TANIELLA Dahan-dahan akong kumalas mula sa pagkakayakap ni Tita Lindsy at kahit nanlalabo ang mata dahil sa luha ay mataman kong tinitigan ang taong humawak sa kamay ko. Kagat ang ibabang labi ay kinurap-kurap ko ang mata ko. Humihikbing dahan-dahan akong humakbang palapit dito. Paglapit ko pa lang sa harap nito ay awtomatikong gumalaw ang isang kamay ko at dumapo sa pisngi nito. Marahan kong hinaplos ang pisngi nito habang titig na titig sa kanyang mukha. Gusto ko kumbinsihin ang sarili ko kung totoo ba ang nakikita ko. Nang hawakan niya ang kamay ko at dalhin sa labi niya para dampian ng halik, saka ko lang nakumbinsi ang sarili na siya nga ang nasa harap ko. "R-Ralphie…" "Yes, tatlim. It's me." Nang magsalita siya ay muling kumawala ang emosyon ko. Humahagulgol na niyakap ko siya

