Chapter 10

2991 Words

TANIELLA "Kukunin ko si Tamielina at Tristan," nakataas ang kilay nitong sabi. Mariin akong umiling. "T-tita, please, 'wag n'yo po kunin sa 'kin ang dalawa kong kapatid. S-sila na lang po ang mayroon ako." Akma ko itong hahawakan pero lumayo ito sa akin. Para akong may sakit na ayaw niya mahawaan. "Hindi ko sila hahayaan na mapahiya dahil sa uri ng trabaho na pinasok mo, Taniella. Akala ko pa naman matino kang babae. Nagkamali ako ng pagkakakilala sa 'yo." Puno ng pangungutya na pinasadahan niya ako ng tingin mula ulo hanggang paa. "Inosente lang ang mukha mo pero may kalandian ka palang tinatago. Bakit ba ako naniwala sa kapatid ko? Puro na lang kamalasan ang dala mo sa pamilyang ito. Bakit kasi–" Napahinto ito sa pagsasalita. Tila ba nag-alangan pa ito sambitin ang gustong sabihin.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD