa rin kita. Na gusto ko tayo na ulit. Na pinapatawad na kita…” Hindi ko pa rin inaalis ang kamay ko sa batok niya. “Hindi naman tayo nag-break kaya tayo pa rin naman, e. At mahal na mahal pa rin kita, Jak… mahal ko…” Inalis niya ang kamay ko sa batok niya at hinawakan iyon. “Sandali, may ipapakilala nga pala ako sa’yo.” “Ha? Sino?” Nagtatakang tanong ko. Humarap siya sa puntod ng tatay niya at ginaya ko na lang din siya. “Tatay, ito po si Jak… Siya po ang taong mahal ko. Siya po ang taong makakasama ko sa habangbuhay, hanggang sa pagtanda ko, hanggang sa aking huling hininga.” Sumabog ang luha ko sa sinabing iyon ni Marco. Mas hinigpitan ko ang kapit ko sa kamay niya. Hinding-hindi na ako bibitaw sa kanya. Habangbuhay. Hanggang sa aking huling hininga. THE END
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD