Chapter 1

1045 Words
Kennedy "Good morning," hindi ko na kailangang lingunin pa kung sino ang pumasok sa opisina ko, ang pinsan ko lang naman si Dax ang pumasok. "Not now Dax, I'm busy," walang gana kong turan sa kan'ya nang hindi pa rin ito tinatapunan ng tingin. May nirereview kasi ang proposal para para bagong business partners kung sakali. "Tch! Kailan ka ba hindi naging busy, ha? Labas tayo mamaya," aya nito sa 'kin. Hindi naman na bago 'to at paulit-ulit ko rin naman siyang tinatanggihan. Alam kong pilit niyang sinusubukang mahumaling ako sa ibang babae pero hindi ko 'yon magagawa. Mahal na mahal ko Cheslie, kahit na isang taon na siyang wala ay hindi ko pa rin siya kayang palitan sa puso ko. Magkikita naman kami sa kabilang buhay kaya hihintayin ko na lang ang araw na makasama ko na siya, kung hindi nga lang kasalan sa diyos ang kumitil ng sariling buhay ay matagal ko nang ginawa. "Oh come on, Kenney Salcefuedez. Hanggang kailan mo patutuluin ang laway ng mga babaeng nagkakandarapa sa 'yo? I'm sure, buo-buo na 'yan! Tang*ina active pa ba s*x life mo?" Sa ingay nitong ul*l kong pinsan ay binato ko sa kan'ya ang sign pen ko. "Alam mo, kung wala kang magawa. Puntahan mo 'yong mga laruan mo at do'n ka makipaglaro. Hindi 'yong ako ang pinupurwisiyo mo rito!" taboy ko kan'ya. "Aba! Pinagtatabuyan mo na 'ko pinsan ha! Hind mo na 'ko mahal? Nakalimutan mo na ba'ng sabay tayong nawala ang pagka-VI*G*N, sabay tayong nagp*tul* at baka nga sabay rin tayong nilabasan–" "Tang*na mo! Lumayas ka na dito!" Akmang hahampasin ko na siya ay siyang kumaripas naman ng takbo. 'Takot rin pala tamaan, eh!' Ngunit ang akala ko'y nakaalis na siya ay hindi pa pala nang muli pa siyang sumilip sa pinto. "Pero insan, 'di nga. Sabay ba tayong nilab*s*n noon sa mga chix natin?" "Ta*ng*na ka!" Sabay sarado niya nang pint no'ng binato ko siya. 'Lang 'ya 'yon! Pupunta lang dito para asarin ako.' Tinapos ko na ang lahat nang kailangan kong tapusin dahil nakaramdam na ako nang gutom, pasado alas dose pa pala ng tanghali. Nang lumabas na ako ng opisina ay dinaanan ko na muna ang secretary ko. "John, kumain ka na ba?" tanong ko dahil nado'n pa ito at abala pa rin ito sa kan'yang ginagawa. "Sir, salamat po. Sige lang po, taposin ko lang 'to. Malapit na rin naman po." Mabait itong secratary kong si John, kahit isang taon pa lang ito sa 'kin ay nakita kong masipag ito ah hindi ako nagkaproblema. "Sigurado ka?" "Yes Sir, tsaka do'n po ako bumibili sa bestfriend ko ng lunch kaya hintayin ko na rin ang message niya kung nasa baba na po siya," ani nito kaya napatigil ako. "Really?" Tumango naman ito sa 'kin. "Yes ulit, Sir. Sa katinayan nga po ay sa kan'ya na rin po umu-order ang ibang epleyado rito kaya malaking tulong na po 'yon sa bestfriend ko–" Natutop naman nito agad ang bibig. "Ay hala, Sir...baka magalit po kayo ha! Hindi po pala kami nagpaalam kung puwede siyang magdeliver dito, pero sa baba lang naman po," akala ko naman kung ano. Natawa naman ako nito ka John. "Sige, I have to go for lunch." Nakailang hakbang palang ako nang bigla ko pa ulit itong binalingan. "By the way," ani ko rito. "Sir?" "Sabihan mo sa Bestfriend mo na gusto ko siyang makausap bukas, ganitong oras din." Sabay tumalikod na ako. "Hala bakit kaya." Napangiti ako dahil dinig ko pa ang sinabi ni John. 'Akala niya siguro ay nagalit ko.' Paglabas ko ay na agaw agad ang atensiyon ko ng mga empliyadong naka-break at nagkukumpulan ang mga ito. Lumapit ako sa security guard upang magtanong. "Ahmmn.. Excus me, anong mero'n do'n?" Turo ko sa mga nagkukumpulan. "Ay ikaw pala, Sir Ken. Kumukuha lang po sila nang mga packed lunch na in-order nila do'n. Pati nga po ako ay do'n na rin po bumibili, ito oh," ani nito at pinakita ang pagkaing nakapacked. "Okay, araw-araw ba 'yan dito?" tanong ko. "Opo, pero bago pa lang naman siya. Mga two weeks pa lang po. Maganda nga po't may nagtinda dito kasi bukod sa malayo pa ang bilihan ay mura lang po ang paninda niya at masarap. Lutong bahay talaga Sir, subukan niyo po," alok naman nito securiry guard. Sinipat ko ang wrist watch ko, mukhang matatagalan pa nga ang oras kung aalis pa ako. Naisip ko rin na subukan ang inaalok nito sa 'kin. "Ah, puwede mo ba akong bilhan sa kan'ya?" tanong ko. Nakisuyo na lamang ako. "Sige po, sana ay mero'n pa. Ilan po ba Sir?" Kumuha ako ng five hundred pesos at iniabot ko 'yon kay kuya guard. "Dalawang order lang, tapos sabihin mo keep the changed na lang," ani ko. "Wow, salamat naman kung gano'n, Sir Ken. Matutuwa po nito si Sue," 'yon pala ang pangalan nito. Ang kaibigan ni John. Nagtungo naman na si kuya guard upang bilhan ako nang paninda nito, nagtinginan naman ang mga empleyado sa gawi ko. Malamang sinabi kuya guard na ako ang nagpabili. "Hi Sir, Ken. Naku! Hindi po kayo magsisisi kapag natikman niyo po ang luto nitong si Sue," sigaw naman no'ng isa. Hindi ko naman makita ang mukha ng sinasabi nilang si Sue, dahil natatabunan nila ito at nakayuko. Kumaway lang ako at nginitian sila, maya-maya lang ay bumalik na si kuya guard dala ang mga pinabili ko. "Sir Ken, salamat raw po. Babawi na lang raw po siya bukas." Binigay na nito sa 'kin ang packed lunch na pinabili ko. "Salamat Kuya, maunan na 'ko dahil nagugutom na talaga ako," paalam ko. Bago ako umalis ay tumingin muna ako sa gawi ni Sue, nakangiti ito habang kausap ang isang empleyado. Mukhang masayahin. Nang papasok naman ako ay nakasalubong ko naman si John. "Oh, Sir. Tapos na po kayong maglunch? Ang bilis naman," tanong nito agad. Ako naman ay pinakita ang pagkain dala ko. Tila nagulat naman siya, marahil ay dahil bumili ako nang paninda sa bestfriend nito. "Hala! Bumili pala kayo, Sir. Salamat po," nakakatawa talaga ang reaksiyon nito. "Sige, akyat na 'ko dahil gutom na talaga ako. Bukas ha! Sabihan mo ang kaibigan mo, dont forget." Agad naman na ako bumalik sa office, do'n na lang ako kakain.

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD