TANIELLA "Yes. It's me." He was about to approach me but Ralphie moved quickly and was now heading towards me. "Masyado ka namang halata, dude. Wala pa akong ginagawa, kabado ka na?" makahulugang wika nito. Masama ang tingin na binalingan ni Ralphie si Travis. "Hindi ako kabado, wala lang akong tiwala sa 'yo," sagot ni Ralphie saka ako binalingan. "Ang sabi mo hindi mo kilala si Travis, pero bakit parang magkakilala na kayong dalawa?" nag-iigtingan ang bagang niyang tanong. Bumuka ang labi ko pero muli kong sinara. Paano ko ba ipaliliwanag sa kanya e, mukhang galit na agad siya? At saka, hindi ko naman alam na ang Travis pala na kilala niya ay ang lalaking nagligtas sa akin sa dalawang lalaki na muntik na akong gawing pulutan sa club. "A-ano kasi–" "Taniella and I met at the Royal

