DYING INSIDE TO HOLD YOU:BOOK2 MATTHEW & KIERSTENN

1042 Words
Malamig ang umaga para kay Tenten kaya nag-suot siya ng makapal na jacket. Nanginginig pa ito kaya nagpasya siyang bumaba para magkape. Tahimik pa ang paligid kaya alam niyang konti palang ang gising sa villa. Papasok na sana ito sa kitchen ng makita niyang nagtitimpla ng kape si Matthew. Tumigil siya saglit at pinagmasdan niya nito. Napakakisig talaga pero cold blooded naman himutok niya sa kanyang ìsipan. Biglang humarap sa kanya ang binata. Napapitlag ang dalaga. "Hey...para ka nang nakakita ng multo diyan...katakot takot ba ang mukha ko?" wika ng binata sa kanya. Namula ang dalaga at pilit ngumiti. "Ahhmm...nagulat lang ako" natatarantang sagot ng dalaga. "Halika magkape kana para mahismasmasan ka" tugon ng binata sa kanya kaya agad siyang lumapit dito. "Umupo ka na ipagtitimpla kita" patuloy nito. Agad siyang umupo at pinagmasdan niya ang binata. Nakikilig siya na naeexcite dahil for the first time ay pinagtimpla siya ng binata. Nilapag ni Matthew sa kanyang harapan ang kanyang kape agad siyang humigop para ikubli ang ngiti sa kanyang labi. Umupo din si Matthew paharap sa kanya. Mataman niya itong tinitigan. "Napagod ka siguro sa kambal kaya magugulatin ka na hayaan mo mag off ako ngayon para makahinga ka" ani ng binata. Nginitian niya ito. Napakasaya niya dahil for the first time siyang kinausap ng medyo matagal saka with matching kape pa kaya kinilig siya. Nagkatitigan sila parehas talaga sila ng mata ni Grace.Naasiwa naman si Matthew sa mga matiim na titig ni Tenten. Agad niyang ininom ang kape niya saka nagpaalam sa dalaga. Saka lang nakahinga ng maluwag si Matthew ng makalayo siya kay Tenten. Hindi niya maintindihan ang nararamdaman kung bakit tumitig din siya kanina sa mga mata ng dalaga pareho kasi sila ng mata ni Grace. Nangungulila na naman ba siya dito kaya nakikita niya si Grace kay Tenten? Umiling iling siya at lumabas ng villa saka tinungo ang mini gym. Nag-iinit parin ang pisngi ni Tenten dahil sa pareho silang nagkatitigan napapikit pikit pa siya sa kilig na nararamdaman. Gosh!! demanding na kung demanding pero i want that man!! Hiyaw ng kanyang isipan. "Hmmm..kailan ka pa naging day dreamer Ten?" Untag sa kanya ni Grace na di niya namalayang pumasok sa dining room. Gulat siyang napamulat saka nagblush. "Uy hindi ah..may naalala lang ako" todo tanggi niya. Ngumiti si Grace saka humigop ng kape. "Bat ka nagblush aber?" Panuksong tanong nito sa kanya. Plastik siyang tumawa. "Ako? hindi ahhh.." kaila parin niya kay Grace. "Okay sinabi mo eh" tugon nito at nagkibit balikat si Grace. Iniwan niya ito para makaiwas siya panunukso ng pinsan. Nakita niyang kalong kalong ni Nathan ang kambal habang bumababa ito. Binati niya ang magkambal at sabay silang naggudmorning sa kanya. Kukunin niya sana si Zia ng kumapit ito ng mahigpit sa ama. Natawa si Nathan sa ginawa ni Zia. "Hayaan mo na kanina pa may sumpong kunin mo nalang siya kapag paalis na kami" baling sa kanya ni Nathan tumango siya at nagtungo sa labas. Nagmumuni muni siya ng makita niya si Matt sa mini gym walang damit pawis na pawis ito habang nag eexercise. Napalunok siya at napa oh! my sa sarili. Napanganga siyang tinitigan ang six pack abs nito. Parang kay sarap haplusin at kay sarap magpayakap sa binata. Nasa ganun siyang posisyon ng biglang lumingon sa kanya si Matthew. Lumaki ang kanyang mata at agad siyang tumalikod habang tutop ang dibdib. Namula siya sa hiya at pagkabigla. "Macho bà ako?" biglang wika ni Matthew sa kanyang likuran. Napasigaw siya sa gulat at hindi niya tinapunan ng tingin ito dahil nahihiya siya. Ngumisi ang binata. "Hey look at me macho ba ako?" Turan ng binata habang nakangiti. Pumikit si Tenten bago humarap agad niyang tinakpan ang makasalanan niyang mga mata. "Wala akong nakikita excuse me!!" Taranta niyang sagot saka dali daling iniwan ang binata. Tawang tawa naman si Matthew sa hitsura ni Tenten. Umiling iling siya at muling nagbalik sa mini gym. Hiyang-hiya ang dalaga sapo niya ang kanyang dibdib at hinihingal siya. Kung hindi lang kasalanan ay hinaplos na niya ang abs ni Matthew kanina pa. "Hay Tenten! nagiging pervert ka na!" pagalit niyang sabi sa kanyang sarili. Pumadyak siya at nagmartsa siya papasok sa loob. "Nangyari sayo?" tanong ni Grace nang makasalubong niya ito. Nagulat pa siya dahil hindi niya ito napansin. "Wala! wala naman," sagot niya at pinilit niyang ngumiti. "Anong wala ka diyan!" tugon ni Grace at tinitigan ang pinsan. "Wala nga! Okay lang ako," wika niya at niluwangan niya ang kanyang ngiti. "Sinabi mo yan ah!" turan ni Grace. Tumango siya at muli niyang nginitian ang pinsan. Kumunot-noo naman si Grace na nakatingin sa kanya. "Parang ang weird mo today," ani ni Grace. "Anong weird? Namamalik- mata ka lang," pagkakaila niya rito. "Hmmm.. bahala ka sinabi mo eh," pagkikibit-balikat ni Grace. "Oo, kaya go na!" sagot ni Tenten. "Sige, 'kaw na bahala sa kambal." patinaod ng kanyang pinsan at lumabas na ito. Nakahinga nang maluwag si Tenten. Muntik na siyang mahuli ni Grace, kapag nagkataon malalagot siya. Naku! ang gaslaw mo kasi girl! bulong niya sa kanyang sarili. Ngunit muli niyang sinilip si Matthew sa mini gym. Naroon pa rin ito at nag-eexercise, pawis-pawis ito. Mas lalong tumingkad ang ganda nang katawan ng binata. Napalunok muli si Tenten halos maglaway na. Kung ito ang sasalo sa kanya kapag nahimatay siya ay kahit di na siya gigising pa ay okay lang. Ang sarap sigurong makulong sa mga bisig nang binata. God! Patawad po pero ang yummy niya kasi! piping usal niya saka pumikit-pikit. Nang mahimasmasan ay tinampal niya ang kanyang noo saka naupo sa sofa. "Hot at macho siya di ba?" mula sa kanyang likuran ay tinig ni Rayver ang kanyang narinig. Napalundag siya sa gulat at pagkapahiya. Pulang-pula ang kanyang mukha at tinakpan niya iyun ng kanyang palad. Nakangisi nama si Rayver habang nakatunghay kay Tenten. Biglang tumayo si Tenten at patakbong umakyat sa hagdanan. Rinig na rinig niya ang malakas na tawa ni Rayver sa baba. Hiyang-hiya sa dahil nabisto siya ng binata. Ano na lang ang sasabihin ni Mattew kapag nalaman niya ang kanyang ginawa. Napasabunot siya sa kanyang buhok at pabagsak na nahiga siya sa kanyang higaan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD