Chapter 7

3125 Words
TANIELLA Hindi kumilos ang lalaki at nanatili itong nakatayo sa harap ng nakahandusay na lalaki na pilit kumikilos at iniinda ang sakit na natamo sa pagpalo ng baseball bat sa katawan nito. "Give me a valid reason not to end his f*****g life. Kapag nakumbinsi mo ako, sige, pagbibigyan kitang 'wag tapusin ang buhay ng lalaking ito," walang emosyon na sabi ng baritonong boses. Nanatili pa rin siyang nakatalikod sa akin. Napakagat labi ako. Ano nga ba ang magandang rason para hindi niya ituloy ang balak? Hindi ko kasi kayang makita na may mamatay sa harapan ko. Minsan ko ng natunghayan at dalawang mahal ko pa sa buhay ang nawala. "I'll start counting on three." Mukhang seryoso nga siya. "One.." Oh, my! "Teka, sandali." Bigla akong nataranta. Bakit ba napapaligiran ako ng mga bayolenteng tao? "Two…" "Baka may pamilya s'ya." Napangiti ako. Valid naman ang dahilan kong 'yon. Nanlaki ang mata ko ng pinadausdos niya ang baseball bat sa semento dahilan para gumawa ito ng ingay. Bahagya nitong inangat iyon at pumuwesto na parang ihahampas na sa lalaki na ngayon ay nakikiusap nang nakatingin sa akin. Pinapahiwatig ng mga tingin nito na sa akin nakasalalay ang kanyang kaligtasan. Muli kong binalingan ang lalaking nakatayo. Mula sa likod nito ay dumapo ang mata ko sa baseball bat na hawak nito. Kitang-kita ko ang dugo sa katawan ng bat at sigurado akong galing ang dugo na iyon sa lalaking nauna nang bumagsak kanina. "Give him another chance, please. B-baka nagbibiro lang sila kanina. B-baka wala naman talaga silang balak na masama sa 'kin." Nakagat ko ang ibabang labi sa huli kong sinabi. Sa takot ko kanina dahil sa sinabi nila, mukha ba silang nagbibiro? Pagak na tumawa ang lalaki at bahagya itong tumagilid. He also wears a black facemask similar to Boss Rock. I'm sure of one thing, he's not Boss Rock. Kilala ko na ang boses ng lalaking iyon kaya sigurado akong hindi siya ang nasa harap ko. Iba rin ang hubog ng katawan nito sa hubog ni Boss Rock. Mas malapad ang balikat at katawan ni Boss Rock kaysa sa lalaking ito. "So parang sinabi mo rin na binibigyan mo s'ya ng isa pang pagkakataon na saktan ka. I saw them forcing you at hindi ko nakikita na nagbibiro lang sila. Kung wala ako, sa tingin mo ba ay narito ka pa ngayon? Baka nga pinagpyestahan na ng dalawang ito ang katawan mo kung hindi ako dumating." Hindi ako naka-imik. Nasa punto siya. Bakit ko nga ba pinag-aaksayahang iligtas ito sa kamay ng lalaking bagong dating? Mukha pa namang siya ang tipo ng taong hindi marunong makinig. Kahit ano'ng rason ang sabihin ko, tiyak akong itutuloy pa rin niya ang gustong gawin sa lalaki. Sa kanya na rin mismo nanggaling na wala sa bokabularyo niya ang awa. "Three–" "Sandali!" I closed my eyes and covered my ears. Ayoko makita o marinig kung ano ang gagawin niya. Baka hindi ako makatulog. "Done." Napamulat ako ng mata ng marinig ko ang boses malapit sa 'kin. Napaatras ako ng tumambad sa harap ko ang malaking bulto. Nang mag-angat ako ng mukha ay ito ang lalaking kanina lang na nakatayo hindi kalayuan sa akin. Ano'ng nangyari? Ilang segunda pa lang akong nakapikit pero nandito na agad siya sa harap ko? Akma akong sisilip sa likuran nito pero humarang siya kaya muli ko siyang binalingan. "You won't like it when you see it. So if I were you, focus your eyes on me," mahinahong utos niya. Ngayon ko siya nakita ng malapitan kahit mata lang ang nakikita ko. Itim na itim ang kulay ng kanyang mata. Malalago ang kilay na parang sinadyang inukit at sigurado ako, kaaya-ayang mukha ang natatakpan sa likod ng facemask niya. "So, can I know your name?" Nakangiti siya base sa pagliit ng mata niya. "P-po?" Napasabunot ito sa buhok. He stepped closer to me so I stepped back again. "I'm not that old yet. Don't say 'po' to me." He said while keep approaching me. "Pwede ko na ba malaman ang pangalan mo?" Huminto siya ng huminto ako sa pag-atras at tila naghihintay siya ng sagot ko. Nag-aalangan akong ibigay ang pangalan ko. Pero bilang pasasalamat sa pagtulong niya, kailangan ay 'wag ako maging bastos. "Taniella," tipid kong tugon. Pakiramdam ko ay mas lumawak pa ang ngiti niya. "Nice name. Your name suits you, Taniella. So innocent. You're good at dancing too." Natigilan ako sa huli niyang sinabi. Ibig sabihin ay nakita niya ang pagsayaw ko kanina? At nakilala pa niya ako kahit may takip ang ibabang mukha ko. "S-salamat." Tinitigan niya ako. Naasiwa ako kaya nag-iwas na ako ng tingin. Alanganin pa akong muli siyang tingnan para magpaalam. "Babalik na ako sa loob. Baka hinahanap na nila ako." "Sure. I hope we will meet again, Taniella." Alanganin akong ngumiti. Parang ayoko na mag-krus ang landas naming dalawa. Although tinulungan niya ako, wala pa rin akong tiwala sa kanya lalo na at natunghayan ko kung paano niya walang awa na pinalo ng baseball bat ang dalawang lalaki. "Diretso lang ng lakad, Taniella. Don't look back. Ako na ang bahala sa dalawang lalaking ito. Don't let the owner know about it either,"bilin niya. Tumango ako at ngumiti. "Salamat sa pagligtas mo…" Tinitigan ko siya sa paraang gusto ko malaman ang pangalan niya. Pero ilang segundo na ay wala pa rin siyang ibinigay na pangalan sa akin. Mukha misteryoso siyang tao dahil maging pangalan ay ayaw niya sabihin. "Salamat ulit," sabi ko na lamang. Akma akong tatalikod ng hawakan niya ang braso ko kaya napahinto ako sa paghakbang. Mula sa braso ko na hawak niya ay nag-angat ako ng mukha para tingnan siya. Tulad kanina ay mataman lang siyang nakatitig sa akin. "Good thing I came here…" he paused. "Dahil kung hindi ay baka hindi kita makikilala. You're beautiful, yet innocent, Taniella. Sigurado akong magkikita pa tayong dalawa and I'll make it quick," determinado niyang sabi. Ngiti lamang ang naitugon ko at tuluyan na akong pumasok sa loob. Napabuga ako ng hangin habang tinititigan ang sarili sa salamin. Pakiramdam ko ay napakabigat ng gabing ito dahil sunod-sunod ang kamalasan ko. Dalangin ko na sana ay 'wag ng masundan. 'Wag na rin sana muna kami magkita ni Boss Rock dahil dadagdagan lang niya ang bigat ng pakiramdam ko ngayon. Lagi na lang akong nanginginig at kinikilabutan kapag magkaharap kaming dalawa. Napabuntong-hininga ako ng maalala ang nangyari kanina. Mabuti na lang ay may tumulong sa akin at hindi naman pala lahat ng lalaki na narito ay hayok sa laman dahil kung kabilang ang lalaking iyon, baka hindi ako nakaupo ngayon dito sa loob ng dressing room. Pero mahirap pa rin na magtiwala. Wala akong dapat na pagkatiwalaan. "Nandito ka na pala. Saan ka galing, bakla?" bungad na tanong ni Ariane ng pumasok sa dressing room. "Hinahanap ka ni Mamu Luz." Sa narinig ay napanguso ako. Kapag ganitong hinahanap niya ako, tiyak na hindi lang si Mamu Luz ang naghahanap sa 'kin. Hindi man ako sigurado na baka si Boss Rock ang may kailangan, ihahanda ko pa rin ang sarili ko. Bakit ba kung kailan malapit na akong umuwi ay saka naman siya darating at papupuntahin ako sa itaas? Nananadya ba ang lalaking iyon? "Nag-banyo lang. May ipagagawa ba si Mamu Luz sa 'kin?" walang ganang tanong ko. "Puntahan mo na lang siya sa bar counter. May importante yatang sasabihin sa 'yo." Nagpakawalan ako ng malalim na buntong-hininga bago tumayo. Sinamahan ako papuntang bar counter ni Ariane. "May kailangan ho kayo sa 'kin, Mamu Luz?" Nilapag niya ang baso na may lamang alak bago ako binalingan. "Magpahinga ka muna ng isang linggo, darling." I was stunned by what she said. Bakit kailangan ko magpahinga? "H-ho? Bakit ho, Mamu? Dahil ho ba sa pagsasayaw ko? May nagreklamo ho bang customer?" sunod-sunod kong tanong. "Actually…" Bigla akong kinabahan sa maaaring sabihin nito. "Gusto nilang maulit ang pagsasayaw mo, pero… hindi na pwede." Nakahinga man ako ng maluwag dahil hindi na niya ako pinahihintulutan magsayaw ngunit kailangan ko malaman kung bakit kailangan ko magpahinga? Baka sa isang linggo na pahinga kong iyon ay pumupunta na pala rito ang mga sangkot sa barilan. Wala akong dapat sayangin na panahon. "Ano ho ang problema, Mamu? Kung hindi na po ako magsasayaw, bakit kailangan ko magpahinga?" pag-uusisa ko. "Kailangan muna natin magpalamig, darling. May mga customers na nagre-request na ilabas ka. Tumanggi ako dahil may nagmamay-ari na sa 'yo." Nagsalubong ang kilay ko dahil sa huling sinabi nito. "Nagmamay-ari? Ano ako, binili, Mamu, para sabihin n'yong may nagmamay-ari na sa 'kin? Sino? Si Boss Rock ho ba?" Hindi ko napigilan ang sarili na mag-usisa. Walang karapatan ang lalaking iyon sa akin dahil hindi niya ako pag-aari. Mamu luz let out a heavy sigh before facing the drink again. "Kapag inutos ay kailangan sundin, Taniella. Hindi magiging maganda ang kapalit kapag sinuway. Sumusunod lang ako sa utos, darling. Mahal ko pa ang buhay ko." "Sino ho ba si Boss Rock at parang takot na takot kayo sa kanya?" Gusto ko na talaga magduda sa pagkatao ni Boss Rock. Maging ang pagsusuot niya ng sumbrero at facemask kapag nasa labas ay nakakapag-duda. Parang may pinagtataguan siya. "Hindi mo na kailangan malaman kung sino siya, Taniella. Huwag mo na alamin. Sumunod ka na lang din sa mga inuutos niya para wala tayong problema." Magsasalita na sana ako ng may sumigaw. Sabay kaming napalingon ni Mamu Luz sa pinanggalingan ng boses. Nagulat na lang ako ng sa isang iglap ay may nakalapit na sa akin. Nagusot ang ilong ko dahil sa naghalong amoy ng alak at sigarilyo na nanuot sa ilong ko. "You, come with me." Hindi ko na nagawang makaiwas ng hinawakan nito ang kamay ko at pwersahan akong hinila. Napangiwi ako dahil sa higpit ng hawak sa akin ng lalaki na kahit anong gawin kong pagpupumiglas ay hindi ko magawa. "Mr. Lao, not her, please. We have many women here. Choose as much as you want but not her," pakiusap ni Mamu Luz na nakasunod pala sa amin. "No. I like her and I want her!" Base sa kung paano magsalita ang lalaki at sa singkit nitong mata ay Intsik ito. "But–" "Sit beside me, b***h!" utos nito sa akin at pwersahan na akong pinaupo. Muli kong binalingan si Mamu Luz at nakikiusap na 'wag pumayag sa gusto mangyari ng Intsik. Binalingan naman niya si Binggo at ang kasama nitong bouncer. Nakuha ng dalawa ang ibig sabihin ni Mamu kaya lumapit si Binggo sa akin at ang isa ay sa Intsik saka pilit na nilalayo sa akin. Ngunit naging maagap ang Intsik kaya mahigpit na naman akong nahawakan sa braso. Para na akong maiiyak dahil sa naramdaman kong sakit sa sobrang higpit ng pagkakahawak ng Intsik. Kulang na lang ay balian ako ng buto. Ayaw nitong makawala ako kaya kahit anong gawing pigil ng bouncer sa kanya ay hindi ako binibitawan. Lango na sa alak ang Intsik kaya parang wala na ito sa katinuan kaya maging mga bouncer na malalaki ang katawan ay wala siyang pakialam. "Mr. Loa, not her, please," muling pakiusap ni Mamu Luz. Pero hindi nagpatinag ang Intsik. Nakawala ito sa isang bouncer na may hawak dito at mabilis akong nilapitan. Tumulis ang nguso nito at akma akong hahalikan ngunit may malaking palad ang humarang sa mukha ng Intsik at marahas na tinulak kaya napasalampak ito ng upo sa couch at muntik pa ngang mapahiga. Kasabay ng paglayo sa akin ni Binggo sa Intsik ay ang tila pagbagsak ng kung anong bagay sa glass table. Nang tingnan ko ay nasa ibabaw ng bunganga ng baso ang kamay ng isang lalaki. Sa lakas ng impact sa mesa ay nagkaroon ito ng crack at maging ang baso na ang ilang piraso ay nasa mesa na. Hindi nakaligtas sa mata ko ang pag-agos ng dugo sa baso. Nang mag-angat ako ng mukha para tingnan kung sino ang nagmamay-ari ng kamay na iyon ay napakagat labi ako– si Boss Rock! Kilalang-kilala ko na siya kahit nakasuot na naman siya ng facemask at sumbrero. Napapaisip talaga ako kung bakit niya tinatago ang mukha sa karamihan. "I will fûcking cut your throat and rip your body to pieces if you ever fûcking touch my woman, asshole." kalmado ngunit may pagbabanta niyang sabi. "Who are you?!" asik ng Intsik kay Boss Rock. Sino ka nga ba, Boss Rock? Sa halip na sagutin ay bumaba ang tingin ni Boss Rock sa baso. Sabay kaming napatili ni Mamu Luz ng tuluyan na niya itong binasag. Kinuha niya ang piraso ng basag na baso at lumapit sa intsik. "If I were you, I wouldn't want to know who I was facing." He touched the broken piece on the chinese's cheek. "Because I'm sure you won't like it." Napasigaw sa sakit ang Intsik dahil sa pagdiin ni Boss Rock sa mukha nito ng piraso ng basag na baso dahilan para mag-iwan ng sugat sa pisngi nito. Malinaw ko ring nakikita ang dugo na ngayon ay unti-unti ng umaagos sa mukha ng Intsik. Pakiramdam ko ay nararamdaman ko rin ang sakit na nararanasan ng Intsik dahil sa daing nito. Na kahit pigilan si Boss Rock ay hindi nito magawa dahil may dalawang lalaki ang nakahawak dito. "Now, do you still want to know me, asshole?" Umiling ang Intsik at bakas ang takot sa mga mata nito. "Good." Tumayo ng tuwid si Boss Rock at bahagyang tinanguan ang dalawang lalaki na tila ba ito ang paraan na utusan ang dalawa kung ano gagawin na agad tinugon din ng tango ng mga ito. Ilang sandali lang ay binalingan niya si Mamu Luz at nilapitan. "I will pay for everything damaged." Tumango lang si Mamu Luz. Mayamaya lang ay ako naman ang binalingan niya. He didn't even speak because he took my hand and pulled me away from the crowd. Tiningnan ko pa si Mamu Luz pero hindi man lang pinigilan si Boss Rock. Tinungo namin ang likod ng club. Pero bago pa man kami lumabas ay huminto si Boss Rock at hinarap ako. Tumagos ang tingin nito sa likod ko. Paglingon ko ay may lalaki at may kung anong inabot kay Boss Rock. Hindi na ako nakagalaw ng lagyan niya ako ng facemask at tinanggal ang suot niyang sumbrero saka nilipat sa ulo ko. Daig ko pa ang celebrity na pagkakaguluhan dahil sa ayos ko. Naiintriga na talaga ako. Bakit pati ako ay kailangan magsuot ng ganito? Paglabas namin ay may lalaking nakatayo sa nag-iisang sasakyan. Mukha ngang mahalagang tao si Boss Rock dahil ang sasakyang lang nito ang namumukod tanging narito. Tila ba iwas talaga siyang makita ng marami. "Ako na ang magmamaneho. Sundan n'yo na lang ako." Tumango ang lalaki bago binuksan ang front seat. "Get in, young lady," maawtoridad niyang utos. "S-saan n'yo po ako dadalhin?" nanginginig ang boses na tanong ko. Hindi pa maalis sa isip ko ang nangyari kanina. Naghalu-halo na ang kaba at takot ko. "Mamili ka, sasama ka sa 'kin o ibabalik kita sa loob at itatabi sa Intsik na 'yon?" Matiim ang tinging pinupukol niya sa akin. Siya ang tipo ng tao na kapag sinabi ay gagawin. Nakagat ko ang ibabang labi sa ilalim ng suot na facemask. Ayoko na makita ang Intsik na 'yon pero natatakot naman ako sa presensya ni Boss Rock lalo na ng makita ko kung ano ang ginawa niya kanina. Pero wala akong magagawa dahil siya rin naman ang nagligtas sa akin. Walang imik na pumasok na lang ako sa sasakyan. Habang tinatahak ang daan na hindi ko alam kung saan patungo ay nanatili lamang akong walang imik. Pakiramdam ko kasi ay ayaw niyang kausapin siya kapag ganitong mukhang mainit ang ulo niya. Mas lalo lang ako kinabahan dahil kasama ko siya. Ilang minuto lang ay huminto na kami. Nang lingunin ko siya para sana tanungin ay hindi ko na siya nakita sa loob dahil ang bilis niyang nakalabas. Tatanggalin ko na sana ang seat belt ko ng bumukas naman ang pintuan kung saan ako nakaupo. Napasinghap at napapikit na lang ako ng yumukod siya at tinanggal ang seat belt sa katawan ko. Bagamat nanuot sa ilong ko ang mabangong amoy niya ay pinigilan kong huminga. Nang hindi ko na siya maramdaman ay nagmulat na ako ng mata. Ngunit nanlaki ang mata ko ng nasa harap ko pa pala siya at titig na titig sa akin. He wasn't wearing a facemask anymore so I could clearly see his handsome face again. Nanigas ang katawan ko at hindi ko na nagawang kumilos ng mabilis niyang tinanggal ang suot kong facemask at sinunggaban ang labi ko. My eyes widened as I placed my hands on both of his shoulders. Nang tumagal ang labi niya sa labi ko ay hindi ko na napigilan ang sarili na ipikit ang aking mga mata. Naramdaman ko na lang ang kamay niya sa aking baywang saka inalalayan akong lumabas ng sasakyan habang magkalapat ang aming mga labi. Pinatong pa niya ang isang kamay sa ulo ko para hindi ako mauntog. Gentleman si Boss Rock pero kailangan pa ba niya akong halikan habang lumalabas ng sasakyan? Tila libo-libong boltahe ng kuryente ang dumaloy sa katawan ko ng hapitin pa niya ako sa baywang at kabigin palapit sa katawan niya. He pressed me to his body as if he didn't want to let me go. Ngunit ng tila ramdam ko na nauubusan na ako ng hangin sa baga dahil kinakapusan na ako sa paghinga ay tinulak ko na siya. Yumuko ako dahil ramdam ko ang pang-iinit ng pisngi ko. "H-hindi na ako makahinga," nahihiyang sabi ko. Hindi na siya nagsalita. Hinawakan niya ako sa kamay at hinila papasok sa loob ng tila maliit na cabin dahil yari ang bahay sa kahoy. Maganda ang disenyo kaya tiyak akong mahal ang mga materyales na ginamit dito. Pagkasara niya ng pintuan ay naglakad siya patungo sa sofa at parang Hari na umupo roon. He crossed his legs and hung both arms on the backrest of the sofa. Nanatili lamang akong nakatayo sa pintuan at hindi alam ang gagawin habang nakatingin sa kanya na matamang nakatitig sa akin. "Now, dance for me, tatlim." Muntik ng umawang ang labi ko sa sinabi niya. Ako, magsasayaw? Ulit? "P-po?" Parang hindi pa nagproseso ng maayos sa utak ko ang sinabi niya. "You heard me loud and clear, young lady, and I don't want to repeat it. Start dancing now," he said calmly but full of authority. "P-pero–" "You dance with numerous men, but I, the one who owns you, am unable to see your dance? I guess that's unfair," madilim ang mukha niyang putol sa sasabihin ko. Natigilan ako sa sinabi niya. Paano niya nalaman kung kararating lang niya kanina sa club? Isa pa, hindi naman ako ang may gusto n'on. Napilitan lang ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD